Rules are Rules BABE!

22 2 2
                                    

Keziah's POV

Nagtataka ba kayo kung bakit nagiging extra sweet ako? Well napag-isip isip ko na hindi ko naman tinuturing na karelasyon si Kevin which is wrong at hindi niya deserve, ako na nga itong humingi sa kanya ng malaking pabor. Kaya naman naisip kung bumawe kahit papaano sa kanya. Ayun dun ako napabawe sa facebook. Nahihiya din ako sa mga pinagpopost ko dun kaso lunok pride. Alam niyo namang kahit real ang relationship namin, eh hindi real ang feelings namin. Baka magtaka yung iba at wala man lang kaming kaprogress progress. Magkikita nga pala kami para sa rules. Swempre gaya ng sinabi ko mauuna ang rules niya. Huwag naman sanang saupan ng kademonyohan itong si Kevin sa mga rules niya kapag nagkataon. BREAK NA TAYO BOY!

Kaya ko kaya?

Oo naman.

I mean na makipagbreak agad?

Oo?

Hindi?

Anu bay an wala namang something especial sa amin kaya oo siguro kaya ko. Pero huwag na muna ngayon.

"Babe!" hmm sinu naman yun kung makapalakat ay wagas.

"Babe!" so kailangan lahat ng tao makarinig nun? Bakit kaya hindi lapitan. Eskandaloso naman ni kuya.

"babe" sabay may humawak sa likod ko. Babe? Kelan pa may nagbabe sa akin?

"babe ka dya—" ngeks si Kevin pala. Talaga namang napakaeskandaloso nito.

"Kevz. Sensya ako palang tinatawag mo." Kala ko kung sino na.

"may iba pa ba akong babe ditto?" kasi naman di ako sanay.

"Hindi pa ako sanay. At tsaka tayo lang ba ang may tawagang ganun. Maya maya makalingon ako, mapahiya pa ako." Palusot.com hindi ko talaga ineexpect na tatawagin niya ko ng ganun. Madalas Ms. Pait eh. Tsk!

"Sabagay, pero yun na ang tawagan natin. Kaw na nauna eh." Haist I have to endure this babe thing. Isip ng paraan Keziah!

Bright Idea!

"Hmm ayoko nap ala ng babe. Masyadong common eh. Palitan natin." Ano kayang mas maganda bilis brain cells takbo.

"Ahmm maganda naman nay un ah, anung ipapalit natin? Honey? Sugar pie? Honeybunch? Mahal? Love? Sweetie? Sweetheart? Baby? Love? Beh?" infairness lahat ng nabanggit niya gas gas na.

"Bakit pa natin papalitan kung luma din ang ipapalit. Wala ka bang mas bright na idea diyan.!" Sarap batukan eh. Walang kaide-idea sa katawan.

"K." aba beastmode K lang ang sagot.

"Anong K? okay?" gulo eh.

"Hindi, K."

"kanina K ngayon hindi K. yung tunay ga." Ang sayang kausap eh.

"K. na lang ang tawagan natin."

"As in letter "K"? Bakit?" anu naman un.

"Kasi both our names start with the letter K. Keziah and Kevin. So yun na lang para unique." Aba witty din pala to no! mas mabuti para di masyadong sweet pakinggan.

"Okay. So yun na ang official nating tawagan." K. parang short for okay lang.

"K. Discuss na natin yung mga rules. I already have mine." Aba boyscout, handa na agad. Okay. Simulan na.

"Sige. After you."

"Ito yung mga rules that I have set for us, to make things atleast work for our status here:

1. Dapat ipakita natin na magkarelasyon talaga tayo, hindi yung pretend-pretend lang.

2. Pwede ang holding hands, kiss and hug sa public.

"OOpss, teka okay sa akin yung number one, anung klase naman yung number 2?" lupet ah, may kiss at hug pa.

"pwede ba kung okay sayo yung number 1 , okay din ang number two kasi yun yung way para mapakita yun."

Oo nga no. pero kahit na parang di pa ako ready sa mga ganyang stuff.

"eh kahit na."

"basta rules are rules babe!"

"babe na naman?"

"este K. pala. So continue ko na

3. Dapat di malaman ng iba na arrange relationship lang to. Dapat sa atin lang itong dalawa.

4. Itetext mo ko kapag nakauwe kana or tuwing may kailangan ka.

5. Hindi mo ko pwedeng utos utusan basta. Kailangan mo munang ikiss ako bago ko gawin yun.

"Ano! Ano bang rules yan K. parang di pinag-isipan." Haist an daya naman eh.

"ano ka ba. Madali lang naman yun. Di wag mo kong utusan."

"OO nga no."

6. Bawal kang makipagdate sa iba. Akin ka lang dapat. (possessive lang? sinu namang idadate ko. Aber!)

7. Huwag mo kong sisigawan sa public. (so pwede sa private?)

8. Bawal kang magtwo time. Kung ayaw mo na sa relationship natin magsabi ka.

9. Magdadate tayo once a week.

10. Sabay tayong maglulunch lagi.

11. Magiging tapat tayo sa isa't isa.

12. Gusto ko andito ka lagi sa tabi ko, lalo na kapag nalulungkot ako. (gaano ka close?)

13. Ayokong Makita kang malungkot lalo kapag kasama mo ako. Para hindi naman mukhang napipilitan ka lang.

14. At kung sakaling maiinlove ka sa akin. Gusto kong sabihin mo sa akin. (para namang may tendency na mangyare yun)

Yan yung mga rules ko. Sabi mo masusunod ang mga rules ko diba?"

Speechless ako sa mga rules niya. Seriously saan niya nakuha ang mga yan?

"hey K. anu na?" ay oo nga pala kinakausap nga pala ko nito.

"hmm wala akong masabi sa mga rules mo. Parang pinag-isipan mo talaga eh."

"Ganun talaga. Mabuti na yung malinaw."

"Yeah. Whatever!" ang labo nga eh. So tunay na talaga to? Kaya ko ba?

"K. parang walang dating yung tawagan natin." Ano na naman ang naiisip nito.

"Papalitan na ulit natin?"

"Oo sana. Babe na lang ulit mas gusto ko yun. Haha" so masusunod na naman siya?

"Sigena. Kung saan ka Masaya. Go lang ng go." Bahala ka na. hindi na magfunctionbrain cells ko. Babe daw. Eh di wow.!   


#Hashtag Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon