the flashback.... ^_^

155 1 1
                                    

ito na po ang flashback....

<<<<<<<<<<<<<<<< konti na lang matatapos na po ang story na ito..

keep on reading..^_^

sorry kung paudlot udlot ang updates...

______________________________________________________________________________

February 25..

4th monthsarry namin ng bebz ko.. 

"Haaaaayyyyyyy" hikab!! Nagform ako ng big smile... kasi sa bilis ng panahon at araw, grabe 4th monthsarry na namin ng aking Bebz, lumapit ako sa salamin.  Grabe oh, morning glory!! pansin ko ang eyebags ko, naka naman, ang panget.. napuyat nga pala ako kagabi sa kaiisip kay RD.  Feeling ko talaga na may something, a very sad something sa kanya habang kausap ko siya sa phone.  Nung sinabi niya na magulo ang isip niya, tapos yung kakaibang kaba ko nung sinabi niyang mahal niya ako, na mahal na mahal niya ako.  Parang ewan di ko ma explain.  Haaaaayyyy.. Sana naman po dear god, wala lang yung kagabi. 

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko, and oh... may msg. galing sa Bebz ko.. read read!!!

From Bebz RD:

Bebz, happy 4th monthsarry, mahal na mahal kita.  Punta ka sa school garden.  Bebz. sana mangako ka sa akin na hinding hindi ka malulungkot kahit anong mangyari...  Basta Bebz mahal na mahal kita.. 

Hayyyy.. bakit ganito ang txt ni Bebz.. bakit ganito na naman ang kabang nararamdaman ko..?? may problema ba siya?? naka naman, kagabi pang ganito ang pakiramdam ko, sobrang natatakot ata ako. na hindi ko maexplain.   Nagmadali akong nag ayos, nag apply ng make up, pero syempre light lang,, kasi po ako ay 4th year high pa lang.. look at the mirror.. perfect naman, oh.. nagbihis kaagad ako, then nagsimula ng maglakad palabas ng bahay.  Di ko na pinansin ang masarap na breakfast na inihanda ni Mama Leah, kasi saan ka pa, excited po ako eh.  Habang nasa car ako, tinitignan ko ang bawat page ng scrap book na ginawa ko para sa bebz ko.  Grabe bawat pahina, super feel ko.  Natatawa ako kasi super kilig ako sa bawat pictures namin na idinikit ko dun..  Haaayyy.. excited na talaga akong makita si Bebz ko at ibigay ang scrap book sa kanya.  Di na nga ako nag breakfast ng lagay na ito.  Baka ako pa ang maunang makarating sa school garden kesa sa kanya.  Ano kayang meron dun???

Sa school garden.............

Lingon lingon,  look at the left, look at the right... wala pa si Bebz..  Masyado ba akong naexcite?? napaaga ata punta ko dito.  Saturday pa naman.. pamaya pa dadating yung mga students na busy sa mga projects nila.. haist buti na lang kahit walang activity ang section namin ngayon, pinapasok ako ni manong guard. 

Umupo muna ako sa garden, habang tinitingnan yung mga blooming na flowers. 

"Ayyy.. ang gaganda nyo naman, alam nyo ba pretty flowers sobrang saya ko ngayon??,.  kasi po ngayon ang 4th monthsarry namin ng bebz ko.  Excited na nga akong ibigay sa kanya yung scrap book na ginawa ko eh.. feeling nyo ba magustuhan nya kaya yun???". 

Ayy.. parang ewan lang eh.. noh pati flowers kinausap na... Naglakad lakad ako sa garden, may dalawang oras na nga ang nakalipas, pero wala pa din ang bebz ko.  Di ko naman sya macontact.  Ano kayang nangyari dun?? syempre no choice ako, kahit anong mangyari, di ako aalis sa garden na ito na wala ang bebz ko.. nagpatuloy ako sa paglalakad lakad, halos nalibot ko na ang bawat sulok ng garden, pero wala pa din ang bebz ko.  

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon