Chapter Ten
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanginginig ang katawan ko sa kaba at ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Masaganang umaagos ang luha ko na kanina pa hindi tumutigil. Pagod na ang katawan ko, gusto ko ng mahiga at matulog sa bahay pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang iwan si Cy. Ilang oras na din akong nakatayong mag-isa sa harapan ng pinto ng E.R. Umuwi si Res para sunduin sila mama at Luna. Pinapagmasdan ko siya habang inaasikaso ng mga doctor. Puno ng dugo ang mukha niya at hawak niya parin ang dibdib niya. pinipilit niyang huminga kahit na may oxygen ng nakakabit sa bibig at ilong niya. Kitang-kita ko ang paghihirap niya. Nasasaktan ako.
Hinarap ko ang taong humawak sa balikat ko. Dumating na pala sila mama at ang mga magulang ni Cy. "What's happened?" Hindi ako makasagot sa tanong ng mom ni Cy. Naiiyak ako, kasalanan ko ito.
Hagulhol lang ang tugon ko sa kanya. Lumapit si mama at ginabayan akong umupo sa upuan. Kung sana nalaman kong hindi na pala maayos ang condition niya, hindi ko nalang sana siya inaya mamasyal. Kasalanan ko, kasalanan ko ito.
"He will be alright." Luna tapped my back ang smiled. Her words is not enough para pakalmahin ako. Natatakot man akong isipin pero parang nahihirapan na talaga siya sa sitwasyon niya. Hindi ko kakayaning mawala siya.
"Mom, what should I do?"
"Pray, Syche. HE will guide you, HE will help you. Wag kang mawalan ng pagasa. Lahat ay may rason." Pilit akong ngumiti at tumango sa sinabi ni mom. Mom asked me kung sasama ba akong magdasal sa mini chapel nila dito sa hospital. Pumayag ako pero bago ako umalis binilinan ko si Luna na wag iiwan ang parents ni Cy at si Cy. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin bigla nakang bumigat ang tuhod ko kaya napaluhod ako sa kneeler at napapikit.
"Please, help him. I'm begging you."It took me some minutes to pray begging for his mercy. Please, oh God. Help him. I can't breathe without him in my side. I'm begging you. Please.
"Sy!" Naputol ako sa pag da-dasal nang biglang sumulpot si Zes at tinawag ako. I immediately stand and run towards him.
"P-please go to the emergency room, Cy n-needs you." Hindi ko alam kung ano ang gagawin basta ang ginawa ko ay agad akong tumakbo papunta at papasok sa emergency room pero agad akong naharangan ng isang nurse. "Please let me go! Cy needs me!"
"Wear this first miss." Hinablot ko agad ang mask at hospital gown nila at madaling tinungo ang silid ni Cy.
Napaluhod ako sa ambahan ng pinto nang makita ang kalagayan ng lalaking mahal ko. I can't bare to see him like this. he looks so awful. Oh, Please help him. I'm begging You.
"C-cy."