BANTAY

57 0 0
                                    

Sa isang bahay ampunan nagtatrabaho si Luna. Sya ang nagsisilbing nanay ng mga bata dito. Masaya naman sya sa ganitong trabaho dahil alam nya ang nararamdaman ng mga ito. Isa rin kasi syang ulila at lumaki sa bahay ampunan. Isang araw. may batang dinala sa kanila ng isang concerned citizen. Ayon sa kanya. inabandona daw ng kanyang ama ang bata at ang nanay naman nya ay patay na. Tahimik ang bata. Parang may kinakatakutan ito. May yakap itong maliit na puting teady bear.

"Anong pangalan mo?" tanong ni luna. Tumingin sa kanya ang bata. Matagal bago ito sumagot.  

"Lea."

"Ilang taon ka n?" tanong nya ulit. Pinakita ng bata ang kanyang tatlong daliri.

Isang bagay ang napansin nya kay lea. Ayaw nitong humiwalay sa kanya o kung sino man ang nag-aalaga dito. Takot na takot ang nito. Ayaw rin nitong matulog mag isa kaya naisipan ni luna na tabihan ito hanngang sa makatulog. Isang gabi, marahil sa sobrang pagod, nakaidlip sya. Naalimpungatan sya ng marinig nyang umiiyak si lea. Niyakap nya ito.

"Anong problema lea? Bat ka umiiyak?" tanong nya.”

"May babae po kasing nkaitim.” sabay turo sa gilid ng kama habang nakasubsob sa katawan nya. Kinilabutan sya sa narinig. Napatingin sya sa gilid ng kama kung saan nakaturo pa ang kamay ni lea. Napatigil sya. Isang paa ang nakita nyang nakalutang. Halos di sya makahinga sa sobrang kaba. Pinikit nya ang mga mata. Baka isang guni guni lang ito pero ng tingnan nya ulit ito..nandoon pa rin ang nakalutang na paa…dahan dahan nyang inangat ang kanya paningin…halos mapatili sya sa nakita…isang babae sunog na sunog ang mukha ang kanyang nakita at nakatingin ito kay lea …agad syang nagtalukbong ng kumot nanginginig sya sa takot…makalipas ang ilang minuto sinilip nya uli ang itim na babae laking gulat nya dahil nandun pa rin ito… parang nagbabantay….nagtalukbong uli sya ng kumot..pinilit ang sarili na makatulog sa kabila ng takot,panay rin ang usal nya ng dasal….magkayakap silang nakatulog ni lea, kinabukasan nagpaalam syang may aasikasuhin lang sandali, dala ang impormasyon at larawan ni lea…kailangan nyang malaman ang kasagutan…di naman sya nabigo…isang dating kapitbahay nila ang nakakilala kay lea…”kawawa ang batang yan, inabandona sila ng kanyang ama dahil sa ibang babae,mula noon tila nabaliw ang kanyang ina,hanggang sa magpatiwakal ito sa pamamagitan ng pagsunog sa kanyang sarili…nakita daw ng mga tao na may binuhos sa katawan na kung ano kasunod nun isang posporo ang nakita nilang sinindihan nito…mabilis na nagliyab ang ina ni lea…dala ng pagkabigla di na nagawang saklolohan ng mga tao ito..…sunog na sunog ang katawan nito”mahabang kwento nito.Di naman makapaniwala si luna sa narinig, gusto nyang magsalita pero parang may bara ang lalamunan nya…mabilis nyang tinungga ang baso ng tubig na binigay sa kanya ng kausap…..ang babaeng itim na nakita nya ay ina ni lea, binabantayan ang kanyang mahal na anak.

END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BANTAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon