[Chapter 6] Week Two: The New Girl

123 14 1
                                    

[Chapter 6] Week Two: The New Girl

[Sabrina’s P.O.V.]

“O Mister Sun, Sun, Mister Golden Sun, please shine down on me!” Mukhang uulan yata! Pero kailangang pumasok kahit tinatamad. Ambigat ng katawan ko.

[6 Hours later]

Uuwi nalang ako! Walang klase eh, tsaka tinatamad akong mag-aral. Nagsasawa na rin ako sa mukha ni Jake eh.

[Pagdating sa bahay]

“Hi Dan-dan!” O! Ba’t nandito si ate? Schedule ng photoshoot niya ngayon ah!

“Hi Ate Sandy! Ba’t nandito ka?”

 

“Tinataboy mo ‘ko? Bunso? Hahahaha, anyways, tinatamad ako ngayon eh. Kaya ayan, pina-cancel ko ang mga photoshoots ko ngayon.” Si ate rin? Tinatamad? Oh my GOOSH! Nagpasabog ba ng ‘LAZY FORMULA’ ang mundo kagabi? Ba’t di ko napansin?

“Ayy! Ok! Wait ka lang diyan te ha, magbibihis muna si aketch! Vavoosh!” tapos umakyat na ako. Napansin kong bukas ang pinto ng kwarto ng mga kuya ko, kaya’t ininvade ko na yung room nila. Aba’y akalain mo, natutulog pa ang tatlo!

Lumabas na ako agad sa kwarto nila kuya at nagbihis na ng pambahay, alangan na man na mag gown ako! Di kaya bagay. Tapos, bumalik na uli ako sa kwarto nila kuya.

“Hoy! Tan-tan, Ven-ven at Ren-Ren! Gising na kayo! Mag e-eleven thirty na ho! Tirik na po ang araw.” Ano ba naman ‘tong mga barakong ‘to. Parang mga gulay na nakahilata. Tapos nakasanday pa sa isa’t-isa. Parang mga bading.

“Manahimik ka muna diyan Dan-dan! Matutulog pa kami.” Sabi ni Stanley.

“Di pwede ‘to kuya ha! Tirik na nga ang araw no.”

 

“Ano ba Dan!”

 

“Hoy! Anong ano ba?” sabay batok sa mga kuya.

“Manahimik ka nga diyan Dan. Tinatamad nga kami eh. Kainis ka ha!”

“Ay! Okey! Isleep-tayt po.”

Tapos bumaba na ulit ako at binuksan ang t.v.

“Ay! Ano ba ‘to! Ang pangit ng mga t.v. shows.” Tapos pinatay ko na rin ang t.v. Lumakad ako papuntang kusina at tiningnan ang ref.

“Uy! May ice cream! Akin na to!” tas kinuha ko na yung ice cream. Tsaka naglakad-lakad ako sa sala. Napansin kong nasa gazebo si ate, nakaupo. Kaya’t pinuntahan ko naman siya.

“Dan? Ano ba ang pwedeng gawin ngayon?” tapos nginat-ngat niya yung isang bar ng malaking choco mucho.

The Fraud Girlfriend of the SatyrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon