Dapat ba akong matuwa kung inakala nilang ako si Azhelaide Cain Tan? My twin brother? Pero sa itsura ng lalakeng ito mukhang hindi siya mali sa pagdakip saakin. Ang kanyang mukha'y nanatiling pormal. Blangko pa rin ito at hindi makikitaan ng pag tawa o kaya man lang pag ngiti ng totoo. Pero kitang-kita sa maamo nitong mukha ang isang gwapong lalake. May kulay tsokolateng mata ang binata, at may kulay itim itong buhok na nagpabagay sa sariling anyo.
"Meron po akong sasabihin..." paninimula ko, Iwinawagayway ng binata ang kanyang kamay,
"Ako po si Azhelaide Cade Tan," pakilala ko. Tumango lamang ang binata at sinulyapan ako.
"I already know that..." anito
"At isa pa po pala..." patuloy ko, Humugot ako ng malalim na hininga. Am I ready to say it to him? Pero pa'no kung tawanan niya ako? At isa pa.... Baka magalit saakin si Cain! Ayaw niyang sinasabi ko ang personal kong buhay sa iba.
"What is it?"
Ngumiti ako, "E-err."
"B-baka kasi magulat kayo kapag sinabi ko eh." sagot ko muli. Sandali niya akong sinulyapan at tumango.
"It's alright, I won't be shocked to hear it..." sambit nito
"S-sige..." tugon ko na lamang. Humugot muli ako ng malalim na hininga at bumuga ng hangin. It's now or never!
"Hindi po ako lalake." napatungo ako
Hindi ko man lang naramdaman ang pagkabigla niya, O kaya man lamang ang pag singhap niya kaya dahan-dahan kong itinaas ang aking mukha upang makita ang binata. Tiningnan niya lamang ako mula ulo hanggang paa.
"Are you trying to make me laugh?"
Napanganga ako sa kanyang sinabi, At hindi pa siya naniniwala doon?! Babae ako at totoo yon!
"Hindi po ako nag-jo-joke, sinasabi ko po ang totoo." sagot ko at nakipagtitigan sa kanya
"You can't be serious..." akusa nito
"Totoo po ang sinasabi ko."
Muli niya akong sinulyapan, "How can you prove that Azhelaide Cain's twin is a girl? When in fact you look like a guy with a long hair." anito
Tumango ako, Marami ng nagsasabi niyan. At sanay na ako sa mga gan'oong sagot. Kelan pa ba nila malalaman na babae ako? Pero masaya na rin sigurong maging lalake noh? Ewan? Ang gulo.
"Ang mga lalake may Adam's Apple at ako ay wala." sagot ko
Tiningnan niya ako, saka siya tumayo sa kanyang upuan na parang pang-hari.
"Let me see your vocal chord" at naglakad siya papalapit sa pwesto ko,
Agad akong napahanga sa kanyang maamong mukha, mas gwapo pa pala siya sa malapitan. At ang perpekto niyang tingnan. Kung siguro'y ngingiti siya ay sobrang gwapo niya na.
Sinulyapan niya ang lalamunan ko at hinawakan iyon,
Napalunok ako, Bakit ba ang gwapo niya? Mas gwapo pa siya sa dalawang lalake na nagkuha saakin sa kwartong iyon. Speaking about the two devils, Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa nilang pagdakip saakin sa bahay! Malamang, nag-aalala na rin si Cain at si Manang Lucy.
"Why does your voice sounds husky?" tanong niya
"Kasi po ay nag-aaral ako sa isang Judo School. At araw-araw kaming sumisigaw." sagot ko.