KATHRYN'S POV
I'm Kathryn Bernardo. It's a good day outside. Ang ganda ganda ng araw. Pero bigla akong may naramdaman na nakatutok sa likod ko.
"Akin na lahat ng gamit mo" Sigaw ng lalaki sakin.
Patay. Hold up. Anong gagawin ko? Kung hindi ko ibibigay yung mga gamit ko babarilin niya ako. Eh kung ibigay ko naman, hindi na ako makakauwi.
"Pare, wag mo nang pilitin kung ayaw" Another guy said.
"Sino ka ba?!" Sigaw sakanya ng holdapor.
"Eh ikaw sino ka ba?" The guy answered.
"Umalis ka na nga!" Sabi ng holdaper.
"Aalis ako kapag binaba mo yang baril mo" The guy said.
"Eh kung sayo ko kaya itutok to!" Sigaw ng holdaper
"Tama na nga!" Sigaw ko para tumigil na at marinig kami ng mga pulis.
"Holdaper oh!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga pulis.
Tumakbo na ang holdaper para hindi mahuli. Syempre. At humarap ako dun sa lalaki.
"Thank you" I said to the guy who tried to save me.
"Walang anuman" Sabi ng lalaki at tumakbo na paalis.
"Uy saglit!" Sigaw ko sakanya.
Kailangan kong malaman kung anong pangalan niya. Pero unti unti siyang nawawala. At nagiging puti na lahat.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Kathryn! Huy! Gising!" Sigaw ni Mama Min.
Onti onti akong nagising at tumayo.
"Oh ma? Bakit po?" Tanong ko kay mama."
"Kanina ka pa diyan sigaw ng sigaw ee. Binabangungot ka ba?" Mommy.
Oo na bangungot dahil hinoholdap ako. Hindi kasi ang gwapo ng lalaking nagsave saakin.
"Ha? Ah hindi po ma. Nananaginip lang po" Sabi ko at ngumiti.
"Ah. Oh sige. Maghanda ka na rin at ieenroll kita sa bago mong school" Mommy.
"Opo" Sabi ko at ginawa ang utos ni mama.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
12:00 p.m. , De La Salle University
Tapos na ako ienroll ni mama sa school. Linilibot ko muna ang buong paaralan para makita ko naman. And pwede ko rin tignan kung saan yung classroom ko. Right?
Naglalakad lakad lang ako dito sa campus. Wow ang ganda pala dito no? Buti ito ang pinili ni ma--
*BOOGSH*
"Ay sorry miss! Hindi ko sinasadya" Sabi ng nakabangga sakin.
"It's okay" Sabi ko.
Tinulungan niya akong tumayo at tinignan ko siya.
Very familiar yung mukha niya. Parang nakita ko na siya somewhere.
"Have we met before?" Tanong ko.
"Ha? Hindi pa ah. Ngayon nga lang kita nakita dito sa campus. Pero mukha kang pamilyar sakin" Sagot niya.
Im familiar to him too? Wow what a coincedence.
"Talaga? You look very familiar to me too" Ako.
"Haha. Siguro ibang tao yung mga namumukhaan natin" Siya.
Oo nga siguro.
"I'm Daniel Padilla by the way" Sabi niya at inaalok ang kamay niya.
I smiled at him and shook his hand.
"I'm Kathryn. Kathryn Bernardo" Sabi ko habang tinatanggal ang kamay ko sa pagkahawak.
He smiled. Oh his handsome smile of his.
"Sige, una na ako. May klase pa ako ee. Bye" Kumaway siya at naglakad na papunta sa kanyang klase.
May kamukha talaga siya ee. I just can't put my finger on it.
DANIEL'S POV
"Oo! Grabe ang ganda niya!" Kwento ko sa mga kaibigan ko.
Ang ganda kasi ng babaeng nabangaan ko kanina. Parang siya yung nasa panaginip ko..
Oo nga! Parang siya nga yun!
Sabi niya namumukhaan niya rin raw ako.
Napapaniginipan niya rin ba ako?
Sana. Hayyyy. Na love at first sight yata ako.
"Ano bang pangalan niya? Baka kilala namin siya. Pwede ka naming tulungan." Sabi ni Katsumi.
"Hay nako wag na. Baka di niyo pa kilala. Ngayon ko nga lang siya nakita dito sa campus. Kayo pa kaya?" Sagot ko sakanya.
"Malay mo nga diba? Ano nga pangalan" Lester.
"Kathryn Bernardo. Oh kilala niyo ba? Diba hindi?" Ako.
"Parang ako oo. Siya ata yung new transferee dito sa school natin eh" Sagot sakin ni Seth.
"Oh ano ha! Kilala ni Seth!" Sigaw ni Kats.
"Baliw!" Sigaw ko kay Kats. Pero syempre pabiro.
"Pano mo pala nalaman na siya yung bagong transferee dito?" Tanong ko.
"Kanina dumaan ako sa office may dalawang babae. Yung isa medyo may edad na. Tapos yung isa parang kasing edad lang natin. Tapos narinig kong sinabi niya ang pangalan niyang "Kathryn" " Sabi sakin ni Seth.
Ahhhh. So transferee pala siya.
"Ano balak mo ba siyang ligawan kuya?" Tanong sakin ng kinababata kong kapatid na si JC.
"Ligaw agad? Hindi pa nga niya kilala ng husto yung tao ee" Bara nanaman nitong si Kats.
"Hindi pa. Pero magiging akin rin siya"