30th DAY. Goodbye

284 14 1
                                    

30th DAY. Goodbye

Ang sakit ng ulo ko, napuyat kasi ako kagabi. Pinilit kong tapusin yung video. And then I called Ynna.

After several rings, may sumagot rin mula sa kabilang linya. "Hello?"

"Hello Ynna, it's me Locke."

"Oh babe?" nasanay na talaga sya sa tawag na ganun. Friends na kami ni Ynna, tanggap na namin sa isa't isa na hanggang dun nalang talaga kami dahil may kanya-kanya na rin naman kaming mahal eh.

"Available ka ba mamaya?" I asked her.

"Yup, why?"

"Can you meet me at the campus rooftop after class?"

"Oo naman, magkakaklase lang tayo bakit hindi mo pa sa room ibigay."

"Basta, may sasabihin rin kasi ako sayo."

"Okay."

***

Sa rooftop.

"Ano ba yung ibibigay mo babe? sabi ko kasi kay Tart mag-uusap lang tayo saglit eh," tukoy niya sa boyfriend nya.

"Ito," I handed her the flashdrive kung san nakasave yung video.

"Para saan 'to."

"Can you give it to Margaux after seven years?"

Bakit seven years?

Kasi sabi ni ate, kung sakaling magiging successful daw ang operation, ganun daw katagal yung magiging healing process ko, kung suswertehin.

Kasi may mga cases daw na successful nga sa operation, but after a year or two... binabawian rin ng buhay.

"Huh?" naguluhan siya sa sinabi ko.

"Wala, basta pakibigay sa kanya ha."

"Anong wala? Saan ka pupunta?"

"Basta sa malayo."

"Bakit naman after seven years pa? Bakit hindi nalang ngayon? Saka bakit di nalang ikaw magbigay."

"Haha, ang dami mo namang tanong eh. Pagbigyan mo na ko, minsan lang naman ako humingi ng favor sayo eh."

"Teka-teka nga! Magsabi ka nga ng totoo saken, may problema ba?"

Magsasalita pa sana ako nang bigla akong makaramdam ng biglang pagkirot ng ulo.

 "Hey, what's wrong?"

I tried to smile para maitago ang sakit.

"Locke, please magtiwala ka naman saken... sabihin mo na kung anong problema."

In the end, napilitan na rin akong umamin.

 "Ano to?" sabay tapat ng apat na daliri ko sa mukha nya.

Naisip ko yung movie na My Only U. yung part na inaamin na ni Bong kay Winona na mamamatay na sya, para naman hindi maging masyadong madrama 'tong pag-confess ko sa kanya, ayoko kasing may makikitang nalulungkot dahil lang sa mamamatay na ko.

"Ehh?" tila nawiwirduhan na talaga siya sa kinikilos ko.

"Superman!"

"Tss! Huwag mo nga'ng ibahin usapan!" mahina nya kong tinapik sa balikat.

"Teka hindi pa tapos, eh eto ano 'to?" sabay tapat naman ng hintuturo ko sa mukha nya.

"Oh ano naman yan? Batman??"

Umiling ako.

"Nope. Si Locke yan..." then tinapat ko naman yun sa leeg ko, yung parang dead sign"...mamamatay."

Napatutop sya. Tila hindi alam kung maniniwala sa sinabi ko o hindi.

"Pucha babe ha, hindi magandang biro yan!"

"Oo nga eh, kahit ako napikon sa biro na 'to."

Tinitigan nya ko ng masama. "Babe..."

Yung para bang gusto niyang bawiin ko yung sinabi ko at sabihin sa kanyang joke nga lang yung sinabi ko.

"I'm not kidding... totoo na 'to."

After that bigla na lang siyang napahagulgol ng iyak at yumakap saken, "I'm sorry babe!"

"Okay lang yun, don't be sorry."

Umiyak lang sya nang umiyak nun. ang lakas ng iyak nya na para bang rinig na rinig na rin hanggang sa ibaba. After naming magpaalamanan ni Ynna ay hinanap ko na si Margaux. Gusto ko siyang maka-bonding kahit sa huling pagkakataon. Mamayang 6pm na kasi ang flight namin ni ate.

Hinanap ko sya sa buong school pero wala sya. Pero kalahating-oras na ay hindi ko pa rin sya makita-kita. Pumunta ako sa bahay nila, wala.

Wala rin sya sa park. 5:30 na at 30 minutes nalang ang natitira para sa aming dalawa.

"Asan na kaya yun?" sinubukan kong idial ang cp nya pero nakapatay ito.

Then my phone rings, "Hello?"

Nagmadali ako sa pagsagot sa pag-aakalang si Margaux na yun.

"Locke asan ka na ba?! It's almost time kanina pa ko naghihintay sayo dito."

"Wait lang ate—"

"Ano ba locke?! Kelan ba matatapos yang wait-wait na yan?! Sh*t naman! Namamatay ka na, iba pa rin ang iniisip mo!"

"S-sorry, ate."

"Pumunta ka na dito, ngayon din!"

Pero hindi agad ako sumunod sa kapatid ko.

Fifteen minutes ko pang hinanap muli si Margaux. "Asan ka na ba Yat-yat ko?"

Nawawalan na ko ng pag-asa. Nang biglang mag-vibrate ang cp ko. Binuksan ko yun at nakita ang text ni ate.

"Parang awa mo na Locke, pumunta ka na dito...please lang."

After that ay bagsak ang mga balikat na sumakay na ko ng kotse at dumiretso na sa airport. Saktong pagkarating ko dun ay tinawag ang flight number namin.

"Mabuti naman at bumalik ka rin sa katinuan mo," si ate sabay hila saken paakyat ng eroplano.

Sa huling sandali ay idinial ko ang number ni Margaux. Pero ganun pa rin. nakapatay pa rin ang cp nya.


Wala na talaga.

Pumikit ako upang pigilin ang luha. Is this a sign? Magkikita pa kaya kami? Magagawa ko bang hagkan at yakapin siyang muli. Magagawa ko pa bang aminin sa kanya ang totoo kong nararamdaman simula pa nung una?

Sana.

I hope this is not the real ending for the both of us.

OUR 30 DAYS (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon