Chapter 17 - Childish

40.3K 681 42
                                    

This chapter is for ZeroEverdeen. Thank you! :*

Hope you like this chapter. Enjoy!

============================

CHAPTER 17

Nakangiti si Gino habang pinagmamsdan si Mikay na nakikipaglaro kina Billy at sa mga kaibigan nito sa bakuran nila. Hindi pa raw kasi nito nararanasang maglaro ng patintero kaya nagpasiya ang dalagang makisali sa mga ito. Tawa naman ito ng tawa habang nakikipaghabulan sa mga bata.

Sa halos dalawang buwan nitong pamamalagi sa Aberin ay naging malapit na si Mikay sa mga naninirahan doon. Magaling din kasi itong makisama basta’t hindi lang sinusumpong ng kaartehan, which he can very well tolerate. Nagta-tantrums pa rin ito minsan, pero iniisip niyang hindi ito magiging si Mikay kung wala ang mga iyon.

Lalo pang nadagdagan ang pagkagiliw ng mga tao sa “asawa”  niya dahil sa ibinigay nitong tulong sa pamilya ni Aling Salve. Isang lingo na simula nang makalabas si Caloy ng ospital at kasalukuyang nagpapagaling ng mga natamong sugat dahil sa aksidente.

Ilang sandali pa ay nakita ni Gino na papalapit na si Mikay sa kinaroroonan niya.

“Grabe! Nakakapagod din pala yun!” sabi nito at naupo sa tabi niya. Tagatak ang pawis sa mukha at leeg nito.

“Mukhang enjoy na enjoy ka ah,” komento ni Gino.

“Ang saya kasi! First time kong maglaro ng ganyan. Bakit nga ba hindi nauso ‘yan nung bata ako?”

“Uso naman ang mga larong kalye kahit noon pa. Hindi mo lang siguro alam dahil-“

“Oo na, alam ko na. Kasi anak mayaman ako,” putol nito sa kanya. She sounded bitter.

Nanatili na lamang tahimik si Gino. May katotohanan naman talaga kasi ang sinabi ni Mikay.

“Sayang lang kasi. Ang dami ko palang na-miss nung kabataan ko. I could’ve enjoyed my childhood more,” patuloy nito.

“Pwede mo pa rin namang gawin ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa noon hindi ba? Sinisimulan mo na nga ngayon.”

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon