Napatigil sina Taiga at Tetsuya. Inantay nilang lumabas ang may-ari... Unang lumabas ang driver, at binuksan nito ang pinto ng likod na bahagi ng sasakyan. At iyon na nga!
Taiga: Aba't! tingnan mo Tetsuya!...
Tetsuya: siya yung nasa balita kagabi, at sabi niya ay dito na raw siya mag-aaral. 2nd year na ata yan.
Taiga: yun lang ang alam mo sa kanya?
Tetsuya: oo..
Taiga: Siya ang tagapagmana ng Hyuga Agency...Si Junpei Hyuga!! O..O
Tetsuya: ahh ganun ba.
Taiga: *hinawakan sa balikat si Tetsuya* hindi mo ba alam ang ibig sabihin nito??! ha?!
Tetsuya: ano nga ba?
Taiga: naghahanap ang agency nila ng bagong mga celebrity..
Tetsuya: oo nga noh... basta talaga mga ganyan, antalino mo!
Taiga: ganun talaga.
Tetsuya: tama na nga yan, tara na.
Umuwi na sila sa kanilang bahay matapos nilang magmerienda. Kinabukasan... andaming tao ang tumitingin sa Bulletin Board.
Sa hallway
girl1: oi, ano? sasali ka?
girl2: oo naman!
Tetsuya: *sumingit sa usapan* ano pong meron dun? O.o
girl1: *nagulat* ah....eh...may audition kasi para maging celebrity. *pinagmasdan si Tetsuya* Alam mo pwede ka dun... may itsura ka, at sa tingin ko rin may talent ka *tuloy-tuloy nang nagsalita*
Tetsuya: *narindi na kaya umalis* ano ba yung babae na yun....machine gun?....
Taiga: ano daw meron?
Tetsuya: ah... audition daw para maging celebrity.
Taiga: Ayos din! Tara magpalista!
Tetsuya: h-huh?? pati ako??!
Taiga: oo! mag-duet tayo...
Tetsuya: hindi naman ako magaling kumanta eh.
Taiga: eh ano naman?! *kinaladkad si Tetsuya*
Tumakbo sila...pero biglang napatigil si Taiga. Nakabangga siya ng isang babae.
Taiga: eh?... sorry, miss.
unknown: ahh, ayos lng un. *napatitig kay Taiga* O.O
Taiga: o-okay ka lang ba?
unknown: oo.. * napatingin rin kay Tetsuya at napatitig* O.O
Tetsuya: miss. hehe..eh pasensya na rin. kasi eto'ng kasama ko eh.
unknown: *napatitig pa ulit sa dalawang lalaki sa likod ni Tetsuya*O.O w-wa? *tumakbo paalis*
Taiga: ano kaya'ng nangyari dun?
Tetsuya: ikaw kasi eh...
Taiga: tara na nga! *kinaladkad ulit si Tetsuya para makapagpalista na sila*
Tumakbo ulit sila... At sa pangalawang pagkakataon, napatigil ulit si Taiga.
Taiga: *tiningnan si Tetsuya* O..O
Tetsuya: oh, anu yan? nahawa ka ba dun sa babae?
Taiga: he..he..he...Tetsuya, s-san ba yung lugar para makapagpalista? =_=
Tetsuya: -_- ewan ko.
#makakapagpalista pa kaya sila? At sino kaya ang babaeng nabangga ni Taiga? Abangan sa susunod na chapter!