Mata Mo, Buhay Ko

15 0 0
                                    

PROLOGUE:

Lahat tayo ay may itinuturing na Kaibigan. Lagi kayong magkakasama sa lahat ng bagay kahit sa kabaliwan. At minsan, may mga bagay kayong pinag-uusapan na tanging kayong dalawa lang ang nakakaalam. Pero, gaano mo ba kakilala ang iyong kaibigan: siya ba ay totoo o hindi? Gaano mo siya kamahal? Ano ba ang sukatan ng isang TUNAY NA KAIBIGAN.

PANIMULA: (Papasaok sa paaralan)

Unang araw na ng pasukan sa paaralan ng Lagaw-law University. Sikat ang paaralang ito ^_^ Hindi ako pwedeng mahuli sa pagpasok, nakakahiya naman kung nagkataon.

Ako nga pala si CASSANDRA MONTENEGRO. Sosyal di ba? HAHA! Isang simpleng babae, matalino, tahimik at may itsura. Nandito na ako sa loob ng silid-aralan namin. Bago ang mga estudyante dito. Ni isa, wala akong kilala. Kolehiyo na kasi ako at 'yung iba kong kakalse noon, nasa ibang paaralan nag-aaral.

Umupo na ako, kaso nasa hulihan naman. May dumating na babae, estudyante rin. Maganda at ang cute niya.

"Hi. Pwede bang umupo dito? Ako pala si Jenny Navarro."

"Ah. Hello. Ako si Cassandra Montenegro. Sige."

"Pwede ba kitang maging kaibigan? Wala pa kasi akong kailala dito sa paaralan eh." Nag-pout naman siya.

"Oo naman. Pareho pala tayong wala. Hehe!"

"Sige. Salamat Cassa-"

"Cassie nalang itawag mo sa 'kin."

"Okey Cassie. Salamat ulit."

Pagkatapos naming mag-usap, pumasok na 'yung guro namin at nagpakilala sa kanyang sarili. Matapos ang unang klase, sabay na kaming pumasok ni Jenny sa susunod na klase at hanggang uwian namin.

"Una nalang ako sa 'yo Cassie. Madami pa kasi akong trabaho sa bahay. Sige, paalam."

"Sige Jenny, mag-ingat ka."

"Ikaw rin Cassie. Paalam."

Pagdating ko sabay, agad akong kumain. Gutom na kasi ako eh. Pagkatapos, pumunta sa kwarto ko at nagbihis ng pangtulog. Bago ko ipinikit ang aking mata, inalala ko muna 'yung mga nangyari. Kahit papano, may naging kaibigan ako na tulad ko rin yung simple lang. Haaay! Matulog na nga lang ako. Lalaki eyebugs ko nito.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jenny's POV:

"Oo naman. Pareho pala tayong wala. Hehe!" Ganoon nga siguro kasi bago kami dito.

"Sige. Salamat Cassa-"

"Cassie nalang itawag mo sa 'kin."

"Okey Cassie. Salamat ulit."

Maganda 'to, may kaibigan na rin ako. Kahit hindi ko pa siya ganoon kakilala, alam kong mabait siya. Sikat din siya eh. Maganda, matalino dahil siya ay naging Valedictorian sa isang sikat na pribadong paaralan, sa San Diego Science High School. Pang mayaman talaga! Pareho lang kami pero mas mayaman sila.

***

Nag-paalam na ako sa kanya at dumeretso ako sa bahay. Naglinis ng kunti, kumain at tiyaka naghugas ng aking pinagkainan. May katulong naman kami, kaya lang gusto ko ding gawin ang mga gawaing bahay. Kasama ko ang Mama at Yaya ko. Ang papa ko? Naku, 'wag niyo na kayong magtanong. Haha!

''Yaya, paki patay nalang 'yong ilaw at paki sarado na rin 'yong mga bintana at pintuan.'' Utos ko kay Yaya.

''Opo ma'am Jen."

Mata Mo, Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon