Black Pearl

27 2 1
                                    

Sa isang tagong bayan na nagngangalang Metropolis, sa taong 1987, ika-27 ng Oktubre, sa ilalim ng kabilugan ng buwan, isinilang si Moon Guillermo. Anak siya ng isang hindi ordinaryong mag-asawa, sapagkat si Selena Guillermo na kaniyang Ina ay isang anghel at si Ares Guillermo na kaniyang Ama ay isang mandirigma. At dahil nga sa kanilang katangian, napagpasiyahan nilang manatili doon sa tagong bayan ng Metropolis upang itago ang kanilang anak na si Moon, sapagkat hindi ito katulad ng ibang mga bata.

Kalahating-tao at kalahating-anghel si Moon, namana niya rin ang kaniyang angking katapangan galing sa kaniyang Ama.

Isang araw, maaliwalas ang kalangitan at ang ating dilag ay napag-desisyonang maglakad-lakad sa malawak na lupain ng Metropolis. "Ano kaya ang nasa labas ng Metropolis? Sabi nila'y maraming iba't-ibang uri ng tao daw doon." Sabi ni Moon sa kaniyang sarili. Habang naglalakad siya sa malawak na lupain ng Metropolis ay may nakita siyang lalaking sugatan, nasa ilalim ito ng punong mangga na pag-aari nila.

Dahan-dahan siyang lumapit sa lalaking parang nag-aagaw buhay na dahil sa mga natamong sugat. Tuluyan nang nalapitan ni Moon ang lalaki at ito'y kaniyang sinilip.

"Buhay pa ba to?" Tanong neto sa sarili at hahawakan na sana ang mukha ng lalaki nang bigla itong gumalaw at hinawakan ang kamay niya. Tila nabato sa gulat ang dalaga at napatanga nalang sa lalaking kaharap niya ngayon.

"Uh, magandang umaga binibini. Este-- ano ba to, uhm may first aid kit ba kayo?" Naguluhan naman kaagad si Moon at tiningnan ng maigi ang lalaki.

"First aid kit? Ano iyun?" Takang tanong neto, umiling naman ang lalaki at tumayo ng dahan-dahan at dinaluhan naman siya ng dalaga.

"Ah wala. Panggamot ng sugat, meron kayo?" Tumango si Moon at iginiya ang lalaking sugatan sa kanilang bahay. Pinaupo niya ito sa isang upuan at sinabihang kukunin niya muna ang mga kagamitan para sa sugat ng lalaki.

"Talaga naman oo, sa dinami-rami ng pwede kong mapuntahan, dito pa. Patay ka talaga sakin Miranda!" Bulong ng lalaki sa kaniyang sarili.

"Ahh, aray ko po. Ang sakit." Daing niya nang humapdi na naman ang mga sugat niya.

"Naku! Napano ka ba? Jusko, teka, ano nga pala ang pangalan mo Ginoo?" Tarantang lumapit si Moon sa lalaki at sinimulan ng gamutin ang mga sugat neto. Napatitig lang ang lalaki sa magandang dalaga na nasa harap niya ngayon.

"Evan Scott." Tipid niyang usal at tinitigan ang mukha ng dalaga.

"Magandang pangalan ngunit kakaiba ang apelyido mo. Ako nga pala si Moon Guillermo, at pakiusap kung ano man ang makikita mo ngayon, sekreto lang huh?" Nagtaka naman si Evan pero nasagot ang tanong niya nang umilaw ang mga kamay ni Moon, ang mata neto na tsokolate ay naging blue at naramdaman niyang parang unti-unting nawawala ang kaniyang mga sugat na natamo.

Pagkatapos ng iilang minuto ay bunalik na sa dati si Moon at nginitian itong si Evan na nakatulala pa rin. "Pano mo yun nagawa?" Manghang tanong ni Evan at di niya namalayang nahawakan niya na pala ang mukha ng dalaga. Tinitigan niyang ang mga mata netong naging kulay asul kanina pero bumalik na sa pagiging tsokolate.

Bigla namang namula ang dalaga sa ginawa ni Evan at umiwas ng tingin bago kumuha ng isang upuan at umupo sa harap ni Evan.

"Di man kapani-paniwala ay isa akong kalahating-anghel. Nakita mo naman nakita diba? Pero ang pinagtataka ko ay pano ka napunta rito?" Dito napatigalgal si Evan at nagsimulang mag-kwento.

"Time machine. Gumawa kasi ang kapatid kong si Miranda ng time machine para makapag-lakbay kami sa kahit anong panahon, pero namali siya ng pindot kaya una akong nakarating sa Meganion na may nangyayaring digmaan kaya sugatan ako. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa napunta ako doon sa ilalim ng punong mangga para magpahinga. Di ki nga alam kung paano makababalik sa mundo ko eh. 2015 na kaya ngayon." 2015? Ang layo naman ata ng kaniyang narating.

Black PearlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon