"Miss Broken." narinig kong tawag sa akin ni mushroom mula sa may di kalayuan. Tumingin ako sa kanya saka sya kinawayan.
"Sorry late ako." Sabi nya pagkalapit nya sa akin.
"Okay lang, kadarating ko lang din."
Wala kaming pasok ngayon kaya siguro naisipan nyang yayain akong mag-gala at dahil nga sa nangyari kagabi gusto ko din bumawi sa kanya. Wala namang masama kung mag-gala kaming dalawa dahil wala naman kaming assignments at project ngayon.
"Mushroom okay ka na ba? Kung wag na lang kaya tayong tumuloy, baka mabinat ka eh." Nag-aalalang saad ko. Kagabi kasi halatang hindi pa talaga sya okay pero nag-pumilit pa rin syang umalis.
"I'm fine. Wag ka na ngang mag-alala dyan saka ang boring kaya sa bahay. Ayokong ma-stuck dun." Hindi na ako muling umangal pa dahil alam kong hindi ko naman sya mapipigilan.
Wala akong ideya kung saang lugar kami pupunta ngayon basta sumusunod lang ako kay mushroom. Naglakad lang kami mula sa park na pinagtagpuan namin kanina.
"Mushroom sure ka bang maglalakad lang tayo? Hindi ba malayo yun?" tanong ko
"Hindi no. Malapit na tayo, pagod ka na ba? Buhatin kita." Pag-aalok nya
"Hindi no, gusto ko lang namang malaman e."
"Surprise nga di ba? Isang liko na lang andun na tayo." Sagot nya.
Kaunting lakad pa at tumigil kami sa harap ng isang malawak at may kataasang pader. Seriously?! Mataas at malawak na pader? Ano namang gagawin namin dito? Wag mong sabihing gusto nyang mag-drawing kami ng kung anu-ano sa pader na ito, eh paano kung mahuli kami ng may ari nung pader? Baka kasuhan nya kami ng vandalism. Ang weird ng utak ko.
"Mushroom anong ginagawa natin dito? Mag-do-drawing ba tayo sa pader na ito?" tanong ko habang itinuturo yung bakod sa likuran ko. Bale magka-harap kaming dalawa.
"Hindi no. Anong mag-do-drawing ang pinagsasabi mo dyan? Wala naman tayong dalang pintura eh." sagot nya. Eh wala naman akong nakikita bukod sa mga damo at punong nakatayo sa gilid ng pader e. Anong pang gagawin namin dito? Teka nga, wag mong sabihing..
"Hoy wag mong sabihing pagtatabasin mo ako ng mga damo dito! Naku, uuwi na lang ako kung ganun." angal ko tapos ay natawa sya
"Baliw ka ba?! Kung anu-ano iniisip mo. Dyan tayo dadaan." Saad nya habang nakaturo sa pader na nasa likuran ko. Halos malaglag yung panga ko sa sinabi nya. Paaakyatin nya ako sa bakod na yun e ang taas-taas nun, anong akala nya sa akin member ng akyat-bahay?
"Ikaw ang baliw e! Paano naman tayo dadaan dyan? " singhal ko sa kanya
"Eh di aakyat tayo. Para ka namang ewan dyan e. Tara na, you'll liked what you will see behind this, promise." Sabi nya saka lumuhod sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Jugendliteratur"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith