Masyadong abala ang mga manggagawa dito sa palasyo. Ngayon na kasi darating ang mapapangasawa ng prinsipe.
"Snow White, maaari mo bang linisin ang kwarto ng prinsesa? Wala pa kasi ang kanyang magiging katulong." Utos sa akin ng aking ina.
"Ako na po ang bahala ina." Pumunta kaagad ako sa kwarto ng magiging prinsesa.
Habang naglilinis, biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babae. Nakasuot sya ng isang simpleng damit. Ito na marahil ang katulong ng prinsesa.
"Kumusta, ikaw ba ang magiging katulong ng prinsesa?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? Ah... Hi..." hindi ko na sya pinatapos sa kanyang sasabihin. Mukhang nahihiya pa sya.
"Ako nga pala si Snow White. Ikaw, anong pangalan mo?"
"Cinderella." Simpleng sagot nya.
Nginitian ko lng sya at hinila ang kamay nya. "Halika na Cinderella, kaylangan nating magmadaling ayusin itong kwarto bago dumating ang prinsesa. Mamaya ipapakilala kita sa mga kasama nating mangagawa dito sa palasyo..."
Nagtulungan kaming maglinis habang panay ang kwento ko. Puros ngiti lng ang sinasagot nya sa akin.
"Ikaw Cinderella, magkwento ka naman ng tungkol sayo?"
Ngumiti muna sya bago magsalita. "Dati akong katulong ng aking stepmother."
May sasabihin pa sana sya, kaso biglang bumukas ang pintuan.
Pumasok galing doon ang prinsipe."Mahal ko! Bakit ka nag aayos ng iyong kawrto? Hayaan mo na yan sa katulong mo." Lumapit ang prinsipe kay Cinderella.
"Tinulungan ko lng si Snow White, Darren" Yumakap naman sya sa prinsipe.
Wala akong masabi. Si Cinderella ang prinsesa?!
Nakining nalamang ako sa kanilang pag uusap."Hayaan mo na sya. Ipapakilala na kita kay ama."
"Sige. Susunod agad ako." At lumabas na nga ang prinsipe.
"Pasensya na mahal na prinsesa! Hindi ko po alam." Humarap agad ako sa prinsesa at yumiko.
"Ayos lng Snow White. Saka, Cinderella nlng ang itawag mo sa akin. Hindi ako sanay na tinatawag na prinsesa."
"Pero..." nahihiya parin ako sa inasal ko sa kanya kanina. Pinaglinis ko pa sya ng sarili nyang kwarto.
"Pakiusap. Isa rin akong katulong dati pero pinalad lng na umibig sa isang prinsipe. Saka magkaibigan na naman tayo eh." Tinuring na nya akong kaibigan? "Sige na, hindi ako pwedeng magtagal. Hinihintay ako ng mahal ko." At umalis na nga sya.
Ang swerte ng prinsesa. Nakakainggit. Sana'y matulad rin ako sa kanya na isang katulong at iniibig ng isang prinsipe.
YOU ARE READING
Happily Ever After ♥♥♥
De TodoA compilation of fairy tale stories..... With a TWIST???