Hi I’m “Nica”, gusto ko lang i-share ang karanasan ko tungkol sa love. Sa karanasan kung ito, naranasan ko ang dalawang importanteng pakiramdan kung paano umibig. Naramdaman ko ang Masaktan at Sumaya ng dahil sa pag-ibig. Totoo ba yong sinasabi nilang dapat magparaya ka kung parehas kayo ng minamahal mo ng Best Friend mo? Excuse ba yon, kaya wala kanang karapatang ipaglaban ang mahal mo? “Pag na-inlove ka, na-inlove ka. Walang "kasi" walang "ano". Pag natamaan ka, natamaan ka. Tandaan mo ang maunang mainlove talo”.
Tiffany: Isa sa mga pinakamatalik kung kaibigan
Julie: Nililigawan ni Erick
Erick: Barkada ni Daniel
Daniel: ang lalaking mahal ko
Gian: Kaibigan ni Daniel
Charles: makulit na kaibigan ko
Mga Kaibigan: mga kaibigan ko
Anne: kapatid ko
Anna: isa sa mga kaibigan ko, pero hindi kami gaanong close.
Isang araw may pinakilala si Tiffany na lalaki sakin ang pangalan ay Daniel. Natuwa naman ako kay Daniel kasi magaling siyang magpatawa. Araw araw kaming lumalabas ng mga friends ko kasama na si Tiffany, Daniel at Gian. Si Gian ay kaibigan ni Daniel. Nong unang araw naming magkakasamang lahat ay hindi pa kami masyidong close ni Daniel, sila palang ni Tiffany ang close. Pero nong naglaon, nagging close rin kami ni Daniel. Unti-unti kung nakikita ang kabaitan at unti-unti ko ring hinahangahan ang mga nakakatawa niyang jokes, kahit na sa tingin ng mga friends ko ay hindi nakakatawa ang mga jokes niya. Ewan ko ba kung bakit pero sa tingin ko magaling siyang mag joke.
Magkakasama rin kami sa school, naglolokuhan, nagaasaran, nagkwekwentohan, at nagiinisan pero wala namang naiinis sa tingin ko. Mula noon, araw araw na kaming nag tetext, tawag, at naglulukohan ni Daniel. Kapag hindi siya nagtetext parang may kulang, kapag hindi siya tumawag, parang may kulang rin. At yong mga jokes niya parang gusto kung tutuhanin specially kung about love. kasi minsan ang mga joke niya, sinasabi niyang “tayo nalang” ang pagka intindi ko, kami nalang, na para bang mag shota. Pero ang totoo ang sabi niya ay “Tayo nalang” un bang tatayo daw kami, hindi uupo.
Isang gabi nag chat siya sakin sa facebook,
Daniel: nica J
Nica: oh, Daniel, bakit?
Daniel: bakit agad ang tanong mo?
Nica: eh anong gusto mong sabihin ko?
Daniel: musta, anong gawa mo or Miss you,
Nica: miss you?
Daniel: joke lang. ito naman
Nica: haha, di na nakakatawa joke mo.
Daniel: ay, galit.?
Nica: hindi, nagjojoke rin ako.
Daniel: ung joke mo ang hindi nakakatawa.
Nica: sorry naman daw.
Daniel: so ano na gawa mo?
Nica: eto, nakikipagchat sa joker kung kaibigan.
Daniel: joker, pala ako. Haha
Nica: oo, ano sa tingin mo?
Daniel: joker nga.
Nica: sige, tulog na ako.
Daniel: ok goodnight, I love you.
Nica: sige