~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N Eto po ang first one shot ko. Medyo nawawalan na kase
ako ng gana sa isa kong story na "If I were just a Boy" eh
-This story po includes true story of my life :)
-The catch is 3rd year pa lang ako so ongoing pa din yung
pustahan namin! xD
-Iniimagine ko na lang yung mga mangyayari pag katapos
ng malaking pustahan namin xD
-This means gawa gawa ko na lang yung ending ng story
Read the story para malaman nyo yung ibig kong sabihin :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ano ka ba talaga ha Yesa? Babae o Lalake?" Natatawang sabi ni Mark
"Lalakea (pronounce as LALAKWE) ata yan ehh HAHAHAHAHA" At sinoportahan naman ni Drex yung kabaliwan ni Mark
"Ano ba sa tingin nyo?" Napasigaw ata ako? Pero nakiki ride na din ako sa trip nila xD
Nag kukulitan kami ngayon dito sa classroom tutal wala pa naman yung teacher namin :) Katatapos lng nung lunch break namin kaya naman eto may magawa lang sila xD ilang bwan pa lang kami mag kakakilala pero halos parang wala ng bukas kung mag kulitan at harutan kami! Palibhasa mga Freshmen may mga hangover pa ata kami sa pagiging elementary ehh xD
Hi ako nga pala si Aseyah Garcia :) Tibo, Yesa kung tawagin ng barkada. Puro lalake ang palagi kong kasama kaya palagi ako napagkakamalang Tibo, Tomboy, Boyish or kung ano pa man ang tawag sa kasarian ko! Yung mga kausap ko? Mga tropa ko lang naman na napaka gwapo xD Palagi nila ako pinag titripan, ako naman nakikisakay na din sa trip nila :P
Pero sa totoo lang, kaya ako ganito kasi natatakot na uli ako magmahal? Hindi ko sure kung yun talaga yung reason ko kung bakit ako ganito ehh pero isa sa mga nag mulat sa mura kong isipan ang sinabi saakin ng isa sa mga Teacher namin...
>>>>>>>>>>>>>FlashBack<<<<<<<<<<<<<<<<<<
''Sir, ano po ba ang posibleng dahilan ng isang babae para magpaka tomboy? At ano po ba ang the best na advise na pwede nyong ibigay sa isang tomboy? " Out of the world na tanong ni Mark sa TLE teacher namin. At take note sa lalakeng teacher pa sya nag tanong ahh!
Seatmate ko kasi ngayon si Mark, alphabetically arraged kase kame ngayong 2nd qwarter. Dame alam nung Adviser namin ehh every qwarter daw dapat mag palit ng seating arrangement para daw mabago naman yung nagiging katabi namin at hindi ma GLUE sa kung sino lang yung ka close namin :P
"Madameng dahilan ang isang babae para magpaka Lalake o Tomboy man kung sabihin nila. Maaaring nag rerebelde, may problema sa pamilya o kaya ang pinaka common sa lahat. Ang mabigo sa pag ibig. Well ang best advise ko lang sa mga babaeng ganyang ngayon ay sundin ang sinasabi ng kanilang mga puso" Nakapaka seryoso naman kausap ni Sir, well matanda na naman talaga sya kaya mas madame na syang naexperience kesa saamin. Natamaan naman ako dun sa sinabi ni Sir
"Oh Yesa nasayo na lahat nung katangian na yun ahhh...." Pabulong na sabi sakin ni Mark, napatayo naman yung teacher namin at pinatahimik yung buong klase. Sobrang ingay kase dito para kang nasa palengke!
"Oh ano ngayon?" Pag susungit ko sakanya...
"Bakit ka ba talaga nagkaganyan ha?" Kahit tinatamad ako pag usapan yung tungkol sa pag katatao ko, chinika ko na din sya tutal tapos na ko gumawa ng perspective drawing ko...
BINABASA MO ANG
Pustahan na lang oh? (One Shot)
Short StoryMula sa pag dududa ng mga tropa ko tungkol sa tunay na kasarian ko ay nauwi sa isang pustahan ang debate namin.... AhAhAhAyesha :)