one-shot

12 1 0
                                    

Last year, exact date 101014. It was all started that day nung nagpapicture sya sakin. Akala ko nung una wala lang. Akala ko kinabahan lang ako kase first time. He has a crush on me since we're in the 7th grade. Di ko pa sya pinapansin nun kase meron akong crush na iba.

hanggang sa, chinat nya ko. Nagtanong sya kung pwede manligaw. Nung una ayoko dahil nagdadalawang isip pa ko kung ano ang kahahantungan namin pag pinayagan ko sya. At the end naisip ko rin na, bakit hindi ko subukan? Wala naman sigurong mawawala.

So umoo ako. Nung una ok naman. Ang kaso madalas lang kaming mag usap sa chat non. Sya kase yung tipo ng lalaking napaka torpe. Hindi marunong iexpress yung feelings nya in person. Nung una, naiintindihan ko naman. Ang kaso parang sobra naman ata. Ni hindi nya kase ako malapitan sa personal.

Pinupush sya lagi ng mga kaibigan at kaklase nya na kausapin ako. Ginagawa nya naman kaso magha-hi lang sya. Ako naman ngingitian ko sya. Hanggang dun lang. No more no less. Di ko sya masyadong feel as my suitor. Pero aaminin ko na unti-unti, nahuhulog na din ako sakanya.

Pero kase, bilang babae diba hahanapin ko yung presence nya bilang manliligaw ko. At pano ko sya sasagutin kung ni hindi kami makapag usap sa personal. Makakapag usap man, sobrang awkward. Kaya napag isip-isip ko na, "Ititigil ko na tong kalokohan na to. Parang walang kwenta lang e." Mahirap sabihin sa una kaso habang tumatagal din kase nagiging cold na sya sakin lalo na nung sem-break.

Kaya piniem ko sya na itigil nya na lang lahat ng ginagawa nya.syempre masakit din sakin kase may feelings parin ako para sakanya. Mahal ko na sya that time e. Kaso kase ang daming kulang. Nakukulangan ako. Umiyak din ako nun bago kame mag year end party. Naaasar kase ako sa mga kaibigan ko kase lagi nila akong tinutukso dahil sa nangyare. Napaiyak tuloy ako ng wala sa oras.

Lumipas na ang ilang buwan at bakasyon na. Nagpunta kaming probinsya nun. Masaya naman ako kase kahit papano nakalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko. Akala ko nung una, habang tumatagal e nakaka move-on na ko sa nangyari at sakanya. Kaso... kaso nung pasukan. First day of school hinanap ko yung pangalan ko dun sa mga sectioning sa bulletin board. Nakita ko yung pangalan ko dun pati yung pangalan ng isa sa matalik kong kaibigan na lalaki. Excited pa kong pumasok sa room nun e. Naupo ako sa pinaka dulo since puno na sa harap at di na din ako makakatabi sa kaibigan kong lalaki na kaclose ko dahil puno na dun sa row nila. Pero nawala yung excitement ko nung nakita ko syang pumasok ng room kasama ang mga kaibigan nya. Nagsimula na naman kumabog ng malakas yung dibdib ko katulad nung una. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano.

Hinayaan ko na lang. Ano pa bang magagawa ko e wala e. Isa sya sa naging kaklase ko. Ilang linggo ang di namin pagpapansinan, kinakausap ko lang sya kung kailangan katulad nito, "zedrick tawag ka ni maam joy. Kakausapin ka daw nya." Ewan ko kung bakit ganun yung boses ko. Yung tipong parang galit at sobrang cold. Hindi ko alam kung bakit e. Siguro dahil hindi ko din alam kung pano ko ieexpress sakanya yung sasabihin ko.

Naging isa sya sa mga kagrupo ko sa mga iilang activities pero hindi ko parin sya magawang kausapin ng normal. At kahit sya din hindi nya din naman ako kinakausap kaya naisip ko na, bakit ko sya kakausapin kung wala din naman pala syang balak pansinin din ako.

Nang biglang may dumating sa eksena. May naging kaclose ako na grade 10 ok naman sya. Masaya kausap tapos napakalakas ng sense of humor kaya madali ding gumaan yung loob ko sakanya. Halos araw-araw ko syang kausap mula umaga hanggang gabi o minsan umaabot pa ng madaling araw. Nahihinto lang ang pag uusap namin sa tuwing may pasok. Habang tumatagal, napapansin ko na nagbibigay sya ng motibo sakin. Feeling ko lang namn iyon kaya hinayaan ko lang kase malay ko naman kung totoo o hindi yug hinala ko diba? Hanggang sa dumating yung araw na umamin sya sakin na gusto nya ko pero hindi pa daw sya sigurado. Alam nya yung kwentong pag-ibig ko yung past ko at alam nya din na MAHAL ko parin si Zedrick. Hindi ko pinansin yung sinabe nya kase sabi nya, hindi pa naman sigurado. Naisip ko na baka infatuation lang yon. Na hindi seryoso. Na crush lang talaga.

Hanggang sa dumating na sa point na, "Bakit lahat ng nagugustuhan ko may gustong iba?" Biglang sabe nya sakin. Hindi ko alam irereact nun. Kaya sabe ko, "Baka hindi pa talaga sila yung the one." Hanggang sa sabe nya sakin na pag-isipan ko muna lahat. Baka daw kase pwede naman syang pumuslit sa puso ko kahit sa napaka liit na butas lang non. Kaya sabe ko tama, pag-iisipan ko muna.

Wala naman nagbago sa pagitan naming dalawa ganun parin katulad ng dati. Hanggang sa naulit ulit yung ganung pag-uusap namin. Pinilit ko naman e. Pinilit ko rin na magkaroon ng feelings para sakanya. Kaso wala e. Mahal ko parin talaga si zedrick. Sinabe ko na sakanya na itigil nya na yung feelings nya para sakin. Para di na din sya umasa. I know. I know na nasaktan ko sya pero hindi matatapos lahat ng yun kung hindi ko gagawin ang bagay na yon. Kailangan e. Para na din samin pareho.

Nung kinagabihan na yon, pagkatapos kong patigilin yung grade 10, kinausap ko sya thru chat. Humingi ako ng closure. Lagi parin kasing sinasabe ng mga kaibigan namin na, "May feeling parin yong si zedrick para sayo. Nahihiya lang kausapin ka kase dahil sa nangyare dati." Yun yung lagi nilang sinasabe. Kaya kinausap ko sya. Tinanong kung may feelings parin ba sya para sakin. I know it's like I'm the one who's chasing him. Mukha nang desperada o ano pero anong magagawa ko? Mahal ko e. :(

"Hindi naman nawala yon." Sabi nya. Hanggang sa, bumalik na kami sa dati. Pero this time, nag-uusap na kami. Nag ngingitian. Niligawan nya ulit ako for 1 month and... sinagot ko sya nung nakaraang September 14 lang. Ngayon, masaya kami. Masaya ako. May time na nagkakatampuhan at may away pero katulad ng ng sinabi namin sa isa't-isa, WALANG TITIBAG! And now, magwa-one month na kami. Parang ang bilis lang. Siguro kase, masyado akong masaya sa nangyayari. Hahahaha.

Ang gusto ko lang sabihin, bakit hindi nyo itry kung pwede pa naman diba? Wala namang masama kung magtatry. Pero kung alam nyo ng hindi na tama at papunta na sa mali, itigil na. Maraming pag subok. Sobrang dami pero kung matyaga ka at di ka susuko? Dadating ka din sa punto ng buhay mo na sasaya ka. Na makukuha mo yung matagal mo ng gusto dahil sa pagsisiplkap mo. And that's our love story. Orayt. Hope you'll like it. Ciao. :)

Our love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon