Nagsimula ang lahat sa simpleng "hi" at ikaw naman magrereply ng "hello"
May isang aamin na "Crush Kita", tapos magkakabukingan na.
Hanggang sa may magsasabi na ng "I Like You"
Pagkatapos magkaka-"I Love You" na sa texts at any communications nyo.
Hindi mabubuo ang isang araw na di nyo nasasabihan ng 'I Love you' ang isa't isa
Magiging kayo.
Minsan nakakaligtaan nyo na yung 'I Love You' nyo sa sobrang busy ng schedules.
Mas naitutuon mo yung pansin mo sa mga taong mas malapit sayo.
Ano nga bang magagawa nyo, ehh halos sa text at chat lang kayo nakakapag-usap eh.
Tapos magkakasawaan na kayo.
Ay mali kasi ikaw pala yung unang nagsawa.
Akala mo kasi ayaw mo na sa kanya.
Akala mo kailangan mo ng taong mas malapit sayo at laging nasa tabi mo.
Pero akala mo lang pala.
Kasi namimiss mo yung chats nya.
Yung tipong kahit moody ka naiintindihan nya.
Siya rin yung resback mo kapag may kaaway ka.
Pero wala na ehh.
Nakasakit ka na.
Nasaktan ka pa.
Akala mo ikaw yung nakalamang kasi nga akala mo nagmahal ka na ng iba ehh.
Pero kaya ka lang naman pala nagmahal ng iba kasi nakita mo sya sa taong yun.
Ang totoo ikaw pala yung naiwan.
Kasi sya yung sinaktan mo pero sa sobrang sakit kinalimutan na nya lahat ng alaala nyo.
Samantalang ikaw naaalala mo parin ang bawat sandali na masaya pa kayong dalawa.
Masakit kasi di ka nya pinatawad.
Kasi nga sinaktan mo na sya ehh.
Kasi nga akala mo ayaw mo na.
Konting nawalan lang kayo ng topic nagsawa ka na.
Konting nawalan lang kayo ng time sa isa't isa naghanap ka na ng iba.
Kasi kahit pede pang kumapit bumitaw ka na.
Sabi nga nila
"Maraming namamatay sa maling akala"
Pero hindi ka pa patay.
Ano na ang gagawing mo?
Itatama mo ba ang pagkakamali mo?
O kakalimutan mo narin sya gaya ng pagkalimot nya sayo?
A/n: Hope you like it guys... Semi Non-Fiction..
BINABASA MO ANG
Untitled Draft (On Hold)
RomanceThe Laguages that are used in composing this story are English and Filipino. Synopsis: This is not just an untitled draft from my account. This is a draft about a girl who named Rylee, who left an unfinished business in her old school and come back...