Shut Up And Dance With Me

237 15 3
                                    

Kira's POV

Ang hirap magpanggap. Akala nilang lahat matapang ako, malakas ako at walang inuurungan. Ang hindi nila alam, napakahina ko. Hanggang ngayon malaki parin ang epekto ng nangyari sa akin noon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sakit na idinulot niya sa akin. Hanggang ngayon nakakulong parin ako sa nakaraan at hindi ko alam kung makakalabas pa ako. May galit parin sa puso ko na siyang nag-udyok sa akin para maging matapang at walang inuurungan. Pero alam ko rin na sa isang pitik lang, lalabas ang itinatago kong kahinaan.


Kasalukuyan akong naglalakad sa isang eskinita patungo sa aking tinitirhan habang may earphones na nakapasak sa tainga ko. Sanay na akong maglakad ng mag-isa sa madilim na eskinitang ito. Kailangan ko ng magmadali sapagkat marami pa akong gagawing home works. Nang makalampas na ako sa eskinita ay may nakabungguan ako.


"Ouch!" Ano ba yan! Nauntog pa ako. Nakatungo lang kasi ako habang naglalakad. Infairness, masakit talaga.


"Tss. Ang clumsy mo." Supladong sabi nung lalaking nakabunggo sa akin.

"Aba't ako pa ngayon ang clumsy? Eh suntukan na lang oh. Ano? Papalag ka?" Itinaas ko yung manggas ko at maangas na tiningnan ang lalaking kaharap ko.


"Tss. Ang daldal mo. Umuwi ka na lang, miss." Nakapoker-face na sabi ng mayabang na lalaking ito.


"Eh duwag ka pala eh. Umalis ka nga dyan, pahara-hara kasi sa daan." Inis kong sabi. Pinapainit ng lalaking ito ang ulo ko. May mas importante pa akong gagawin kaysa pagtuunan ng pansin ang nilalang na ito.


"Can't you see? Teritoryo ko ito." Ano daw? Ano'ng sabi nya? Teritoryo niya daw? Nahihibang na ang lalaking ito.


"Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Ito? Teritoryo mo ito?"


"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung nasaan ka ngayon." Ano daw? Tumingin ako sa paligid at laking gulat ko nang makakita ako ng mga speakers at sound system. Ang dami ding vandal sa malaking pader. Ano 'to? Nasaan ako?


"Anong lugar 'to?" Tanong ko sa lalaking kausap ko ngayon.


"Tss. Himala yata at may naligaw dito. Ngayon, pwede ka ng makauwi." Masungit na sabi niya. Nakakainis siya. Akala naman niya nakakagwapo ang pagsusungit niya. Tss.


"Talagang aalis na ako. Ang pangit ng teritoryo mo! Tse!" Tumalikod na ako agad at mabilis na naglakad paalis sa lugar na iyon. Ano ba namang klaseng lugar iyong napasukan ko. Mali pala iyong nalikuan ko kanina. Aist! Ang dami kasing gumugulo sa utak ko kaya kung saan-saan ako napapadpad.


Alas nuebe na ng makauwi ako. Nakakapagod ang araw na ito. Marami pa akong kailangang gawin.


Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Kung hindi ninyo naitatanong ay napakahalaga sa akin ng edukasyon. Ayaw na ayaw kong aabsent. Ito lang ang tanging maipapamana sa akin ng aking mga magulang. Ito lang ang tanging kayamanang hinding-hindi mananakaw.


"Good morning Kira. May meeting daw tayo ngayon." Masiglang sabi ni Shan, ang aking matalik na kaibigan simula ng tumuntong ako sa unibersidad na ito.

Shut Up And Dance With meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon