Dedicated to Iamoscarfederez
Christine's Pov
"Oh, ano nang ipapaliwanag mo sakin?" tanong ko kay Zyren. Nasa sala kami ngayon at nag uusap.
Pagkatapos naming maglinis dahil natapos na ang dinner gathering namin at pinatulog na din namin ang twins namin na sobrang cute.
Tumingin siya sakin, yumuko at umiling ng konti sabay sabing, "Please be open minded sa lahat ng sasabihin ko sayo, okay?"
"Okay. I'll behave. Hindi ako magagalit agad-agad." dumikwatro na ako at naghanda para makinig sa kanya.
"(sigh) Yung Kate na sinasabi mong kaibigan mo ay si Kathy Amorsolo. Siya yung babaeng nagtxt at nagbanta sayo dati bago ka pa manganak nun eh. Natatandaan mo pa ba?"
"H-ha?" Nasabi ko tas biglang nagflashback sa akin lahat ng nangyari.
*Flashback as Zyren's Pov*
"Babe? Ito na yung water mo oh... May gus-- BAbe!!!"
"Z-zy-re-ren... (sniff)(sniff)(sob)"
"A-Anong nangyari sayo?! Bakit ka umiiyak? Ha?"
Nakita ko na puno ng takot at luha ang mga mata niya sabay tinakpan niya ito at tinuro niya yung phone niya. Nakalagay ito malayo sa kanya, siguro ay nahagis niya ito ng ganun kalayo pero bakit? Kinuha ko yun tas pinindot ko yung rectangle sa gitna at tumambad sakin at pagkahaba habang txt na sinend sa kanya ng isang unregistered number.
"Hello nga pala, ako si Kathy at asawa ako ni Zyren. Ikaw ba yung sinasabi sa akin na asawa niya daw? Hah. Peke ka! Ako ang tunay! Nagmamahalan kami ni Zyren at hindi ka pwedeng humadlang dun! Papatayin kita once na mabalitaan pa kita ulet! Tandaan mo, wag ka nang magpakita kay Zyren ulet! Hindi lang ikaw ang masasaktan kundi pati yung best friend mo na si Chieni! Haha! Akala mo wala akong kilalang malapit sayo? Kilala ko ang best friend mo! ahaha! At kung hindi ka aayos at magpapatuloy ka sa paglandi kay Zyren, sabay kayong mawawala sa mundo! Maniwala ka sakin, Christine! HIndi kita titigilan hangga't hindi mo nilalayuan ang Zyren ko! Akin lang siya! At ako lang ang pwede niyang maging asawa, wala ng iba! Para sabihin ko sayo, lahat ng naging girlfriend niyang si Zyren ay pinalayo ko sa kanya pero mas matindi ang gagawin ko sayo kapag hindi mo sinunod ang inuutos ko! Layuan mo si Zyren o papatayin kita! It's your choice dear!"