ZELO’S POV
Tae. May POV din ako? Ayoko pa namang magPOV kasi, wala lang. Hanggang ngayon hindi pa din ako sinasagot ni Neli, NO COMMENT ako ‘pre.
Tutal may POV na rin ako, sasabihin ko na ang ginagawa ko ngayon, pauwi na kami ni Baby Alex, kasabay sana namin si Neli kaso may naiwan daw siya sa Clinic, pakiramdam ko, iniiwasan niya ako? Tae yun ah, para kasing hindi ako nanliligaw sa kanya, ni hindi ko pa nga siya nayaya magdate, na kaming dalawa lang. Ay wait, oo, hindi pa nga -__- Slow ko noh?
Tapos kanina din bigla nalang sinabi ni Baby Alex na natatae na yung stuff toy, diba ang weird?
“Baby Alex, sabihin mo nga sakin may tinatago ba kayo ni Neli?”
Tumingin lang siya sa akin tapos tingin sa stuff toy na bitibit ko.
“Hindi ka ba muna magtethank you?”
Napatawa naman ako, oo nga naman. “Thank you!” sabay gulo ko ng buhok niya.
Siya kasi ang nagbigay sakin ng StuffToy na’to.
Taurus: Itago mo pa rin sa ngiti ang probemang pinagdadaanan, masama ang araw na’to, subukan mong magpakatatag. Lucky Color, Green, Lucky Number Two, Lucky Charm, Stuff Toy. Yan ang sabi niya.
“Nanliligaw ka pa rin kay Neli diba?” casual niya niyang tanong.
Hindi na ako nagdalawang isip na sumagot ng ‘Oo naman’ at yun, hindi na siya umimik.
Ganito talaga siya, masanay na kayo -__-
Banal kasi eh!
Naglalakad lang kami ng tahimik ng biglang pumatak na ang ulan. Nung una ambon pa lang pero di rin nagtagal, lumakas na ng lumakas.
At dahil boyscout ako,
WALA AKONG DALANG PAYONG.