Trek POV
After lunch na kami nakarating sa ospital kasama sina Mom at Dad. Paniguradong magagalit sakin si Raine.
Pero mas importante naman siguro ang pamangkin niya kaysa sa girlfriend niya eh.
Pagkapasok namin sa Room ni Ksy ay nakita naming pinapakain ni Raine si Sky. Bagay din palang maging tatay tong kapatid ko eh. Pratice for future use.
"Hi princess!" Bati nina Mom at Dad.
"Momsie!! Dadsie!!" Masayang tawag ni sky.
Agad na lumapit sina Mom kay Sky at niyakap siya.
Lumapit naman samin si Raine. OP yata to.
"Sorry tol ha natagalan."
"Psh! May utang ka sakin." Bulong niya.
"How are you my son?" Tanong ni Mommy kay Raine.
"Akala ko nakalimutan niyo na ko eh." Tampo niya. Parang bata.
"Pwede ba naman yun eh namiss kita." Sabi ni Mom at niyakap si Raine.
Nilaro nina Dad ang anak ko. Ang saya lang dahil kompleto kami ngayon. Im contented with my family. I have a loving and caring wife and daughter.
"Siya nga pala Raine dumaan ba dito yung doctor ni Sky?" Tanong ng asawa ko.
Nakita kong nag bago ang expression ni Raine.
"Y-eah... in a few days Sky will be discharge." He utter.
"May problema ba?" Tanong ko.
He sighed.
"Kuya pwede ba tayong mag usap sa labas?"
"Oo naman."
At lumabas kami.
Umupo kami sa bench na nakahilera sa labas ng kwarto ni sky.
"Ano yun?"
Napasapo siya ng ulo niya. Ano bang problema nito at nagdadrama?
"Nag away kayo ng girlfriend mo no?"
Umiling siya.
"Eh ano?"
"I saw her."
"Ha??"
"Si Rhian... nagkita kami." Mahina niyang sabi.
What the?!
I sighed.
"Nagkita na pala kayo."
"Alam mo?!" Gulat niyang tanong.
"Nakita siya ni Ellen accidentally nung isang araw."
Napamura siyang mahina.
"Siya pala yung kumuha ng dugo kay Sky."
Si Rhian pala ang kinukwento ng anak ko. What a small world naman oh!
"Anong sabi mo?"
Umiling siya.
"Hindi kami nag usap, sinabi niya lang sakin ang lagay ni Sky then left."
"Eh bat parang malungkot ka? Dont tell apektado ka pa rin sa EX mo?"
Sinamaan niya naman ako ng tingin.
Rhian POV
Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagmumokmok dito sa banyo. Panigurado ding marami ng naghahanap sakin sa Lab.
Hindi ko inaasahan ang pagkikita namin ni Raine. Sinasabi ko sa sarili ko na wag magpaakpekto pero heto na naman ako ngayon. Umiiyak nang dahil sakanya.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Chris.
(Hello?)
"Chris..."
(Rhian anong problema?)
"Pwede mo ba akong sunduin ngayon dito sa ospital, please."
(Bakit? Anong nangyari? Wait, umiiyak ka ba?) Tanong niya.
"Just come here and fetch me please! Bago pa ko masiraan ng ulo!" Iyak ko then ended the call.
Napaupo ako sa sahig sa outburst ko.
Ang sakit sakit na makita siya. Lalo na ngayon na may pamilya siya.
Kaya siguro namumukhaan ko si Sky dahil si Raine ang ama niya. May pagkakahawig silang dalawa kaya imposibleng hindi sila related.
Agad akong naghilamos. Maga nanaman ang mga mata ko. Kailan ba to hindi namaga?
Tinext ko na lang ang chief med tech ko na sumakit ang ulo ko dahil pagnanatili pa ko sa ospital na to baka magkita lang ulit kami.
Pumunta ako ng parking lot dahil nagtext sakin si Chris na malapit na daw siya.
Ilang sandali ay may isang itim na kotse ang tumigil sa harap ko. Lumabas dito si Chris.
"What happened?" Agad niyang tanong.
Pero imbis na sagutin lo ang tanong niya ay agad ko na lang siyang niyakap. Siya lang kasi ang nagpapagaan ng loob ko.
"Shhhh... stop crying Rhin."
"I saw him Chris... nagkita na kami." Iyak ko.
Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Agad niya akong hinarap sakanya.
"What did he say?" He asked.
Umiling kang ako.
"May pamilya na siya Chris... wala na akong pag asa sakanya." I sobbed.
Niyakap na lang ulit ako ni Chris.
"Dont worry, everything will be alright."
Sana nga...
Chris POV
Pinagmamasdan ko siya habang natutulog. Nakatulog kasi siya sa sobrang pag iyak.
Sa loob ng ilang taon halos pag iyak lang niya ang nakikita ko. Minsan ko lang siyang nakitang ngumiti.
Kapag nakakausap niya ang ibang tao at kailangan niyang magpanggap na okay lang siya at kapag nalalasing siya.
I sighed.
Hinaplos ko ang ulo niya.
Kung sana noon hindi ko siya iniwan siguro hindi siya ggayon miserable nang dahil sa lalaking mahal niya. Ang tanging lalaki na minahal niya.
"Sana kung ako na lang ang pinili mo, sana hindi ka na umiiyak ngayon because ill make sure that ill make you happy. That's how much i love you. Na kahit iba ang mahal mo nandito parin ako nagpapakatanga sayo."
****************
Raine on the multimedia...
BINABASA MO ANG
Back For You (TLG Book 2)
Roman pour AdolescentsAlam kong malaki ang naging kasalanan ko. Ive been stupid and selfish. Siguro dahil mas pinili ko ang pangarap ko at iniwan siya. Everything was perfect back then, likae a fairytale. But i didnt thought that it ended so soon. At ngayon na bumalik a...