Ako si Wendyl. Isang simpleng gwapong studyante na balak mag-aral sa isang kakaibang eskwelahan. Nandito kami ngayon ng kaibigan ko sa harap ng school ng St. DEL CARMEN Academy, at balak naming magenrol ng aking best friend na si Aldrin.
Masasabi nyong napakanormal ng iskwelahang papasukan namin pero nagkakamali kayo. Isa itong all girls school.
Tingin nyo nababaliw na kami kaya papasok kami dito no? Pero ako nga siguro baliw na. Pinilit ko lang kasi si Aldrin na sumama.
* Flash Back *
"Tol, samahan mo naman ako magenrol sa St. Del Carmen academy." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami sa pasilyo ng bahay namin.
"Baliw ka ba? Papasok ka dun e ang mahal-mahal dun." Sinabi niya iyon ng nakatalikod sa akin.
"Tol, mayaman kami, kaya kong makapasok dun. Sige na samahan mo na ako." Pagmamakaawa ko tapos inuga-uga ko pa sya.
"Bakit ka ba mageenrol doon e maganda na sa St. Francis all boys school? Ako sa INFOTAB lang e." Sabi pa ni Aldrin tapos tinangal yung kamay ko nagpatuloy sa paglalakad.
Teka!? Nasa kitchen na kami ng bahay ko ah. Talaga naman. Takaw.
"Sige na tol maawa ka na gusto ko lang makitang tumakbong muli Ro (row)." Sabi ko sa kanya na iniinum yung softdink ko galing sa ref.
"Prrfff... ano? D-di ba sa all girls school sya magaaral?" Tanong nya matapos ibuga yung soft drink. Yaks.
"Oo, sa St. Del Carmen nga sya magaaral." Sagot ko na lang. Magpapilit ka naman tol kainis ka naman e.
Nagulat na lamang siya sa sinabi ko.
"Ano!! Ibig mong sabihin magpapakababae ka!?" Gulat pang taong nya.
"Oo yun na lang ang tanging paraan. Gusto ko talaga syang matulungan sa abot ng makakaya ko. Makita ko lang syang tumakbo at manalo ok na ako." Paliwanag ko sa kanya tapos lumapit pa ako.
"Ngee.. baka naman..." Halata ang pandidiri sa mukha niya kaya agad kong nahulaan kung anong iniisip niya.
"Huy ha hindi ako bakla. Sa tingin ko kasi mai-incourage ko syang tumakbo tulad noon." Sumigit agad ako madumi kasi ang isip ng isang to e.
"Tulad noon. Noong napilit mo syang tumakbo nung second year tayo. Ni hindi nga natin sya kaschoolmate pero nagawa mong ipagpilitan gusto mo. Kaya nga naaksedente siya hindi ba?"
"'Nu ka ba tol, pinilit ko nga sya pero nasa kanya naman kung susundin nya ko noon e. Tsaka naaksedente sya dahil may mga sanganong nagtangkang kumidnap sa kanya. Kung wala ako dun e di sana patay na sya." Paliwanag ko sa kanya habang naglalakad nmn sya palabas naman ng kusina namin. Sinundan ko na lang hirap namang pakiusapan ng lokong to.
"Tol, di mo naman pala kailangang pumunta dun e. Pabayaan mo na lang kung hindi sya tatakbo muli." Hay naku. Ito ang ayaw ko sa kanya e ang napaka kampante nyang sagot.
"Yun na nga tol, matapos nung aksedente di ko na sya nakitang tumakbo ang nabalitaan ko na lang tumigil na pala sya. Please naman tol samahan mo na akong mag-enrol." Lumuhod na ako sa harapan nya at nagmaka awa.
"At ano, ako pagagalitan ng parents mo pag nalaman nilang kinunsinti kita?" Kainis naman to e.
"Hayyy... kung ayaw mo akong samahan di wag."
"Yan mabuti yan."
"Pero di ka na basta-basta makakain dito at kakalimutan ko ng may bestfriend akong GWAPO!" Ipinagdiinan ko yung gwapo kasi feeling gwapo itong kaibigan ko.
Pero mas gwapo parin naman ako.Feminine type yung mukha nya tapos yung sakin angelic type. Hehehe.......mahangin ah??
"Grabe ka naman tol. Wala namang takutan pagdaring sa foods." Sabi nya tapos napalunok. "Anong balak mo para makapasok? Magsusuot ka ng pambabae tapos anong kasunod?"
Halos kuminang mata ko dahil success na. Hahaha.. ganyan sya kapag gusto ng pumayag hahahaha."Magsusuot ako ng pambabae tapos... magsusuot ka din ng pambabae tapos tayong dalawa ang mageenrol para makatakas ka na sa mga chicks mo sa INFOTAB tapos.... makikita mo na si Rianna Recto araw-araw. Para kang nasa heaven."
Sulsol ko pa sa kanya. Si Rianna yung schoolmate nya nung kinder crush na crush nya yun at nagkataong sa St. Del Carmen din nagaaral. Bwahahaha... di mo lang alam tol pero marami talaga akong pang blackmail sau.. whahahaha..
"Takte naman tol bat di mo sinabi agad e di kanina pa sana ako umo-o sayo." Sabi nya tapos nag arte pa na pang nanghinayang. Kasali sya sa theater club namin nung highschool kaya magaling talagang mag-inarte at umarte.
"O, payag ka na ha." Sabi ko tapos tinapik ko balikat nya.
"Hindi pa rin." Sabi nya sakin with those eyes na nakakapang painis talaga. Kukutusan 'ko 'to eh.
"Bakit naman?!" Sabi ko tapos nagdabog pa ako ng mahina.
"Anong gusto mo magpakababae ako? Pano kung mahalata nila na lalaki ako?"
Sus, yun lang pala. Teka nasabi ko bang kasama sya sa Theater Club nung high school? Tss. Maning mani.
"Sus naman, Aldrin C. Atentar na presedent ng Drama slash Theater slash basket ball slash SSG vice presedent. Masasabi mo pa na baka mahalata ka? Sus na man tol. Asan ang hustisya?" Nag-stamp na ako ng paa tapos ipinuno ko sa mukha ko ang mga palad ko at nagpaikot-ikot. Half ikot lang naman nakakahilo. Masarap ding mag-inarte paminsan-minsan.
"Oo na gets ko Mr. SSG Presedent. Pero sa isang kondisyon," pabitin pang sabi nya sakin.
"Ano?" Tutuk na tutok kong tanong sa kanya. Malay nyo di ko kaya sasabihin nya magno-NO na ako agad.
"Ikaw magbabayad ng lahat ng expences ko. Kargo mo na ako mula ngayon." Ay anak ng tokwat baboy na si Aldrin. Yun lang pala e. Nasabi ko na ba na mayaman kami?
Sh*t bumabagyo na ah.
(End of Flash back and Chapter)
**********
(A/N: ay ka-yabang. Pasabugin ko banko nyo e.
Wendyl: wag naman ms.author mawawala ang pogi mong character 'kaw rin wala pa tayo sa gitna ng kwento nasa simula pa lang tayo. ^_^
Author: e kung gawin kaya kitang bakla at mainlove ka kay aldrin ano?
Aldrin: wag po maawa po kayo. Ayaw ko sa hinayupak na yan.
Wendyl: tol yoko rin sa'yo nho pero dahil pinahirapan mo ako sa pagpilit sa'yo pwede na rin ms. Author uke sya ha ako ang seme. Whahahaha...
Author: ewan ko sa inyo. Procide to the future. :P)
BINABASA MO ANG
Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)
Teen FictionSi Wendyl isang lalaki na gagawing ang lahat makita lang muling tumakbo ang babaeng sobra nyang minamahal. Ika nga mga sinaunang mangingibig. "Gagawin ko ang lahat masunod ka lamang." Kaya naman sumunod nga si Wendyl. Sa pambabae nga lang na Eskwela...