MH-21

728 28 3
                                    


[Inoue's POV]

Alas dos ng medaling araw, nagising ako dahil sa ringtone ng cellphone. Si Dad tumatawag.


"Dad, napatawag po kayo?" humihikab pa ako dahil sa sobrang antok. Tinignan ko si Aiko na mahimbing na natutulog.


"Anak, sorry kung naabala kita, tungkol lamang ito kay Aiko" napaupo ako ng maayos. Bumuntong hininga si Dad. Nadinig ko sa kabila linya si Mama Lucia na wari pinipigilan nito si Dad.


"Lucia, ano ba! Kailangan ko sabihin ito para sa kapakanan ng apo natin!" mas lalo lamang ako nagulohan sa sinasabi ni Dad.


"Dad,may problema po ba?" nagtatalo sila dalawa.


"Inoue, makinig ka." Muli ito bumuntong hininga.


"Sabihin mo kay Aiko na isa lamang panaginip ang mga nangyari lalo na ang kamukha ng Daddy nya" Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Dad. Naiintindihan ko siya.


"I understand"


"Pasensya na anak" Ngumiti ako at binaba na ang phone. Inaasahan ko na ang balak ni papa dahil sa totoo lang, iyon din ang plano ko gawin. Alam ko sa gagawin ko maari lokohin ko si Aiko pero alam ko pag nasa tamang edad na siya maiintindihan niya rin. Ayaw ko masaktan ang anak ko, iniisip niya buhay pa ang Daddy niya sa katauhan ni Keito Kitamura pero ang totoo ay matagal na ito wala.


"I'm sorry, anak" Muli ay humiga ako sa tabi niya at dahan dahan ko niyakap si Aiko. Ang pagsisinungaling ko ay para sa kapakanan mo. Para hindi ka masaktan.


***

"Mommy Mommy where's Daddy?" Nakita ko tumatakbo pababa ng hagdan si Aiko at tinitignan ang buo paligid. Lumabas pa ito at halos ikutin ang bahay. Awang awa ako makita siya nagkakaganyan. Matapos e handa ang pack lunch ni Aiko ay lumapit ako sa kanya.

"Mommy Mommy, nasaan po si Daddy?" nakikita ko natataranta siya at parang naiiyak. Hinawakan ko si Aiko at pinaupo sa dinning chair. Hinaplos ko ang mukha niya, tinitigan ang nagaalala at natatakot na expression na nakaukit sa buo mukha niya. Pinipigilan ko ang emosyon ko. Kailangan hindi niya mahalata ang gagawin ko pagsisinungaling. Kailangan ko umarte ng maayos para ito sa pakanan niya.

"Aiko, anak, making ka" inayos ko ng paismple ang kwelyo ng uniform nito.

"Hindi ba, nasabi ko na sa'yo na matagal ng wala ang Daddy mo?"

"No no, Mommy, I saw him yesterday then we played pa nga in the playground" Pagpapaliwanag nito. Kumunot ang noo ko sa nadinig pero ito ay kasama sa pag arte. Halos hindi ako makapagsalita. Parang hindi ko kaya magsinungaling sa kanya.

"If you want to see your Daddy, bibisita tayo sa cemetery" Kahit gusto gusto ko sabihin sa kanya na panaginip lamang iyon ay hindi ko masabi, dahil ang sakit, ang sakit lokohin ang tao mahal mo. Tama na iyong halos walong taon na panloloko ko sa kanya na buhay ang daddy niya. Ngayon kailangan ko e paintindi sa kanya na wala na ito pero hindi ko kailangan banggitin si Mister Kitamura ang kamukha nito, naka mas lalo lamang siya maguluhan.

"Buhay si Daddy, Mommy!" Nagsimula na siya umiyak. Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit.

Ilang minuto din siya iyak ng iyak. Hinayaan ko lamang siya. Masakit makita pero kailangan niya tanggapin ang totoo. Wala siya gana kumain pero pinilit ko lamang siya. Buti at kahit papaano ay kumain siya. Hindi ko na muna pinapasok ng school si Aiko, ginawa ko ay namasyal na lamang kami. Pumunta kami sa mga paborito nito lugar at kainan. Pero kahit dalhin ko pa siya sa mga gusto niya ay hindi pa rin ako nagtagumpay mapangiti ang anak ko. Binisita din namin ang grandparents niya, pero hindi rin siya napasaya ng mga ito.

Dumating si Zeo sa mansion at nalaman ang mga nangyari kahit ang naging plano namin nila Dad na pagsisinungaling kay Aiko na hindi ko naman kaya gawin.

"Inoue" tawag sakin ni Zeo. Ngumiti siya sakin pero nandoon ang lungkot. Sabay namin tinignan si Aiko katabi ng Lolo niya busy sa panunood ng Disney Movie, ang paborito nito Frozen.

"Alam mo ba kapag tinitignan ko ang mukha ni Aiko, isa lang ang pumapasok sa isipan ko" nagtaka ako sa sinabi niya. Ngumiti siya sa'kin then he tap my shoulder.

"Ikaw, sino ang nakikita mo kay Aiko" I just sighed at sinagot ang tanong niya

"my husband" napangiti ako ng makita tumingin sakin si Aiko pero malungkot pa din ito. Tumango tango naman si Zeo.

"You're right, magkamukha nga sila" Napangiti ako kay Zeo. Nagpapasalamat nga ako na nagmana si Aiko sa Daddy niya.

"at magkamukha din sila ni Kitamura" I felt my heart, beating so fast nung madinig ko ulet ang pangalan na iyon. Napahawak sa batok si Zeo.

"Gusto ko lang malaman mo ang isa pang katutohanan na hindi mo maari e tanggi lalo na sa sarili mo" Ano ang hindi ko pwede e tanggi? Na mgakamukha si Saito at si Keito? Na magkahawig din sila ni Aiko. Mas lalo lamang ako naguguluhan at nasasaktan. Dahil patuloy ko nilalabanan ang isipan ko, na hindi siya si Saito kahit na magkamukha magkamukha sila.

Umalis na kami sa mansion, gusto na din umuwi ni Aiko sa bahay. Nang makarating kami, matapos ko e park ang sasakyan ay nagmadali ito bumaba ng sasakyan at nanakbo papunta sa loob ng bahay. Nakita ko pa siya na wari may hinahanap. Nagmadali din ako bumaba at hinabol ang anak ko. Matapos niya maikot ang buong bahay. Nakita ko bumagsak ang balikat nito na wari nadismaya. Unti unti ko nakuha ang ginawa ng anak ko.

Umaasa ka bang darating ang Daddy mo ngayon. Iniisip mo na sana nagsisinungaling lang ako. Na sana kasinungalingan lang ang lahat. Anak nga kita,walang pagdududa.

Hinahanda ko na ang dinner namin ni Aiko nung meron nag doorbell. Tinawag ko pa si Aiko na buksan ang pinto ngunit busy ito sa paglalaro ng laroan niya, frozen.

*Ding Dong*

Muli ko tinawag si Aiko para buksan ang pinto. Buti naman at sumunod ito.

"Aiko sino iyang dumating?" Natapos ko na e handa ang pagkain at nagtungo sa pinto. Nakita ko pa ang anak ko na parang na statua nakatingin sa labas ng pinto. Medyo kinabahan na ako. Nagmadali ako lumapit sa kanay at nadinig ko pa ang sinabi ni Aiko.

"Are you a ghost?" naka cross arm pa ito habang nakatingin sa kausap. Halos himatayin ako sa nakita na lalaki nasa pinto. Na ngayon ay nakapantay kay Aiko. Nakaluhod ang isa paa nito.

"No, I'm not" Sagot nito.

"If you're not a ghost..." nakita ko nanigas si Aiko at parang natakot.

"..Maybe you're a zombie!?" Ngayon ay nadinig ko ang pagtawa nito.

"I don't eat brains" pagpapaliwanag nito. Hindi ko malaman bakit hindi ko na magawa pigilan ang dalawa sa pag uusap. Kahit ako parang nanghina at na estatwa. Hindi ko maimagine na sa isang iglap ay mawawala lang ng ganito ang mga pinaghirapan ko. Ang hirap hirap ng mga pinagdaanan ko buo araw para lamang e tago kay Aiko ang tungkol kay Keito, pero sa simply pagdoorbell lamang ay nasira na lahat.

"..if you're not a ghost or a zombie, sino po kayo?" Nakita ko nagpugay ang mga mata ng anak ko. Na parang nagkakaroon ng pag asa. Kinarga ni Keito ang anak ko at inayos ang buhook nito.

"Ano ba ang gusto mo madinig na sabihin ko?"

"Gusto ko po madinig na sabihin mo po na ikaw ang Daddy ko" Doon ay parang nagising ako. Nakaramdam ng kaba. Hindi pwede, hindi pwede. Please sabihin mo, hindi ikaw ang Daddy niya.

"Aiko, he's not your Daddy" parang naputol ang maganda aura bumabalot sa kanila dalawa kanina, lalo na sa anak ko ng dahil sa sinabi ko. Nakita yumakap si Aiko kay Keito, mukhang umiiyak ito.

"Baby, please stop crying.. because Daddy is here" –Keito.

Nagkatitigan kami ni Keito at nakita ko na sumeryoso ang tingin nito sakin na wari sinasabi huwag na ako magsalita pa or kumuntra pa?! Balak ko sana magsalita pero dahil sa klase ng tingin niya ay umurong ang dila ko. 


MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon