Vigan (part 1)

48 2 0
                                    


Bumabyahe na kami ni Jc papuntang Vigan.nakaidlip si Misha sa byahe habang nabyahe sila naipatanong niya ang ulo niya sa balikat ni Jc.

Ito talagang babaeng to.napaka antukin talaga . Habang inaakap si Misha.

Mahaba ang kanilang byahe ibinaba muna ang mga pasahero sa pagkainan at kung sino ang gusto magpunta sa palikuran binigyan sila ng tatlumpung minuto ng driver bago bumyahe ulit.

Misha. Misha. gising kaen muna tayo..

Oh. Bkt Jc?



Binaba muna tayo sa bus stop sa tapat ng food court.


Sige cr lang ako tapos kaen na tayo..

Sige

Makalipas ng tatlumpung minuto bumyahe ulit sila patungo sa Vigan.


Ayan malapit na tayo dalawampung minuto nalang nasa amin na tayo.

Mabuti upang makapagpahinga na tayo.

Tok. Tok

Nay.tay.
Si Misha po ito.


Hala si Misha bumisita.

Hindi ka manlang nagpasabi para nakapagluto naman ng masarap at madami habang binubuksan ang pinto ani ng ina ni Misha.

Naku inay ok lang po kumain naman po kami kanina sa bus stop kaya busog pa kami nay

Anong busog pa kami? Bakit may kasama ka ba Misha?

Meron po nay kaibigan ko ho.

Aba at papasukin mo

Opo inay.

Oh anak kamusta umupo muna tayo ani. Ng tatay ni Misha.

Magandang gabi po ani ni Jc.

Magandang gabi din iho nobyo ka ba ng aking dalaga?ani ng tatay ni Misha.

Oho nobyo po ako ni Misha .

Aba Misha may nobyo ka pals hindi mo manlang sinasabi sa amin ani ng nanay ni Misha .

Ano po kaya po ako sumama sa kanya upang masabi namin po sa inyo ang aming relasyon.

Siniko sya bigla ni Misha at nilakihan ng mata.

Aba edi mas mabuti at makikilala ka namin masusubukan ko kung gaano mo kagusto ang anak ko ani ng tatay ni Misha.

Hala magpahinga na kayo sa taas. Ikaw Misha doon ka sa kwarto mo ikaw iho doon ka sa bakanteng kwarto ituro mo Misha ang bakanteng kwarto sa itaas.

Opo inay.

Habang pumupunta sila sa itaas.

Nagtatalo sila na nagbubulungan.

Bruha ka bakit mo sinabi na nobyo kita?

Para hindi mahalata na bakla ako gaga

Tsk siraulo ka bahala ka sa buhay mo sabay irap niya.

Ui gusto nya ako maging nobyo

Hindi no baliw. Di tayo talo kadiri ka.

Haha oo nalang if I know kinikilig ka na dyan .

Hay nako talaga. Dyan kana sa bakanteng kwarto. Ako dito sa tapat lang.

Tomboy siya Bading akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon