Story // One
JoyfulTears Property.
Gail's POV
Eto nanaman kami! Nandito nanaman! Sa Mall lang naman! Kami lang ni Curl. Trip lang namin? Hindi rin! Bumibili kami ngayon ng mga gamit namin para sa school.
"Ano ba mga dapat nating bilhin?" sabi niya sa akin. Sabay tingin ko naman sa listahan.
"Hm... Wait ah... 1 whole pad paper, 1/2 pad paper, 1/4 pad paper, 1/8 pad paper? May ganun ba?" ako na nagtataka sa nakasulat. May 1/8 pad paper ba? Diba wala naman?
"Walang ganung papel. Sige... Ituloy mo pa." at tinuloy ko na nga. Kada basa ko sa mga gamit ay siya naman ang kumukuha. Haha! Yown! Taga basa lang ako!
"Lapis." kuha.
"Ballpens." kuha.
"Colors?" kuha?
"Elementary ba tayo? At kailangan pang bumili ng colors?" Eh! Yun ang nakasulat eh! Sino ba nagsulat nito?!
"Eh! Sino ba kasi nagsulat nito?!" sabi ko naman sa kanya at nagkibit balikat naman siya sakin.
"Psh! Ewan! Basta! Kumuha ka nalang." bahala na. Sabay patuloy ko sa pagbabasa.
"Notebooks... Umm... 16 pcs?" ako.
"20 pcs nalang para sakto na." okay. Sabi niya eh.
"Okay." sabi ko sa kanya sabay basa ko nalang ulit. Nang bigla nalang tumunog ang tiyan ko.
*BRRRRRR-------------*
(tunog po yan ng alarma ng tyan. Lam nyu na kung ano yan. Common Sense nalang.)
"Sino umutot?!" biglang tanong niya naman. Anong umutot? Tyan ko yun eh!
"Tanga! Tiyan ko yun! Walang umutot! Nagugutom na kasi ako eh! Kanina pa tayo dito!" reklamo ko naman sa kanya at nagpout.
"Ouch! Makatanga ah! Wagas na wagas! Parang wala ng bukas!" siya naman na mukhang nainis.
"Ikaw naman makasigaw wagas na wagas! Parang wala ng bukas!" sagot ko naman sa kanya at nagpameywang.
"Oy! Wag mo akong gayahin! Akin yung line na yun eh!" siya naman na tinaasan ako ng kilay. Aba! Talo pa babae kung magtaray ah!
"Bakit?! Binili mo yung line na yun?!" ako naman na sumabat pa.
"Bakit?! May sinabi ba ako?!" siya naman.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa NBS (National Book Store) dahil sa sigawan namin. Kaya tumigil na kami sa sigawan namin.
"Tapusin na nga lang natin toh at kumain na tayo. Tch." narinig ko namang sabi niya sakin habang nakatalikod ako sa kanya kaya naman agad akong humarap sa kanya na tuwang tuwa.
"Talaga?! Ghe! Ghe! Tara na!" at hinatak ko naman siya at binili na ang mga kailangan namin para sa school.
"PG ka talaga." bulong niya pero narinig ko parin.
"Sinong PG?!" bigla ko namang sabi sa kanya at sinamaan lang siya ng tingin.
"Huh? May sinabi ba akong PG? Baka naman Parental Guidance?" palusot naman niya pero di yan tatalab sakin. Malinaw ang pandinig ko eh.
BINABASA MO ANG
[Book1-Book2] Only Friends, New Love #PAUSE
Novela JuvenilThis story is about a Girl named Gail Angela who was inlove wmith her Bestfriend I think. But her best named Carl love someone else named Joy. But there is one person came in her life that makes her angry, sad, happy, annoyed and also make her fall...