Malamig ang simoy ng hangin. Makulimlim. Dumadagundong ang langit.
Tinititigan ko ang pagbagsak ng mga dahon mula sa puno ng acacia.
Habang inaalala ko yung mga oras na masayang masaya kami pa kami ni Mark na nagtatawanan, nagkukulitan, naglalambingan at nagkuwekuwentuhan sa ilalim ng punong ito.
Kung meron mang nakasaksi ng lahat ng pinagsamahan namin ni Mark... Yun ay ang punong ito.
Ang upuang kahoy na ito.
At ang lugar na ito.
Kumulog pa ulit ng isang beses..
Ay nako. Pati langit.. Nakikisama pa sa nararamdaman ko.
Alam kong maya maya lang ay uulan na.. Pero ayoko pang umuwi. Gusto ko dito :(
Hindi ako uuwi hangga't hindi ko nakakausap ulit si Mark.
Dito lang ako. Hihintayin ko siya. :(
-------------
Mark's POV
Napatingin ako sa bintana ng kuwarto ko.
Unting untimg bumagsak ang maliliit na butil ng ulan sa bintana.
Tinignan ko ang orasan.
6:15pm.
6:15 na..
Isang oras at labing limang minuto na akong late sa inaasahan niyang pagkikita namin.
Hindi ko alam. Ewan.
Parang ayaw ng mga paa kong lumakad papunta sa lugar na iyon. Puno ng masasayang alaala na hindi na maibabalik pa.
Parang ayaw ng mga mata kong makita ang mukha niya.
Mukha ng babaeng minahal ko..
Ng sobra pa sa sarili ko :(
Mukha ng isang taong pinakamahalaga sa buhay ko...
Isang babaeng ngayon ay hindi na kayang tanggapin pa ng puso ko.
Ang mga taong unang nangiwan ba.. Dapat pa bang balikan?
Bakit pa? Para iwanan ka ulit? Para paasahin ulit sa mga pangakong paulit ulit mo nang naririnig? Para magpauto sa mga kasinungalingan? Para saktan ka ulit?
Maraming nagsasabing MAHAL KO pa siya. Pero HINDI NA.
Hindi ko na siya kaya pang mahalin.
Hindi ko na kayang magmahal pa.
Hindi na.
Pagod na ako.
Ayoko na.
Anim na buwan akong naghintay.
Tiniis ko yung hindi niya pagpaparamdam sa akin. Ni isang text, ni isang missed call, ni isang message... WALA.
Hanggang sa narealize kong.. "SINONG HINIHINTAY KO?"
Sana kahit isang araw sa mga panahong yun..kahit isang araw lang..kahit sa pinakasimpleng paraan..pinaramdam niyang may hinihintay pa ako..na may babalik pa.. Para naman nagkaroon ako ng lakas ng loob at pag asa na MERON nga..
Hindi yung babalikna lang siya.. Susulpot sa harapan ko. At gustong makipagusap na animong walang nangyari.
Ganun na lang ba kadali para sa kanya ang lahat?
Tinignan ko ang phone ko.
"Meet me at 5pm. Secret place. I'll be waiting"
-Unknown.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Ficção AdolescenteLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?