REN POV
Eto na ang araw! Excited na kinakabahan na ako sa kakalabasan ng surprise ko. Maganda naman ang lahat ng nakikita ko.
Sa sala may mga petals ng red rose sa lapag. May scented candle sa center table tas may petals rin sa sofa. Sa kusina naman nakahanda yung mga niluto ko na carbonara ( pinakafavorite nya ), hotdog na may marshmallow, chicken and barbecue. Hindi ko nga alam pero nagmumukhang birthday party ang kinalabasan ng pagkain na inihanda ko pero atleast effort ang ginawa ko sa lahat na iyan specially itong cake na binake ko. Simpleng chocolate cake lang sya kasi di naman ako sanay magbake. Nilagyan ko na nga lang ng nips, marshmallow at kisses pang design kasi di naman ako sanay gumawa ng icing pero ng tinakaman ko naman masarap naman at pwede ng pagtyagaan. Tsaka meron rin pala akong maliit na banner na nakalagay na HAPPY 5TH MONTHSARY tas may nakasulat na personal letter para sa kanya. Syempre secret ko na lang iyon kung ano ang nakalagay.
Tinawagan ko na si Cyrax para malaman ko kung anong oras sya uuwi. Unang tawag ko hindi nya sinasagot pero nung pumangalawa na, sinagot nya na.
" Hello Cyrax? Anong oras ka uuwi? " agad kong tanong.
" Baka mga seven na. Mauna ka ng kumain may pinapagawa lang si Dad. I love you Ren. " sabi nya sa akin.
" Sige sige. I love you too, bye " end call.
Six palang naman kaya umupo muna ako sa sofa. Habang tinitingnan ko ang gawa ko, hindi ko mapigilang mapangiti kasi di ko talaga aakalain na limang buwan na rin pala kami naging kami. Ang bilis talaga ng panahon.
~
Eight na mahigit. Hindi pa ba sya uuwi. Nagpatay pa sya ng phone paano ko kaya malalaman kung malapit na sya dito. Gusto ko pa namang magtago sa may kusina para doon sya gulatin dala-dala yung cake na binake ko.
~
Eleven na. Nasaan ka na ba Cyrax? Malapit nang maubos yung kandila tsaka baka mapanis na yung mga niluto ko. Nasan ka na?
~
" Ren. Ren. Babe " nararamdaman kong may yumuyugyog sa katawan ko.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko saka umupo ng maayos sa sofa. Pagsilip ko sa may bintana ay may sinag na ng araw. Napatingin naman ako sa mga pinaghandaan ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
" Sorry Ren " sabi kaagad ni Cyrax. " Hindi ko alam na.... Basta I'm sorry Ren " hawak hawak ni Cyrax ang kamay ko pero inalis ko kaagad iyon.
" Ililigpit ko lang yung mga ginawa kong kalat " pinilit kong di mapiyok dahil ayaw kong umiyak.
" Ren " pigil sa akin ni Cyrax umalis sa sala.
" Please Cyrax liligpitin ko lang yung mga kalat na ginawa ko. Hayaan mo muna ako kasi ayaw kong mag-away tayo. Kakaaway lang natin ng isang linggo, ayaw kong mag-away uli tayo " agad kong sabi sa kanya. Hindi ko na napigilan ang mapaluha.
Tinapon ko kaagad ang lahat ng niluto ko pati yung cake sa basurahan. Hinugasan ko na rin lahat ng mga pinaglagyan. Tinanggal ko na rin yung banner na nakasabit saka tinupi at nilagay sa cabinet. Pagtungo ko sa sala, wala na doon si Cyrax kaya sinimulan ko ng magwalis dahil sa mga roses. Pati na rin yung sa kwarto inayos ko na rin.
Ganto pala kapag yung pinaghirapan mo at pinaglaanan ng effort, walang napala. Hindi ko naman masisisi si Cyrax dahil surprise nga kaya hindi nya alam ito. Kaya hindi ko magawang magalit sa kanya. Ang tanga kasi sana sinabi ko sa kanya na may surprise ako para umuwi sya kaagad pero hindi na iyon magiging surprise. Sino bang tanga sa aming dalawa?
Umiyak ako ng malakas dahil sa panghihinayang sa mga ginawa ko. Epic talaga ang first celebration na ginawa ko. Hindi talaga ako magaling sa mga gantong bagay.