#18

869 29 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 18

Nakakabwisit! Nakakabwisit! Nakakabwisit!

Ngayon na nga lang ulit ako nakapaglaro ng bingo... Natalo pa ako ng isang daang piso! Huhuhu! Nakakabwisit talaga! Talo na nga ako pagdating sa puso ni Red, hanggang sa bingo ba naman... Talo pa rin ako.

Sayang rin kasi 'yung 100 pesos ko noh... Pambili ko na rin sana iyon ng maraming lobo... De joke. Pambili ko na rin sana iyon ng mga gusto ko pero 'yun nga, natalo pa ako.

Kunsabagay, kasalanan ko rin naman... Bakit pa ba kasi ako nakipag-bingohan diyan kayla Aling Isadora diyan sa kanto. Tuloy, nawalan pa ako.

Hay! Sumagi rin tuloy sa isipan ko 'yung tanong ko dati sa sarili ko na: Bakit pa ba kasi ako nahulog kay Red? 'Yan tuloy, nasaktan ako dahil sa nalaman kong may iba na pa lang laman ang puso niya. Hay! What a sad life... Ngayon ko lang napagtanto na may pagkakaparehas pala ang bingo at ang pag-ibig. Parehong sugal na pwede kang manalo at pwede ka ring matalo.

Wala kasing pasok ngayon sa school at hindi rin kami gumawa ni Zeus ng project sa school dahil sa umalis sila Zeus at hindi ko alam kung saan pumunta kasama ang mama, lolo at lola nito. Kaya ang tendency, nakipaglaro na lang ako ng bingo kayla Aling Isadora kasama ang iba pa naming kapit-bahay na pawang mga sugalero. Libangan ko rin kasi ang bingo lalo na at walang ginagawa.

Pero imbes na malibang ako, ito at nabibwisit dahil talo ako. Infairnes, ngayon lang ako natalo sa bingo, dati kasi, lagi akong panalo. Hay! Ano bang nangyayari sa life ko ngayon.

Hay DD! Sabihin mo nga sa akin... May mali na ba sa akin ngayon? Bakit ba ako natalo sa bingo? Malas na ba ako? Ok... Ako na ang dakilang OA.

O siya! Matutulog na nga muna ako para makalimutan ko na ang pagkatalo ko sa bingo gaya ng ginagawa ko nitong mga nakaraang araw para makalimutan ko na rin si Red. Oo DD! Pagtulog ang solusyon ko para makalimot panandalian. Hmmp!

-Law Adrian Mendoza


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon