KINIKILIG AKO! (Summer Diary)

248 8 4
                                    

Summer nanaman. walang magawa sa bahay -.- buti nalang nandyan si Twitter, Instagram, Youtube tsaka yung pinaka bago, si WeChat!

nag eenjoy naman ako sakanila kahit papaano. 

pero boring paden amputss! >.<  syempre hindi naman pwedeng buong dalawang buwan sila lang yung kaharap ko diba.

Jeng! Tara sa court. Nood ng basketball?

Thank God! at may liga pala! syempre sumama ko kase kapag may liga meaning may gwapong naglalabsan sa mga lungga nila! mwahahaha!!! mejo malandi. hayaan na! aminin nyo mga babae ganyan din kayo minsan!

So, ayun nga nanood kami ng laro ng pinsan ko. May mga ka-team mate syang gwapo! kaya lang naging crush ko na sila dati kaya hindi ko na sila pwede i'crush ulit ngayon. Sa larangan ng pagka crush hindi pwede ang ulitan! mamamaho ka!! mean ba? HAHAH well,that's one of my rules. 

so ayun nga, dahil magaling yung mga team mates ni pinsan na EX-crush ko nanalo sila. hindi muna kami umuwi at nanood ng isa pang game.

at grabe lang sa aksyon ng laro na to! aksyon talaga as in MADUGO! pano ba naman hindi pa nagsisimula yung laro may nag aaway na! Hindi player kundi audience -.- naman eh! mga mang aagaw ng exposure. tss! mga lalaki talaga oh. galit na galit kapag babae ang gumagawa ng eksena pero sila din naman ganun. mas malala pa nga!

anyway, habang naglalaro may nahagip yung mata ko ..

Number 14! THUREEEEE POOOOOOOOINTSSSS!!! (3points)

ilang beses ko na naririnig yan kaya hinanap ko agad yung Number 14 at oh my gulay galiwaw!! ANG CUTE NYAAAAA!!! Chinito sya! eh ako pa man din yung tipo ng babae na kahit hindi ganun ka gwapo basta Chinito pasado na!

hindi ko naman sinasabeng panget sya. syempre kapag CRUSH mo always gwapings sya sa paningin mo! Okay sige, hindi sya yung tipo na unang kita mapapalaglag panga mo. pero sya yung tipo na mapapa second look ka!

at mas naloka pa ko nung nalaman kong magkaibigan pala sila ng pinsan kong player. well sino-sino pa ba magdadamayan kundi sila lang din namang mga player -.-

Laking pasasalamat ko sa pinsan ko at nagkaroon ako ng konting impormasyon tungkol sa kanya pero ang pinaka mahalaga nalaman ko ang pangalan nya.

Tinapos padin namin yung laro kahit na tambak na yung kalaban nila. paulanan ba naman nya ng Three points eh. pero syempre support  till the end ang drama ko!

Pag kauwing-pagkauwi ko binuksan ko agad yung wifi at hinanap sya sa Facebook

Jeremy Jonah Tan

OH MY GULAY GALIWAW!

KINIKILIG AKO!!!

------------------------------------------------------------------------------

hmm yeah. TRUE STORY TO! kung kanino? HULAAN MO!! hahaha! Natripan ko lang! Sana basahin nyo :")))) Everyday Update! ^^

KINIKILIG AKO! (Summer Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon