Chapter Ten: Point of Retreat

127 1 0
                                    

Hinanap niya ang kanyang kotse sa parking lot pero hindi niya makita. Nilapitan niya si Mang Pedro, ang driver ng papa niya para tanungin kung nasaan ang kotse niya.

"Ay, hindi po ba nasabi sa inyo ni Sir? Mula daw po ngayon ipagdadrive ko na po kayo gamit iyong SUV."

Nanlaki ang mata niyang tinatakpan ng sunglasses. She spent the whole night crying and not going out for dinner. Kung pwede lang sana ay hindi na siya papasok pero midterm exam nila sa isa niyang subject kaya hindi pwedeng absent siya.

"Nasaan si Dad?"

"Hinatid ko na po kanina sa opisina. Maaga po kaming umalis para po maihatid ko kayo ngayon."

Hindi na siya nagtanong at pumasok na lang ng sasakyan. Nasa puso pa rin ang pangamba at ang realisasyon na kailangan na niyang makipagkalas kay Julian bago pa may mangyaring masama sa lalaking mahal niya.

Huminga siya ng malalim at nangarap na sana panaginip lang ang lahat at malapit na siyang gumising mula doon.

***

Pagkababa niya ng sasakyan ay agad niyang nakita si Julian. Nakakunot ang noo nito nang makita siyang bumaba ng hindi pamilyar dito na sasakyan. Lalong kumunot ang noo nito nang makita siyang naka-sunglasses.

Nang makita niya ito ay gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Pero hindi niya iyon magagawa hanggang andoon si Mang Pedro kaya nanatili lang siyang nakatayo, ilang metro ang layo dito. May posibilidad kasing isumbong siya nito sa kanyang ama. Laking pasasalamat niya nang umandar na palayo ang sasakyan.

Lumapit si Julian sa kanya. Malamang ay nagtataka ito nang walang ngiti sa mga labi niya at hindi siya tumakbo palapit dito, mga bagay na lagi niyang ginagawa. Hinawi nito ang kanyang buhok at inipit sa kanyang tenga. Napasinghap siya.

"Hey, anything wrong?" puno ng concern na tanong nito.

She shook her head. "Masyado lang ako napuyat kagabi kakaaral. Kinakabahan ako sa exam mamaya."

"Don't worry. You'll ace that exam. You are the smartest lady that I know of," sabi nito na hinalikan ang kanyang noo. "Come on, baka malate ka na."

Hinawakan nito ang kamay niya at nagsimula na silang maglakad. She wish that this day will never end. But she also knows it is not possible. She have to let him go soon.

***

Nasa backstage si Pauline. Tumingin siya sa suot na relo. Alas-otso ng gabi ang karaniwang dismissal ng bawat colleges sa kanilang unibersidad. At dahil regular ang klase nila Julian, may time siya upang magpraktis ng kanyang sasabihin sa lalaki.

Kanina sa cafeteria ay nakita niya si Howie at nag-abot siya dito ng note para kay Julian. Iisa lang ang building ng Engineering at Architecture kaya hindi malabong makita nito ang lalaki. Ang Communication Arts kasing building nila ay isang kilometro ang layo mula roon. At tiyak na male-late siya kung siya mismo ang magbibigay nito kay Julian.

Masakit man sa puso niya ang gagawing pakikipag-break kay Julian ay wala siyang magagawa. Sa ama niya nalaman na scholar ito nang kanilang university at kapag hindi niya sinunod ang gusto ng ama, Julian will suffer. She wouldn't want that. She love Julian that she won't make his future at stake. Mataas ang ambisyon nito at alam niyang hindi kakayanin ng konsensiya niya kung titigil ito ng pag-aaral nang dahil lang sa kanya.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bigla na lang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Those arms was so familiar to her.

"Hey, I miss you already," bulong sa kanya ni Julian.

Dahil sa sinabi nito ay may hungkag siyang nadama mula sa kanyang puso. Kung pwede lang sana niyang kalimutan ang lahat ng pinag-usapan nila ng kanyang ama o kaya ay suwayin ang utos nito ay ginawa niya. Pero hindi siya ganoong makasarili.

Pumikit siya at kinondisyon ang sarili pagkatapos ay humarap sa binata.

"Julian, I'm sorry. I think we should break-up," walang pasubaling sabi niya rito. Halatang nagulat ito sa kanyang sinabi. Nagulat din siya na hindi siya nag-stammer sa harap nito.

***

Mas malinaw pa sa sinag ng buwan ang sinabi sa kanya ni Pauline. But damn, he never expectedthings would work out that way.

Kinuyom niya ang kanyang mga kamay. He felt used. He shouldn't have believed what she said. May parte sa utak niya noon na baka pinaglalaruan lang siyang babae. Pero winaglit niya iyon sa isipan dahil sadyang makulit ang dalaga at naniwala siya na mahal talaga siya nito. Man, she even nearly given him her body for God's sake! Hindi pa ba sapat ang mga rasong iyon para hindi siya maniwala?

Pero ngayon, para siyang binuhusan nang malamig na tubig upang siya ay magising sa kanyang panaginip at bago malunod sa kahibangang iyon. Totoo nga atang pinaglaruan lang siya nito so he acted like a cool bastard.

"Okay, kung yan ang gusto mo. I knew from the very first time that we're just playing," sabi niya rito na parang wala lang sa kanya ang pakikipagbreak nito sa kanya.

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng dalaga. Parang hindi nito nagets ang sinabi niya

"C'mon, for a rich brat like you, you just bored so you want to experience something knew. Babe, we feel the same, I also want to experience a rich brat on my bed."

"You mean--" maya-maya na lang ay nakita niyang naglalandas na ang mga luha sa mukha ni Pauline. Iniwas niya ang tingin dito, pinilit iwaglit ang nagbabandyang awa rito.

"I'm not a fool, sweetie. You should know it from the start. I'm the campus bad boy, remember? Why would I be stuck with you? The only reason applicable is to have sex with you," aniya at nilapitan ang dalaga.

Pilit itong umiwas, nasa mata pa rin nito ang mga luha. What a great actress. "Iyon lang ba ang gusto mo sakin?"

"Of course, every guy in the campus would want to and I'm just a boy, Pauline," pagkasabi niyon ay may naramdaman siyang palad na dumapo sa pisngi niya.

"You jerk!" sabi nang dalaga sa kanya at pinagsusuntok ang kanyang dibdib. Pinigilan niya ang mga kamay nito at ginawi niya iyon sa pader. Patuloy pa rin ang pag-iyak nito. It crushes him to see her cry but he have to stop this insanity. Ayaw na niya uling maloko nito.

"Listen, let's have this final kiss so we should get over it." Hawak pa rin niya ang magkabilang kamay nito sa pader. Nang ilapit niya ang kanyang mukha sa babae ay nagsimula na naman itong magpupumiglas. Napasinghap ito nang magsimula na niyang halikan ito.

Matapos ang halik ay binitawan na niya ito at tumalikod palabas ng backstage. Pinilit niya ang sariling huwag lingunin ang babae.

Until You're Mine [Filipino]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon