Drunk

28 0 0
                                    

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa iba pa na nagkukumpulan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bukod sa tatay at kuya ko at pati na din kay Jerome, si Lloyd palang ang nangahas na hawakan ang kamay ko.

Nang makalapit na kami sa kanila ay napagpasyahan namin na maglaro ng volleyball sa pool. Magkakampi kami ni Lloyd kasama sila Hanna, Brent, Grace at Philip. Sa kabilang group naman sina Lucas, Eunice, Mel, Juaquin at Karen.

Naging masaya naman ang laro namin ng mapansin kong lapit ng lapit at nakahawak pa sa braso si Hanna kay Lloyd. Take advantage kumbaga. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko at gusto ko siyang tanggalan ng kamay. Pero I shook that idea, bakit ko naman gagawin yon diba? Kakatitig ko sa kanila natamaan ako ng bola. Aray leshe! Buti na lang plastic lang yung bola, yung inflatable. Di naman masakit nakakagulat lang. Kasalanan to nung dalawa eh. Fish tea!

"Oh-how! Ayos ka lang Al?" Tanong nila.

"Anyare Alie, tulaley? Nganga?" Tanong ni Lucas at nagtawanan naman sila. Napakamot ako sa ulo ko.

"Ay h-hindi ano kasi." Wala akong maisip na dahilan. Kaya naman itong si Brent nakaisip ng magandang laro, kaya binato niya si Lucas.

"Aray!" Daing ni Lucas. "Ah ganon ah!" Binato niya kay Eunice yung bola. Kaya naman yung laro namin naging batuhang bola.

Naging masaya naman ang umaga namin dito. Sabay sabay kami kumain, yung iba sa lamesa kumain, may iba sa sala at mini bar, yung iba sa labas. Pagkatapos kumain ay balik swimming na, yung iba nag videoke at billards, ako naman natulog ako sa kwarto. Pero siyempre nagpatuyo muna ako. May nakita na naman kasi akong di kanais nais kanina habang kumakain. Siyempre sino pa ba, edi si Hanna at Lloyd tapos dinagdagan pa nung ibang girls.

Di ko namalayan na tatlong oras pala ako nakatulog, 4 p.m. na. Bumaba ako para mag meryenda. Kumuha ako ng Spaghetti at Graham cake. Dun ako kumain sa sala at nakinuod sa iba. Nanunuod sila ng Resident Evil sa HBO. Tahimik silang nanunuod at nagpapalitan ng opinyon about dun sa pinapanuod nila.

"Inuman daw tayo mamaya ah! Bumili sila Juaqs ng beer eh." Sabi ni Jacob kay Brent.

"Subukan natin yung mga rookies kung gano sila katatag sa inuman! Hahaha!" Sabi naman ni Brent.

"Ikaw Alie nainom ka ba?" Tanong ni Vince.

Nilunok ko muna yung nginunguya kong spaghetti. "Uhm, oo naman. Pero hindi masyado. Mahina lang alcohol tolerance ko eh!" Sabi ko tapos subo ulit.

"Okay lang yon basta umiinom! Bawal kj eh!" Sabi ni Jacob.

Nang sumapit na ang dinner konti na lang ang kinain nila dahil pang pulutan na lang daw yon.

At eto na nga yung pinaka aantay ng lahat, inuman tiiimee! Actually, gusto ko din mag-inom ngayon, naiinis na kasi ako kanina pang umaga! Akala ko mag eenjoy ako dito, hindi pala! Bakit nga ba ako naiinis? Bakit ako naaasar? Bakit pakiramdam ko nagagalit ako sa tuwing nakikita ko siya na may kasamang iba? Kaya mag-iinom talaga ako!

Yung unang shot itinapon muna nila sa sahig, alay daw nila yon. May ganon pala? Tapos nauna sa shot si Juaquin, tapos si Brent, sumunod si Karen, at si Lucas. Tanggera naman namin si Mel. Nung ako na yung iinom, kinuha ni Lloyd yung shot glass at ininom yung tinagay para sakin.

"Aaaaay?" Sabi naming lahat. Tumabi siya sa akin at ngumiti.

"Bakit di niyo ko sinasali?" Sabi niya.

"Nakikipaglandian ka pa kasi," bulong ko.

"Huh? What did you say?" Nanlaki yung mata ko, narinig niya ata, sana naman hindi.

"Waaaalaaaa! Inagaw mo kasi yung shot ko!" Ang sabi ko sa kaniya.

Nagkwentuhan kami to the max. Napagkwentuhan pa namin yung mga kwelang scenes sa play. Ang lakas magtawanan nung boys. Habang tumatagal makikita mo kung sinong lasing na at sino yung matitibay.

Hey Mister, It's a Love Letter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon