I'm Inlove With My Bestfriend (Oneshot)

508 5 6
                                    

"Migz! Di ko talaga kaya!"

"Migz! Kayanin mo. Andiyan ka na eh. Panindigan mo nalang yan."

"Pero hindi ko na kayang tingnan sarili ko nito pagginawa ko 'to!"

"Matitingnan mo pa rin yan. Matagal ka namang immune sa mukha mong unexplanable eh. "

"MIIIIIIIIIIIIIIIGZZZ!!!" I yelled at him nang may tonong pagbabanta.

"I-flush mo na kasi yan nang makalabas ka na. Ang arte eh!"

Yeah. I almost forgot. Drama namin yan habang nasa loob ako ng isang public CR at siya naman nakahintay sa labas. Nandidiri talaga kasi ako eh. Yun bang nakakapanindig balahibo yung nakikita mo dito sa loob. Walang ilaw, well, except nalang dun sa opaque roofing na  1/8 yata nung bubong- kahit papano may nakikita pa'ko; yun namang trash can! IW! Imagine! Nagha-HI yung tissue sakin na hindi nakashoot nang maigi at nakasampay lang sa bunganga ng basurahan! Y-U-C-K! As in yuck!

Bigla namang may dalawang dagang nagtakbuhan sa harap ko kaya bigla akong napasigaw.

"Migz? Okay ka pa ba diyan?" Nag-aalalang tanong naman ni Migz Miko sakin.

"Y-yeah. I'm fine." Letsugas, singkamas, talong at petsay naman kasi yang mga dagang yan. Like hello dears. Nasa labas kaya ang plaza, ba't di kayo dun maghabulan. Tsss. Sobrang PDA naman nitong mga bubwit na'to. Finlush ko na yung toilet tsaka agad na lumabas.

"Migz! I'm still alive!" Niyapos ko siya nang mahigpit nang makalabas ako ng CR.

"Malamang. Hindi ka naman masisikmurang kainin ng CR noh, tsaka yuck lang Migz ha." Bahagya niya akong tinulak na parang nandidiri raw sakin. "Galing kang maruming CR tapos yayapos-yapos ka sakin? Baka may virus ka pa."

Sinapo ko nga. "Hoy! Sobra ka pa makapandiri sakin ha. As if ikaw yung napasok sa loob. Itulak kita dun eh. Akin na nga yang bag ko." Hinablot ko yung bag kong nakasampay sa braso niya. Sa kanya ko kasi pinabitbit yun habang nagpi-penitensya ako sa loob. Kinuha ko sa bag yung sanitizer na parati kong dala-dala at naglagay sa kamay. Binalik ko ito sa bag at open palm na ipinakita kay Migz ang kamay ko. "Yan na ha. Wala nang virus yan."

Aakma sana siyang kapitan ang kamay ko pero mabilis ko itong inilayo sa kanya. Napakunot-noo naman siya.

"Ba't mo ko kakapitan?"

"Edi titingnan ko kung wala na talagang virus."

"No way! Ang laki mo kayang virus! Baka pati sanitizer ko mag-evaporate agad sa takot sa'yo." :P

"Bah! Nagsalita ang bacteria."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Inlove With My Bestfriend (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon