Chapter 2— How to be LM?
Kamille’s POV
“Aaaaaaaaaaahhh!” Sigaw ko habang nakatakip yung unan sa mukha ko. Hindi yan dahil sa tuwa, dahil sa konsumisyon. Nakakainis talaga. Bakit si Errol pa nagustuhan ni Shiela? Bakit hindi na lang iba? Makikita ko na araw-araw pagmumukha niya? Naiisip ko pa lang mga pwede niyang gawin sa'kin, naiinis na 'ko.
Pagkatapos ng pag-aya niya sa'kin sa stage, mas lalo ko talaga siyang naayawan. Ayoko ng ugali niya, yung boses niya, yung pananamit niya, yung asta niya. To top it all, ayoko talaga ang lahat sa kanya.
Pero, paano ko ba gagawin yung inutos sa'kin ni Shiela? Paano ko yun sisimulan?
A. Papakidnap ko na lang siya para mapapayag na ligawan si Shiela.
“Ano, ha?! Papayag ka na ligawan siya o mas papahirapan kita at ang pamilya mo? Sumagot ka Errol!!”
“Oo na, oo na! Liligawan ko siya!”
Napailing ako. Masyadong marahas.
B. Bibilhin ko lahat ng album niya para pumayag siya.
“Kaya nag-triple platinum ang album mo dahil binili ko lahat ng yun. Bilang kapalit, ligawan mo si Shiela!”
“HA?! Are you out of your mind?!”
Tapos, ano gagawin ko sa mga CDs niya? Patutugtugin ko isa-isa? Susunugin ko isa-isa? Pero, parang di pa rin maganda eh.
C. Iseduce si Errol.
“Uhm, papa Errol, ligawan mo na si Shiela. In return, you’ll have me.” Sabay kandong sa kanya.
“Okay honey, if that is what you want. *wink*”
Isang malaking NO WAY. Ano ba Kamille? Mag-isip ka nga ng maayos!
D. Magpapaka-slave ako sa kanya
“Uhm please Errol. Kahit maging PA mo ko ng lifetime. Ligawan mo lang si Shiela. Ako gagawa ng lahat ng homeworks mo.”
“Excuse me?! Matalino ako, di kita kailangan. Alis!”
Tama. Section B siya kaya kahit papano eh may utak din naman siya di kagaya ni Shiela. Saka isa pa, di na nga ko magkandaugaga sa paggawa ng portfolio ni Shiela, sa kanya pa kaya? Hay nako naman! Ano ba ‘tong pinasok ko? Nagiging corny tuloy ako.
Nabulabog ang malalim kong pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Baby kakain na.”
“Yes dad, bababa na po.”
Kakain nga muna ko bago mag-isip ulit. Hindi ko na rin napigilan pang mapabuntung hininga habang pababa ako para kumain.
“Baby, okay ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo?” Pag-uusisa ng kuya ko habang nasa hapag kainan kami.
“Oo nga baby. I heard you shouting kanina sa room mo? Are you okay?” Tanong naman ni mommy.
Babyng baby talaga ‘ko dito. Medyo natuwa naman akong malaman na concern pala sila sa'kin. Saka masyado palang halata na namomroblema ‘ko, and I don’t want them to worry.
“Hehe wala po. Medyo napagod lang sa school.”
“Ah, okay, uhm, aalis na pala ko this coming Sunday. I’ll be going to Paris for a business trip.” Saad ni Dad.
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Teen FictionAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)