Chapter 1.
“Erie! Uy!”
Haaay. Ang gwapo talaga nya. Kaya lang napakaepal naman ng mga babaeng nasa paligid nya. Pero sabagay mga kaibigan nya yun eh.
“HOY!!”
“AY! Ano ba Eris :3 Ginulat mo naman ako eh!”
“Eh panong di ka magugulat dyan eh kanina ka pa nakakatitig dun sa antipatiko mong crush!”
“Pano nalaman?! O.o”
“Kanina pa kaya ko sa tabi mo at di mo ko napansin. Hay nako!”
Kanina pa pala sya dun. Hahaha malay ko ba.
“Oh ano. Dyan ka nalang? Tara na kaya! Malalate na tayo!” Hinila na nya ko palayo.
Im Eriesell Jan Lauseryo. 18. Hahaha and yeah 3rd year college na ko. Meron akong sasabihing secret, secret lang ah? May crush kasi akoooo! He is so cool, good looking and medyo may pagkamayabang. He is Aries Concepcion, hindi ko sya kacourse kasi I.T kinuha nya, sayang :’( Nakilala ko sya nung enrollment dito sa campus, akalain mo yun tatlong taon na kong may crush sa kanya. Ang tatag namin ❤ Ay ako lang pala. Hehehe ^__^v
Kailan nya kaya ko mapapansin?
“Ayan buti nalang naabutan natin si Ma’am!” Hinihingal na sabi ng bestfriend ko. Ito talaga! Hahahaha!
Pero pagharap ko.
O.O
“ARIES CONCEPCION!!?”