Hanggang Kailan? by princess_young

86 2 1
                                    

Hai readers, Sorry for the Typho error, at baka sakaling may wrong spelling..hahaha..:D

By The way, any way, High way.. sana po may matutunan po kayo sa sinusulat ko..para po sa inyo ito..lalo na sa mga kabataan ngayon, at sa mga taong akala nila ang taong minamahal nila ay yun na talaga ang taong para sa kanila..:)))


Laging tandaan: Sa pag-ibig walang kasiguraduan!

Hindi porket mahal mo ang isang tao hindi kana masasaktan, kung handa kang magmahal kailangan handa ka ring masaktan.. Ang tanong HANGGANG KAILAN mo makakaya??? (^_^)



HANGGANG KAILAN? by Eya

Entry 1

Pasensya na po, nagmamadali lang po talaga ako. Habang Patakbo si Rina papunta sa kanyang paaralan. Wala kasing sasakyan na dumiritso sa harap ng kanilang paaralan. Nag-aaral nga pala siya sa isang sikat na paaralan sa Manila de La Salle University. Sa awa nga ng Dios nakapasa sya at nakapasok sya bilang Scholar ng Bayan at napili nyang papasukan ay ang de La Salle University.

Kring! Kring! Kring! (phone ringing)

Salamat talaga Lord nakaabot pa ako sa unang subject namin.

Good morning! bati ni Rina sa mga kaklase nya habang humihingal pa sya.

Hoy Rina! Tawag nang kaibigan nyang si Honey. Ang aga-aga pawisan kana ka agad. Tingnan mo nga yang pagmumukha mo, para kang construction worker nyan.

Grabe ka naman kung maka panglait Honey. Nagmamadali kasi ako eh! Akala ko talaga huli na ako sa klase natin.

Bakit ka kasi nagmamadali? Hindi mo ba naaalala sa huling pagkikita natin kay Ms. Lopez na hindi sya makapasok ngayon dahil may dadalawin daw syang Seminar sa ibang school.

O_o Waaaah..! Grrrrr.. Ba't di mo man lang ako tinixt Honey.!

Anong malay ko na nakalimutan mo pala. At tsaka sanay rin naman kasi ako na palagi kang nahuhuli sa klase natin.. so, di na lang kita tinext. ^_^

Ewan ko sayo! Mabuti pa samahan mo na lang ako sa Ucafe para maka pag-agahan ako. Pag minalas nga naman kasi eh!

Kasalanan ko pa? ganun? Eh.. bakit mo pa kasi kinalimutan? Sige na nga, sasamahan na lang kita. Treat mo ako ha!

Treat mo mukha mo. Pang-asar ni Rina kay Honey

Kilala si Rina sa kanilang paaralan, dahil sa taglay nyang ganda, talino, at galing nya sa pagkanta. Pero kilala din sya sa lahat sa pagiging manhid nya. Isipin nyo, sa darami-raming lalaki na nagkakagusto sa kanya wala man lang isa na nakapapasagot sa kanya, kaya yun minsan tinutukso sya sa kanyang mga kaibigan na magiging matandang dalaga na lang. Pero di naman sya suplada kagaya ng iba dyan, sa katunayan nga marami syang kaibigan, at gusto syang kaibiganin ng lahat talo pa ang celebrity sa kanya.


Entry 2

"Nay, kain na po tayo. Handa na po ang hapag kainan".

Sige anak, tawagin mo muna yung mga kapatid mo Rina.

Sige po nay, ma-una na lang po kayo don.

Carl, Trishia kain na tayo. Naghihintay na si Nanay sa inyo, kanina pa. Si Carl nga pala ang pangalawang anak, at si Trishia naman ang bunso.

Ate, alam mo na bang nakauwi na si kuya Kenneth sa Pilipinas? Parang nakita ko sya kasi kahapon, kung di ako nagkakamali. Sabi ni Carl kay Rina.

Ha? Baka namalikmata ka lang siguro? At tsaka, wala na siguro yun balak umuwi dito sa Pilipinas. Mas maganda kasi ang buhay nya don sa Switzerland at tska nandun narin sila naninirahan ng pamilya nya, so wala na syang uuwian dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang Kailan? by princess_youngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon