CHAPTER 11 [Avoiding]

495 9 0
                                    

|Reizelle’s POV|

“Ano ba kasing problema mo besty? Aligaga ka parati.” Tanong ko kay Matt. Paano, nakakahawa ang pagiging iritado niya at ang mukha niyang nakabusangot.

Nandito kami sa bahay ko ngayon. Ewan ko ba dito at gabi naisipang pumunta. Namiss daw niya ako kaya napadalaw siya. Aba! Akala ko hindi niya na ako kilala eh. Hmp!

“Wala nga besty.. Okay lang ako ano ka ba?! Anong aligaga? Hindi ah! Hindi kaya.” Dirediretsong sabi niya.

“Ahh. Oo nga eh! Halata ngang hindi ka aligaga. Hindi nga obvious na nagdedeny ka eh!” Sabi ko sa kanya. Note the sarcasm!

“Sige. Mag-secret ka pa sakin. Gago ka.” Patuloy ko pang sabi kasi hindi naman siya sumagot.

Medyo nagtatampo na rin kasi ako. Naturingang bestfriend pero ni wala akong alam sa nangyayari sa kanya netong nakaraang linggo.

Ay? Feeling girlfriend? Hindi rin eh. Basta! Pakiramdam ko may nililihim siya sa akin.

“Halata ba talagang problemado ako besty?” Biglang tanong niya.

Edi umamin din ang loko.

“C’mon spill it. Makikinig ako.” Sagot ko.

Nakita kong bumuntong hininga siya. Mukhang malalim nga kung ano man itong sasabihin niya sakin ah.

“Besty.. I.. Aloisa..” Bitin na sabi niya.

Hays. Aloisa na naman. Hindi talaga siya marunong makinig. Nagagawa nga naman talaga ng pag-ibig oh.

Tumingin din siya sa akin. Pero ako, nakatitig lang sa kanya. Inaantay ko lang yung susunod niyang sasabihin. Maya maya, bumuntong hininga na naman siya.

“W-we met again..” Tapos biglang napayuko siya.

“And?” Tanong ko.

“I don’t know what to do besty. Nahihirapan na ako.” Sabi niya habang nakatingin sa sahig. Sa tono ng pananalita niya, mukhang nasasaktan nga siya.

“Naguguluhan na ako. Alam kong sawang sawa ka na, sawang sawa na kayo na pagsabihan ako. Pero besty kasi, hindi.. hindi ko.. hindi ko pa kayang iwasan si Aloisa..” Patuloy niya. Tumingala siya at pinunasan yung mata niya.

Umiiyak siya.

“Nung una akala ko magiging madali. Pagkagaling niya ng America, nakipaghiwalay siya sa akin. Best alam mo kung ilang araw din akong umiyak ng umiyak. Akala ko.. Akala ko sapat na yung pagod na naramdaman ko para tuluyan siyang kalimutan. Ilang araw din kaming hindi nagkita.. Tapos nagulat ako, last week, nagparamdam siya sa akin..” Umiiyak na sabi niya.

Bullshit you Aloisa. Ano bang nakita ni Matt sayo. Tsk tsk.

“Pagkakita ko sa kanya, alam ko na.. m-mahal ko pa din s-siya.. Mahal ko pa din siya besty.. A-ang hirap. Ngayon isang linggo na din nakakalipas nang magparamdam siya.. Isang linggo na din niya akong pinapahirapan.. ulit. Best bakit ganun? Ginugulo na naman niya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi niya sa akin.. Fvck!” Kwento niya habang umiiyak pa din.

“Bakit? Ano na naman bang ginagawa nung Aloisang yun?” Tanong ko sa kanya.

“Sabi niya sakin.. S-sa kanya l-lang daw a-ako. Minsan, inaabangan niya ako sa labas ng condo ko. Pag tatanungin ko kung ano ang ginagawa niya dun.. Namimiss niya daw ako..” Sabi niya.

How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon