Crush mo daw ako?

7 1 0
                                    


Nagmamadali na kong pumasok sa school. First day na first day, malalate ako? No way!

Naglalakad na ko sa corridor when I heard someone says "Oy Ms. na nakapulang bag!" Napatingin ako sa bag ko, it's red. Ako ba yung tinatawag nya? Lumingon ako.

"Crush mo daw ako?" Napakunot ang noo ko. Ni hindi ko nga siya kilala e! Di ko nalang sya pinansin. Late na ko e.

***

Andito ako sa canteen. Im about to order when someone poke me. Lumingon ako. "Ms. na may pulang bag, Crush mo daw ako?"

Argghhh! Bat ba ang kulit niya? tsk!

Di ko na lang ulit siya pinansin at umorder at kumain na lang.

***

Lumipas ang mga araw, ganun at ganun ang ginagawa niya at sinasabi nya "Miss na may pulang bag! Crush mo daw ako!" "Oy,(kulbit) Crush mo daw ako!" tapos ngingiti. Hindi ko na alam gagawin ko. Di ko na nga lang siya pinapansin e! Ang lakas lagi ng trip! Minsan nga kasama ko mga kaibigan ko sa gym. Nang bigla siyang lumapit at sabihing "Miss na may pulang bag! Crush mo daw ako?" Potek na yan! Lahat tuloy ng kaibigan ko tinukso nako !

"Yally! May crush ka sa kanya? In fairness naman, may itsura!"

"Oo nga Yally gwapo!"

At kung ano ano pa. Di na lang ako umiimik kasi ayoko ng pahabain pa.

***

Kasama ko Bestfriend ko ngayon sa mall. Para ko na siyang kuya at ako nakababatang kapatid niya.

"Oy Jay! Bili mo naman ako nung ice cream! "

"Ayoko nga ! Ang takaw mo!"

"Pleeeeeaaaaase? Last na yun ! Dali na!"

"Haixt ! Sige na nga!"-sabay gulo ng buhok ko at akbay sakin.

***

Mga tatlong linggo nadin mahigit nung simula nyang tigilan ang pangungulit sakin. Medyo nanibago ako. Parang kulang. Ni hindi ko padin alam ang pangalan niya.

***

Lumipas ulit ang tatlo pang linggo nang makita ko ulit siya. Feeling ko ang saya-saya ko! I know, he already owns that special space in my heart.

Pero yung saya ko biglang napalitan ng lungkot. Di pala siya nag-iisa.

May kasama siyang girl. And he kissed her in the cheeks. Para akong nadurog. </3

***

"Miss, Crush mo daw ako?" -O_O

Bigla akong napalingon. Imposible.

"Na-miss mo ko noh?" :) Di ako makapagsalita... Bigla na lang kumabog ang dibdib ko.

"Uy! Yally ! Magsalita ka naman!"

"A-ahh, H-hi ."

"Ano, Crush mo na ba ko?"

"H-huh?"

"Sabi ko kung crush mo na ko. Kasi ikaw matagal ko ng crush! Kaya nagpapansin ako sayo. Turo yun sakin ng kapatid ko e. Kaya nga pala tumigil ako sa pangungulit sayo nun kasi nakita kita sa mall , may nakaakbay sayo, naisip ko kaya siguro di mo ko pinapansin kasi may boyfriend kana. Saka ko lang nalaman sa isa sa friend mo na Bestfriend mo lang yun. Sorry ahh, nagselos kasi ako . Siguro di lang to simpleng paghanga sayo, Feeling ko mas lumalalim pa ang nararamdaman ko sayo everytime na makita kita. Iba ka kasi e!"

"Totoo ba yang sinasabi mo?"

"Oo naman!"

"E-eh sino yung nakita kon-"

"Ah yun ba? Palabas lang yun. Alam ko kasing dadaan ka dun kaya nagpanggap kami. Tsaka kapatid ko lang naman yun e! Gusto ko lang malaman magiging reaksyon mo. ;)"

"Ahh ganun ba?"

"Oo Yally! Tsaka may sasabihin pa sana ako e."

"A-ano naman yun?"

"Liligawan kita !" ^____^

"Liligawan mo ko, eh di ko pa alam pangalan mo!"

"Alam mo na . Matagal mo nang alam."

"Huh? "

"Ako to . Si Jepoy."

"Jepoy? Yung sinabihan ako nang 'Miss Crush mo daw ako' nung 5 years old pa lang ako?!"

"Ako nga yun! :) Hindi kita nakalimutan."

Hindi ako makapaniwala. Siya nga yung batang yun. Kaya pala may kahawig siya.

At tama nga siya. Crush ko nga siya. Matagal na. At ngayon, mas lumalalim pa....


*********

END <3

A/N:

First time kong makagawa ng One Shot! Dati kasi pag gagawa ako, napapahaba e! Nagiging short story.Haha!

Success to oy! ^_________^v.

Vote and Comment po kayo! Mas matutuwa po ako nun! ^^.

Salamat sa pagbabasa!

<me signing off>

<yushine29>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush mo daw ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon