Second Chances: Chapter 1

808 34 8
                                    

"Mommy Jade!" Sigaw ni Miggy habang tumatakbo papalapit kila Jade at Althea.

Niyakap nya agad si Jade, halata sa mukha ng bata ang gulat at saya na nakita nya ito.

"Miggy!" Sagot ni Jade na halos matumba sa bilis ng takbo at pagyakap sa kanya ni Miggy. "Ang laki mo na." Sabi ni Jade habang yakap-yakap ang bata.

"Opo Mommy Jade." Sagot naman ni Miggy.

"Na-miss kita ng sobra." Sabi ni Jade sa nakayap sa kanyang si Miggy.

Nakatingin lang si Althea sa dalawa at habang binigkas ni Jade ang mga salitang 'na-miss kita', nakatingin ito kay Althea.

Napangiti si Althea nang hindi nya namamalayan.

Dalawang taon. Two years nang huli silang magkita, at sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita ulit sila.

"Sabay ka na sa amin, nagugutom na yan si Miggy kanina pa." Pagyaya ni Althea kay Jade.

"Gutom na?" Tanong ni Jade kay Miggy.

"Opo Mommy Jade." Sagot ni Miggy na nakangiti sa kanya.

"Saan ka naka-park?" Tanong ni Althea kay Jade.

"Dun sa may gilid ng kalsada." Turo ni Jade sa may kabilang street.

"Sige, ikutan ka na lang namin. Sa kabilang side kasi kami naka-park." Sagot ni Althea.

"Sige, hintayin ko na lang kayo." Sabi ni Jade na hindi pa rin maalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

Akmang aalis na si Jade nang hawakan sya sa braso ni Althea.

"You're here." Sabi niya kay Jade. Kumikislap ang kanyang mga mata. Hindi maitago ang ligyang nararamdaman nya ngayon.

Jade nodded. "Yes, we're here." Sagot ni Jade na hindi pa rin naalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

Niyakap ni Althea si Jade.

"Na-miss kita ng sobra. Buti nandito ka na." Sabi ni Althea na yakap-yakap pa rin si Jade.

"I miss you more. Di ko inakala na makikita ko kayo dito." Sabi ni Jade habang hinahaplos ang likod ni Althea.

They let go of the hug they shared and held hands.

"Pano.. iikutan ka namin ha. Hintayin mo kami. Mabilis lang kami." Sabi ni Althea na may namumuo ng luha sa kanyang mga mata.

Jade nodded and quickly kissed Althea on her lips.

"I'll see you." Nakangiting sabi nya kay Althea. "Miggy, hintayin ko kayo ha." Tingin naman nito kay Miggy.

"Opo Mommy Jade." Sabi ni Miggy.

Naglakad na si Jade papunta sa kanyang sasakyan habang si Althea ay halos nakatulala pa rin. Hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng nangyari.

"Mommy halika ka na. Naghihintay si Mommy Jade." Sabi ni Miggy sa kanyang Mommy.

----------

Walang tigil ang kuwentuhan ni Jade at Miggy. Para silang magbarkada kung mag-usap. Halatang-halata din ang pagka-miss nila sa isa't-isa. Nagtatawan, nagbibiruan at minsan ay nagtutuksuhan pa ang dalawa.

Si Althea naman ay masaya lang na nanonood sa kulitan ng dalawa. Hindi nya maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdaman nya ngayon. Hindi pa sila nakakapag-usap ng matino ni Jade pero parang wala nang dapat pag-usapan. Pero kailangan at dapat pa rin silang mag-usap.

"Gumagabi na." Deklara ni Althea. "May lakad ka ba? Baka gusto mong sa bahay ka na matulog?" Walang pag-aalinlangang tanong ni Althea kay Jade.

"Sa amin ka na titira Mommy Jade?" Biglang sagot naman ni Miggy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon