#13

918 32 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 13

Napakasakit! Kuya Eddie... Nang sinapit... ng aking buhay...

Napakasakit! Kuya Eddie...

WAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!! NAKAKAINIS NAMAN EH! PATI TULOY AKO NAPAPAKANTA NA SA PABORITONG KANTA NI PAPA...

DD! WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!! Ang sakit! Ang sakit! Sakit! sakit! ng puso ko ngayon!!!!

Ngayon ko na nararamdaman iyong sinasabi sa mga nababasa kong romance novel na dinudurog ang puso at parang hinihiwa ng kutsilyo. Parang namatay ang puso mo...

Hay! DD! Sabi ko na nga ba eh! Sabi ko na nga ba!

Kaya pala parang may sarili siyang mundo... Kasi may mundo na nga talaga siya.

Kaya pala siya hindi tumitingin sa iba... Kasi iisa lang ang nakikita ng kanyang mga mata.

Kaya pala wala siyang pinapansin at kinakausap... Kasi iisang tao lang ang napapansin niya at kinakausap.

Kaya pala hindi siya ngumingiti... Kasi sa iisang tao lamang nakalaan ang matamis niyang ngiti.

Kaya pala! Kaya pala! WAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!

Grabe DD! Hindi ko talaga akalain na sa pagkakaroon ko ng CRUSH sa kanya... Masasaktan ako ng todo... Hindi ko akalain na sa pagkahulog ko sa kanya, mas mauuna pang pumlakda sa lupa ang puso ko kaysa sa mukha ko.

Grabe ka Red! Hindi mo man lang ako nainform na may girlfriend ka na pala!

Ang sakit kaya na makita ng dalawa mong mga mata kung paano maglambing ang crush mo sa taong mahal nito. Parang iyon na iyong karimarimarim na eksenang nakita mo sa buong buhay mo. Feeling ko, parang iyon na iyong nakakatakot at nakaka... WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!

Kung nakita mo lang DD kanina... Kung nakita mo lang kung paano tumingin si Red sa babaeng 2nd year na iyon! Nakakainis! Halatang mahal na mahal niya iyon! Ibang-iba ang kinikilos nito kapag kaharap ang babaeng iyon kaysa sa nakikita ng karamihan. Ano bang nakita niya sa babaeng iyon na hindi niya makita sa akin kaya hindi siya tumitingin sa akin? Ano bang nakita niya roon kaya hindi niya ako mapansin?

Dahil ba sa maganda siya? Infairnes totoo naman! Maganda nga, mahaba ang kulay dark brown nitong buhok hanggang likod at mestisa pa. Dahil ba sa may malaki siyang boobs? Baka nga kasi ako wala nun kaya hindi niya ako tinitingnan. O baka naman gustong-gusto niya ang perlas ng silanganan nito na nagtatago sa suot nitong panty at palda? Baka nga kasi ako... buhay na hotdog lang ang meron. Kunsabagay, mas gusto niya ang perlas kaysa sa hotdog...

WAAAAAAAAAAHHHHHHH DD!!!! Anong gagawin ko ngayon? Ngayong narealize ko na sa sarili kong... TULUYAN na akong NAHULOG SA KANYA tapos malalaman kong NAHULOG na rin pala ito at may nagmamay-ari na pala sa kanya.

Huh DD? Sa tingin ko ba girlfriend niya ba talaga iyon? Ano pa nga ba? Eh di girlfriend. Sa mga kilos at lambingan pa lang nila sa isa't-isa sa garden, sa tingin mo magkaibigan lang sila? Hell no! Mag-girlfriend sila.

Hay DD! Ang sakit pala ng ganito. Kaya ayokong makaramdam ng ganito eh... Bukod sa masakit na nga sa puso... Nakakalungkot pa.

Kasalanan ko rin naman kasi eh... Ako iyong nahulog at kinilig kahit na wala naman siyang ginagawa para maramdaman ko ang mga iyon sa kanya... Isa pa, kahit na papaano'y umasa rin naman ako na magkakagusto siya sa akin kahit na labas na labas naman ang buong katotohanan na lalaki siya at kailanman ay hindi siya maaaring magkagusto sa akin dahil... Lalaki rin ako na may pagka-pusong babae. Para lamang siya sa babae at hindi para sa katulad ko. 'Yan tuloy... Ang sakit! Parang pinagsasampal ako sa magkabilang pisngi ko sa mukha hanggang sa mamula ang mga ito! Hay! Ganun yata talaga... Ang buhay talaga ay parang life! Minsan masaya, minsan malungkot at masakit.

Huhuhuhuhu! DD... What should I do? Ah kalimutan na siya? Eh paano kong gagawin iyon eh sa araw-araw eh nakikita ko siya? At saka paano ko makakalimutan ang kagaya niyang kahit papaano'y nagbibigay sa akin ng kilig?

Kunsabagay, tama ka nga DD... Kailangan ko na yata talaga siyang kalimutan. Kalimutan kung ano man ang nararamdaman kong ito para sa kanya para hindi na ako lubusang masaktan. Ayoko namang patagalin pa ang sakit na nararamdaman ko. Hay kung may gamot lang talaga na nabibili para sa klase ng sakit na ito, bibili na ako ngayon pa lang ng isang box!

Pero bigla kong naisip 'yung nabasa ko nung isang araw...

Madaling sabihin ang salitang 'mag-move on ka na' kaysa sa gawin iyon.

Totoo nga kaya? Mahirap nga ba talaga mag-move on? Ano bang gagawin ko para magtagumpay ako sa nais kong mag-move on? Tulungan mo naman ako DD...

PS: Infairnes DD... May hindi rin ako inaasahan na nangyari... Bukod kasi sa pagko-comfort sa akin ng mga kaibigan kong sila Patrick at Dale dahil nga sa malungkot ako dahil alam na nga nila na... alam mo na rin 'yun. May isang tao pang gumawa nun sa akin... Iyon ay si Zeus na hindi ko talaga inaasahan na nakaramay ko ngayon sa pagluluksa... Pagluluksa talaga...

-Law Adrian Mendoza


DATE POSTED: OCTOBER 10,2015 (SATURDAY)


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon