~Dianne Jane~
Nagising ako dahil naramdaman kong huminto na ang sasakyan namin. Nandito kami sa lilipatan naming bagong bahay. Ang alam ko isa itong maliit na subdivision.
"Maganda ba anak? Ito na ang bago nating titirhan" sabi ni sakin ni Mama nang makababa kami ng Van.
Tiningnan ko ang bago naming bahay. Medyo malaki ang bago naming bahay ngayon kaysa sa dati naming tinitirhan. Napangiti ako. Haayy. Bagong bahay! Bagong buhay!
"Opo Ma, maganda nga po :)" sagot ko kay Mama.
Pero alam nyo, sa loob loob ko. Nalulungkot parin ako. Alam ko naman kaseng pinipilit lang nyang maging masaya eh, alam kong hindi pa rin sya nakaka recover sa pagkamatay ni Papa.
Umiiyak pa rin sya tuwing gabi, kapag alam nyang hindi ko sya nakikita.
Pero mali sya, alam kong imiiyak parin sya... Halata naman sa namumugtong mata nya tuwing umaga eh. Pero hindi ko hahayaang malaman niya na alam kong nahihirapan siya. Dahil alam kong gusto ni Mama na ipakita sa aking matatag siya. At dapat ganoon din ako.
-----
Nasa gilid ako ng daan ngayon sa tapat ng bahay namin. Dahil hobby ko na ang maging tulala, eh yun ang ginagawa ko ngayon.
Wala naman akong gagawin ngayon at wala rin akong maka-usap dahil bagong lipat lang kami. Naglakad-lakad nalang ako.
Ewan ko ba.. feel ko maglibot ngayon. Kaya tumakas ako. *smirk*
Patawid na ako ng kalsada nung sinigurado kong wala akong naririnig na sasakyan nang...--
Ahhhh!!!
"Bata! Bata! Ayos ka lang ba?!" Tanong ng batang nakasakay kanina sa bisikleta.
"May masakit ba sayo?! Naku!!! Pano ba toh?!" Natatarantang sabi nung bata. Haha kung hindi lang masakit pinagbagsakan ko natawa nako dito eh. Hehe
"O-okay lang ako. Ahm ako rin may kasalanan. Akala ko kase wala ng sasakyan ng dadaan kase wala naman akong narinig. Nakalimutan kong wala nga palang tunog ang bike." Nakayukong sabi ko habang pinapagpag ang dumi sa damit ko.
"Ahm. Gusto mo hatid nalang kita? Saan ka ba pupunta? Okay ka lang ba talaga?" Tanong nya ulit.
"Nakuuu, wag na. Okay naman ako na eh :)" sabi ko
Nang tumingin ako sa kanya. Nakita kong kanina pa pala niya ako tinitingnan at nag-aalala kung nasaktan ako. At nung nakita nyang nahihirapan akong tumayo tinulungan niya ako para hindi matumba.
Nang magka-abot ang mga balat namin, biglang nag-iba ang kabog ng dibdib ko... Luh!! Anyare sakin?!
"Hi I'm Dominic Paul John, DJ for short. And you? 'Miss wala sa Sarili' what's your name?" Sabi nya with matching tawa pa.
Haha ang cute nya *^_^*
"Hello my name is Dianne Jane, but everyone call me Dianne" nakangiti kong pagpapakilala sa kanya.
"Ah, so since everyone calls you Dianne. I'm gonna call you DJ nalang. Kung okay lang? :)"
"Hmm. Oo naman! Maganda nga yun. Haha! ^_^"
BINABASA MO ANG
When True Love Strikes
Teen FictionKwento ng magkaibigan minahal ang isa't isa simula pagkabata. Nang lumaki sila at nalaman ang totoong kahulugan pag-ibig, napunta sa puntong nagka-lituhan, nagkaselosan, nagkagulo ang mga pakiramdam at iba pa. Pwede bang ang mag-best Friends ay magi...