Agreement - 28

30 2 0
                                    

Angelica's POV

2 weeks na ang nakalipas at nanatili nang mabuti ang pakiramdam ko pero hanggang ngayun hndi ko padin nakikita si kuya james sobrang namimiss kona talaga sya...
Kahit na sinasabi nilang lahat saakin na busy lang si kuya sa pag aaral ng doctor eh hindi ako naniniwala at nakikita ko sa mga mata nila na my kung anong tinatago sila saakin...

Kahit sino magtataka...
Kahit manlang dumaan dito ay hndi nya nagawa? What is 5 minutes nya ako bisitahin o kahit manlang kamustahin o tx manlang wala?

Kilala ko si kuya james .. silang lahat actually ...
Alam ko kahit gaano kabusy si kuya james kaya nya akong saglitin at kilalang kilala ko din silang lahat na my itinatago sila saakin...

Angelica narinig muba yun? - pagbasag ni mama sa pagkatulala ko..

Anak ok kalang ba? - tanong ulit saakin ni mama at kitang kita sa mga mata nya ang pag aalala kanina papala ako nakatulala kakaisip..

Ahh.. ehh.. oo naman ma... my naalala lang ako.. - sagot ko kay mama at binigyan ko sya ng pilit na ngiti

Sigurado kaba anak?
Pwede mong sabhin saakin kung ano man ang bumabagabag sayo.. - sabi ni mama saakin at halatang hindi sya naniniwala

Mr.Mendoza my mga papapirmahan po muna ako sa inyo para mailabas nyo na po ung anak nyo... - narinig kong sabi nang doctor at nakita kong sumang ayon naman si papa at lumabas sila kaya my naisip akong sasabhin kay mama para maiba ko ang usapan namin

Mama gusto ko mag mall kapag nakalabas na ako ... gusto kong gawin ulit yung mga ginagawa ko dati.. - pag iba ko ng topic alam kong hndi ako masasamahan ni mama kasi madami silang aasikasuhin sa companya na napabayaan dahil sa nagkasakit ako.. nalungkot nnaman ako bigla dahil pakiramdam ko ay pabigat na ako sa kanila

Pero an...- hindi na naituloy ni mama yung sasabihin nya dahil nag salita si jayson

Ako nalang ang sasama sayo kahit saan mo gusto ? Kasi hindi yata pwede sila tito at kuya steph dahil my hahabulin silang deadline sa companya? - sabat n jayson na ikinatuwa ko

Talaga jayson? - nakangiti kong sabi

Oo naman.. ikaw pa e malakas ka sakin eh... - sagot naman ni jayson

Ok lang ba talaga sayo jayson? - tabong ni mama kay jayson

Opo naman po tita... - mabilis at nakangitimg sagot ni jayson kay mama na ikinatuwa lalo ni mama

Naku salamat talaga sayo..
Napakabait mong bata... - sabi naman ni mama at nakita kong umaliwalas yung muka ni mama sa tuwa

Talaga namang mabait si jayson..
Siya ang nag aalaga saakin araw araw at kapag my masakit sakin e tarantang taranta at alalang alala na akala mo kung umasta parang BF ko

Nga pala mama nasaan si kuya? - nagtataka kong tanong kasi wala sya kanina pa

Ahh papunta na un..
My kin... naputol ung sasabihin ni mama dahil biglang my nag buksan ng pinto at sumigaw na ikinagulat naming tatlo

AN..GELICAAAAA!! MAKAKALABAS KANA WOHOOO - pasigaw na sabi ni kuya at kitang kita sa muka nya ang pagka excited at umaapaw na tuwa

ANO KABANG BATA KA GUSTO MUBA AKONG MAMATAY?!! - Medjo pasigaw na sabi ni mama gawa siguro sa nagilat sya

Sorry mama na excite lang po - sabi ni kuya ng nakayuko at nakahawak sa batok

Aba huwag kang mag hihihiyaw nasa ospital tayo at baka atakihin ako sa nervous - pag suway ni mama kay kuya haha ang cute ni kuya kapag napapagalitan

Ma naman... - tanging naisagot nalang ni kuya steph

Oo nga naman kuya kung makahiyaw ka naman kasi eh akala mo tumama kana ng jackpot sa lotto.. - sabat ko at nakita kong napatingi si jayson sa sinabi ko at napansin naman yun ni kuya

Aba daig kopa ang tumama sa lotto sa sobrang tuwa.. dahil ang pinaka maganda at minamahal kong kapatid ay magaling na... - pagbabara naman ni kuya saakin habang papalapit saakin

At ikaw jayson huwag kang tumatawa jan.. - duktong ni kuya sabay akbay kay jayson

Ok na ang lahat makakalabas kana angelica.. - hindi namin namalayan na pumasok si papa dahil sa napakakulit kong kuya ateph na akala mo ay bumalik sa pagkabata

Ayos so tara na.. - sabi ni kuya at binuhat nila ni jayson ung mga gamit at naglakad na papalabas ng kwarto at pumunta sa parking lot

Habang naglalakad kami sa parking lot ay parang my nararamdaman akong nagmamasid malapit saamin pero nung lumingon lingon ako wala namang ibang tao bukod saamin..
Kaya binaliwala.ko nalang to at sumakay na kami lahat sa sasakyan namin at umuwi na aa bahay...

The AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon