Mission 42

550K 17.2K 4.3K
                                    

Mission 42



Hindi pa din kami nagpapansinan ni Nero. At hindi ko alam kung anong pinaglalaban ng Shokoy na yan. Tatlong araw na akong badtrip, buti na lang at andito ang mga pamangkin ko atleast medyo nababawasan ang pagkasira ng bawat araw ko.

Muli kong sinipsip ang orange juice at pasimple kong tiningnan ang lalaking nagbabasa ng libro. Shit! Ikaw na ang gwapo, pakamatay ka na. Masyado lang akong nagtataka bakit nakashades pa siya habang nagbabasa? Nagkakasore eyes din ba ang mga Shokoy ngayon?



Mabilis kong iniwas ang tingin ko nang bahagya niyang nimove ang ulo niya? Did he noticed me?Hindi ko na napansin na naubos ko na pala ang orange juice ko. Hayy.


Kasalukuyan nga pala kaming nasa labas ng mansion. To be specific ay nasa may pool kami. Naglalaro sa swimming pool 'yong mga pamangkin ko  kasama 'yong mga Shokoy maliban lang kay Nero at Aldus.

Pinapanuod ko lang sila habang ako ay nakaupo dito sa ilalim ng isang malaking beach umbrella kahit wala namang araw. At syempre naka beach dress din ako, ayos na ayos kasi ang outfit ng mga Shokoy parang nasa beach, magpapahuli ba naman ako?

Sa kabilang malaking payong naman ay si Nero Ferell na tahimik nagbabasa. Hindi ko alam kung nagbabasa talaga yan o props lang naman kasi nakashades ang Shokoy. Taas ng araw. Nakakailang irap na nga ako sa hangin. Magtatatlong araw na pero ni isang 'hi' or 'hello' ay wala akong natatanggap sa maarteng Shokoy na yan. At tatlong araw na rin akong nag iisip kong ano talaga ang pinaglalabanan niya?

Dapat ba ako ang unang lumapit sa amin? I did try to approach him. Ano namang nangyari sa akin? Ni deadma niya lang ako. Panghahawakan ko ba 'yong sinabi ng mga pamangkin ko na 'Nero loves you' 'but daddy punch him'


Muli akong sumulyap kay Nero na tahimik nagbabasa ng libro. Nagulat na lang ako ng bigla na naman siyang lumingon pabalik sa akin. Agad kong niiwas ang tingin ko sa kanya. Bakit pakiramdam ko ay namumula ako? Damn. Para akong tangang nahuling naninilip ng kung ano.

Pinanuod ko na lang ulit ang mga pamangkin ko na tuwang tuwa sa pool. Pero agad ding nawala ang atensyon ko sa panunuod sa kanila dahil pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo ko.

Damn. Nero is staring.



Pakiramdam ko ay nagkastiff neck ako. Why I can't move my head? Napakagat labi na lang ako. Damn Nero.. Please quit this. Lumapit ka na sa akin kung gusto mo.

I am well aware the way he stares at me. Ganyang ganyang titig ang nagpabaliw sa akin. Damn you. Nilakasan ko na ang loob ko at nilingon ko siya. But he immediately moves his head to that fucking book. Eksaherada akong napabuntong hininga. Am I hallucinating? Tinititigan niya ba talaga ako? Namamalikmata lang ba ako?

Ngayon ay nakasibangot na akong nanunuod sa mga naglalangoy ngayon. Sumasakit ang ulo ko ngayon. Pero hindi pa man tumatagal ang panunuod ko sa mga naglalangoy nay an eto naman.

This feeling! Mabilis ko ulit nilipat ang paningin ko kay Nero. Nakatingin na ulit siya sa libro. Fvck! Alam ko! Sumusulyap siya sa akin! Hindi ko lang mahuli.

Isa pa. Patay ka sa akin pag nahuli kita. Muli kong inilipat ang paningin ko sa mga pamangkin ko pero alerto ako ngayon. Nang naramdaman ko na nakatingin siya sa akin mabilis akong lumingon sa kanya. Damn! Nahuli na naman ako. Naiinis na talaga ako.

Lalong nagsalubong ang kilay ko nang napansin ko na nakangisi si Nero Ferell. Yes! Nakangisi na ang Shokoy ngayon. I know he's playing with me. Nanliit ang mata ko sa kanya. Kung ayaw mong mahuhuli kitang nakatitig sa akin. Ako! Ako ang tititig sayo. Tingnan ko lang kung hindi ka mailang sa ginagawa mo sa akin.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon