Chapter 3— Level up na Panunuyo
Kamille’s POV
*kulbit kulbit*
Maaga ako ulit pumasok ngayon kasi wala naman ako kasama sa bahay. Nakakalungkot kasi nasa Paris pa din si Dad at si Mommy maaga daw pumasok dahil may meeting daw siya sa isang client. Si kuya naman busy sa business niya kaya hindi na din naka-uwi sa bahay kagabi. Hay, kapag nga naman busy ang mga kasama mo oh. Medyo matatakutin pa naman ako.
*kulbit kulbit*
“Mmm?” Sino ba ‘to? Inaantok pa kasi ako kaya nakadukdok ako ngayon sa seat ko sa classroom. Wala pa din ako makausap dahil sobrang aga pa nga at wala pa yung mga classmates ko.
Hindi naman sumagot yung kumakalabit kaya hindi ko na din pinansin.
*kulbit kulbit*
“Anoooooo?” sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya.
“Hey, Nerd.” Automatic na bumukas yung mata ko nung narinig ko yun. Kahit nakadukdok pa din ako, pinapakiramdaman ko kung tama ba yung hinala ko.
“Nerd.” Bumangon naman ako ng makumpirma ko, ang kulit talaga niya talaga.
“I told you not to call me Nerd di ba? Can’t you unde----“
“Tell her I appreciate it.” Nakangiti niyang sabi saka umalis ng room namin.
Himala. Ngayon ko lang yata siya nakita na ngumiti ng ganun? Parang natuwa naman ako? Saka, teka, nagpunta pa siya dito para lang sabihin na na-appreciate niya yun? Bago yun ah? Tagumpay na ba ‘ko sa unang level ng panunuyo sa panget na yun?
Sa isang buwan kong paggawa ng letter para sa kanya, ngayon niya lang talaga ko sinadya para sabihin na na-appreciate niya? Yeeessss! Level 1 complete na!
Teka, di ako dapat makampante. Hindi dapat dito matapos lahat. *ting* Alam ko na! May naisip na ko para sa level 2.
Good mood na good mood ako ngayong umaga dahil pinuntahan ako ni Errol. Wait! Erase, erase. Hindi dahil pinuntahan ako ni Errol, dahil na-feel ko na na-aappreciate niya talaga yung ginawa ko. Pero sa kanya, isang Shiela Mae de Leon ang gumawa nun. Medyo busy din ako dahil mag-eexam na at hell week pa dahil sabay- sabay pa ang pagbibigay ng projects. Kakayanin ko 'to.
Naibigay ko naman ang portfolio ni Shiela on time at sabi sa’kin ni Christine, kinuha daw ng teacher nila ang project niya dahil ito daw ang pinakamaganda sa section nila.
“Kamille, gusto mo ba talaga maging fifth member namin?” Tanong ni Christine. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dahil umalis saglit yung tatlo.
“Oo naman. Oo na oo Christine.”
“Pero, pwede mo naman ako maging friend eh. You don’t have to follow Shiela para lang makasali sa’min.” Ang bait niya talaga. Siya lang ang bukod tanging may pakialam sa’kin.
“Nag-aalala ka ba? Hehe. Sa totoo lang Christine, isa ka sa mga dahilan kaya gusto ko sumali sa inyo. Gusto ko din kasi ma-feel yung ma-belong sa isang grupo. Ayoko na na lagi akong mag-isa. Di ko pa naeexperience yung magkaroon ng circle of friends. Kaya okay lang sa’kin na maging utusan ng kahit na sino sa inyo.”
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Fiksi RemajaAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)