SEASON 2: FIRST

15.6K 455 21
                                    

REN POV

Nakatingin ako sa kamay kong suot-suot ang singsing na bigay sa akin ni Cyrax. Sa tuwing iniisip ko kung paano nya ito binigay hindi ko talagang maiwasan mapangiti at kiligin.

" Ren, bumaba ka na. Nakahanda na ang almusal nyo " pasok ni Manang Belen sa kwarto ko.

Sya ang katulong namin dito sa bahay. Ayaw kasi akong pagawain ni Cyrax ng mga gawaing bahay kaya naghire ng katulong.

" Sige po. Aayusin ko lang ang gamit ko sa school " sabi ko sa kanya.

Hindi na kami sa condo nakatira. May ipinatayo palang bahay si Cyrax para sa amin. Hindi sya ganoong kalakihan kasi ayaw ko ng sobrang laking bahay. Hindi naman kami maglalaro ng taguan. May second floor ang bahay kung saan makikita ang kwarto namin ni Cyrax at study room. Sa baba naman yung guess room at movie room.

Si Cyrax naman nagtatrabaho, syempre bilang isang CEO. Ang rami nya ng pinagbago, mas lalo syang gumwapo, yung abs nya mas masarap na, de biro lang. Ang kinakalungkot ko lang, minsan hindi ko na sya naabutan pag-uwi nya kasi tulog na ako. Paggising ko naman, wala na sya dahil nakapasok na sya sa trabaho pero sinisugurado nyang magkakaroon kami ng time para sa isa't-isa. Ayun nga lang, medyo naging mahigpit sya sa akin pero okay lang.

Bumaba na ako sa kwarto at tumungo sa lamesa. Agad akong kumain na inihandang pagkain ni Manang Belen. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa kotse kung saan may driver akong maghahatid sa school. Kalahating oras rin ang byahe patungo sa university.

" Ren, pinasasabi pala ni Sir Cyrax na dumiretso ka sa opisina nya mamaya " habol na sabi ni Manang Belen bago ako makapasok sa kotse.

" Sige po " sang-ayon ko saka pumasok na sa loob.

Pinaandar na ni Manong Jojo, asawa ni Manang Belen, ang kotse. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Second year college na ako ngayong taon. Marami na ring nangyari sa akin bilang estudyante.

" Ren, kailan po kayo magpapakasal ni Sir Cyrax " napatingin ako sa front view mirror para tingnan si Manong Jojo.

" Ah eh " medyo nahihiya pa rin akong pag-usapan ang tungkol sa kasal  lalo pa't hindi pa masyadong open ang ganitong pangyayari pero proud ako.

" Pagkatapos ko pong grumaduate sa pag-aaral. Iyon rin po kasi ang gusto nila Mama " sabi ko.

" Tama 'yan. Ang pagpapakasal hindi minamadali dahil malaking responsibilidad iyon. Magpakasaya muna kayo at lalong kilalanin ang bawat isa. Hindi naman kayo mahihirapan kilalanin ang isa't-isa dahil nakatira na kayo sa iisang bahay " sabi ni Manong Jojo. Ngumiti na lang ako sa kanya saka tumingin uli sa labas.

Ang rami ko ngang nalaman tungkol kay Cyrax ng magsama kami kahit nasa condo pa kami. Yung iba nakakatawa pero mas nakakabuwisit ang karamihan specially kapag kainan na. Aba'y gusto laging karne ang ulam. Haay. Mayayaman nga naman. Ang pinakaayaw ko, kapag stressed sya sa trabaho, lumalabas sya ng bahay para manigarilyo. I hate that fact!

Yung tungkol naman sa kasal namin, hindi natupad ang gusto ni Cyrax dahil hindi sumang-ayon sila Mama at Papa.

Flashback...

Nasa pamamahay namin ngayon ang Mom, Dad at Ate Trixie para mamanhikan. Oo, mamanhikan para pag-usapan ang pagpapakasal namin ni Cyrax. Hindi daw kasi kaya ni Cyrax na kausapin lang mag-isa ang Mama at Papa ko dahil kinakabahan daw sya. Oh diba ang dyosa ko? Ako na ang nililigawan ng magulang hahaha.

" Pasensya na pero hindi kami sumasang-ayon " sabi kaagad ni Papa sa Mom ni Cyrax, si Tita Aletha.

" Pero bakit naman? Mabait naman si Cyrax kahit hindi halata " medyo na natawa kami sa sinabi ni Tita Aletha.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon