32nd Chapter

17 0 0
                                    

Ashley

"Oo! Ang tanga tanga mo bes alam mo ba 'yon ha?! Jusko, gabi gabi puyat ako dahil sa gustong gawin na surprise sa 'yo ni Rade. Samahan mo pa ni Gabe na panay ang kulit sa akin sa gagawin nya." Ani Gabbie at saka tumingin sa akin, kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Rade habang tulog na tulog 'yong dalawa.

"I.. I didn't know," Sabi ko. "Bes help!!"

"Pakyu talaga kayo, kung di ko lang kayo mga mahal oh!" I know Gabbie, she will help. Yung tipong hindi nya hahayaan yung kapwa nya na nahihirapan, kahit na labag sa kalooban nya gagawin nya wag lang sila pare-parehong bumagsak sa kawalan.

It was a advance surprise para kay Rade, pag-labas nya sa ospital i-s-surprise ko sya sa kanila. This was my first time to make this kind of stuff. Excitement was written all over my face, kasama ko ngayon si Gabe at Gabbie sa mall para bumili ng mga kakailanganin. Moral support lang daw ang itutulong nila sa akin tapos ako na daw ang bahala sa lahat.

Bumili kami ng mga colored papers, cardboard at kung ano ano pang mga fancy things. Pero dahil mabait si Gabe, gusto nyang sya na ang mag-bayad pero I insist! Ako ang may kailangan nito e, diba. Sabi ko ilibre nya nalang kami ng makakain.

"Wow, rich kid mo talaga Gabe!" Ani Gabbie at saka nilantakan 'yong pizza sa harap nya.

"Umarte ka naman ng may class, Gabbie!" Protesta ni Gabe.

"Heh, ubusan pa kita nito eh!" Aniya, "Anyways, Ash. Okay na ba lahat ng plano natin?"

"Uhm, oo bes. Ako nang bahala sa lahat. Chaka kelan pala tayo mag s-singing session?" Tanong ko sa kanya, na bigla naman napasapo sa noo nya. At ang pag tawa ni Gabe sa kanya.

"Oh, that! Bukas natin linisan ang boses mo bes." Sabi nya at saka sinubo ang iisang pizza na natira.

*

Kinaumagahan, pumunta kami sa Studio 85 kasama sina Gabbie at Gabe. Mahal kasi ang mag commute kaya kailangan namin si Gabe! Kuripot kasi kami pareho ni Gabbie, aba no. Sembreak na kaya wala na kaming source of income, hindi tulad nitong si Gabe na 'to.

"Gabe, sasama ka pa ba talaga sa loob?" Iritang tanong ni Gabbie paano ba naman kasi walang ginawa si Gabe kundi ang inisin si Gabbie.

"Of course. I wanna see how teacher A teach Ashley to sing, I also want to learn free. Kaya naisip kong sa 'yo nalang magpa-turo." Ani Gabe at saka ngumisi.

"Heh! Tantanan mo ko," Tumigil na si Gabe sa pang-aasar kay Gabbie dahil nandito na kami sa Studio 85 ni teacher A. Pumasok na kami sa loob na kasunod si Gabe, namangha ako sa itsura ng studio. Napa O ako nang makita ang mga instruments dito, oh grabe! Kung may talent lang talaga ako sa pagkanta aaraw arawin ko ang pag tambay dito.

"Good morning teacher A, she's Ashley. The one I've been talking to you." Ani Gabbie at saka nakipag beso beso sa magandang babae na nasa harap namin, palaga'y ko nasa early 30's pa lang ito. "She really need your help, teacher A." Aniya.

"Hi po, teacher A." Bati ko sa kanya, mayroon syang maganda at maamong mukha.

"Hello Ashley, its nice to finally meet you!" Masayang bati sa akin ni teacher at saka din ako hinalikan sa magkabilang pisngi, "Good thing sa akin ka inilapit ni Gabriella. We will put some magic with your voice,"

"Baka po potion ang kailangang ibigay sa makikinig?" Pang aasar ni Gabbie. Nako teacher! Kung alam nyo lang po kung gaano nakaka imbyerna ang boses ko! Hay.

"Nako! Tumahimik ka dyan, Gabriella ha." Pag-saway ni teacher.

"Ayan kasi, epal! Kala mo naman maganda." Ani Gabe.

Lumapit naman si Gabbie sa tenga ni Gabe na para bang may gustong ibulong, "Fuck you." Sabay ngisi.

Natigil lang silang mag-asaran nang mag simula na kami ni teacher A. Nahirapan talaga sya sa akin, and I can see that. Hindi talaga ako pinanganak para kumanta. Lecheng Rade yon, kung hindi ko lang sya mahal hindi ko 'to gagawin e! After an hour nag break muna kami at pinainom nya ako ng salabat. Oh! God knows, kung paano ko pinilit ubusin 'yon. Pag may ubo't sipon lang naman kasi ako umiinom 'non e.

Tinuruan ako ni teacher kung paano ang tamang pag-hinga, kung paano mag vocalize, tamang pag inhale at pag exhale, pag exercise ng bunganga at kung ano ano pa. Ghad! Nakakapagod din pala ano? Pero if you really love singing you'll do your best to succeed. At dahil may purpose naman ito, aba'y talagang ginagalingan ko!

"Okay Ashley, I can't say that your voice is good. Pero I can see naman a small potential for you. I am not putting you down, okay? It's my way of telling you na you can do great pa. Anong malay natin pag gising mo bukas maganda ang boses mo, hindi ba? Baka naman kasi nahihiya pa lang iyang boses mong lumabas," Sabi sa akin ni teacher, well totoo naman 'yon di talaga ako magaling kumanta. Pero madalas pa rin akong kumakanta, kahit mali mali ang lyrics ko at pinag tatawanan nila ako!

*

Its been a long tiring day for me. Haaay natapos ko na ding gawin 'yong pictures namin ni Rade na gawing heart shape. Ang gandang tignan kasi naman ang saya pa namin dito. I wish this memory will bring us back to normal. Bukas ko naman tatapusin 'yong scrap book na ginagawa ko, na may naka lagay na "its all about us"

At sa isang araw naman ay lilinisin ko na 'yong kanta ko. And take note, ako lang mag-isa ang mag-aayos non. Kakanta ako maghapon mag damag sa videoke!

*

Kinaumagahan tanghali na ako nagising. Napagod ako sa mga ginawa ko kagabi, hay nako Rade pinapahirapan mo ko ng sobra ngayon. Humanda ka sakin!!

Matapos kong gawin ang morning rituals ko, bumaba na ako sa kusina para kumain. Nagugutom na ako grabe!

"Oh Kelly, ayan na pala ang ate mo." Ani mama. Bakit na naman kaya?

"Ate Ashley, may tumawag sayo kanina. Uhm number lang kasi kaya hindi ko sinagot."

"Eh bat naman kasi nandito 'tong phone ko?" Irita kong sabi.

"Iniwan mo lang naman kasi yan dito. Galit galit pa 'to! Ate nako, pumapangit ka oh. Hala!"

"Heh, ewan ko sayo. Hayaan mo na 'yon mamaya ko nalang ic-check. Kumain na ba kayo?" Tumango naman si Kelly, "Okay. Kakain lang ako." Kumain ako ng almusal at saka umakyat sa kwarto ko para maligo at tapusin na 'yong scrap book na ginagawa ko.

Hapon na nang natapos akong gawin 'yung scrap book. Bukas ko na kakantahan si Rade, ano kayang magiging resulta no? Bigla kong naalala 'yong tumawag sa akin kanina, kaya tinignan ko. Unknown number nga, maitext nga. Aba! Masyado naman syang famous para tawagan ko pa no.

To: Unknown number
"Hi, uhm. Sino 'to?"

Fr: Unknown number
"Ganyan ka, Ashley! Hindi mo na ba naaalala ang salitang, "Bro's before Hoes"? Sige Ash."

To: Unknown number
"Niko! Grabe ikaw lang pala 'yan."

At pagkatapos non hindi na sya nag-reply, walang hiya talaga 'to! Im sure si Gabbie ang nag-bigay ng number ko sa kanya. Well namiss ko rin naman sya, at sigurado akong namiss nya rin akong i-torture! Hm. Nagkamustahan pa kami ni Niko, at kinwento ko ang lahat lahat ng nangyare sa amin ni Rade. Manila boy na talaga sya at madaldal pa rin!

Matapos akong makipag-usap kay Niko, tinext ko so Gabbie kung ano na ba ang lagay ni Rade at nag reply nang, "he's now fine, I thank you." Masaya naman ako na okay na sya ngayon. Pero ako ang hindi ako okay dahil wala ako sa tabi nya.

Oh-kay! 6pm na pala? Grabe, ang bilis naman lumipas ng oras. Bumaba lang ako nang tawagin ako ni mama para kumain na.

"Anak bakit naman hindi ka ata bumababa dito? Ano bang pinagkaka-abalahan mo?" Tanong ni papa.

"Ah wala naman po, pa. Nag-usap lang po kami sa phone nung classmate ko dati." Sabi ko at saka nilantakan ang pagkain.

Masaya kaming nag kwentuhan ng kung ano ano. At ang nakakatuwa pa dito, mukhang namiss talaga ni Papa ang sumabay sa amin kumain. I am so much blessed to have this kind of family..

Maaga akong natulog para maaga ring magising bukas. 10am ako susunduin nila Gabbie at didiretso na sa bahay nila Rade, at don ko gagawin ang surprise ko sa pinaka mamahal kong boyfriend!

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon