Nandito parin ako ngayon sa kwarto 'ko habang tinitignan si Drian na natutulog. Ang laki talaga ng eyebags niya pero kahit ganun gwapo parin siya.
Hindi naman kasi marami ang binibigay na requirements saamin. Sakanila kasi, nasa STEM class sila kaya mas marami ang requirements nila. Marami din silang subject samantalang saamin, 8 lang. Pagdumadaan nga ako sa building ng STEM, halos lahat ng estudyante dun may eyebags. May contest ata sila ng palakihan ng eyebags.
Naka-online parin ako gamit ang account ni Drian, sabi niya kasi pwede 'ko lang gamitin. Tinignan 'ko yung mga messages niya sa facebook. Grabe ang daming messages. Ang dami palang nag-c'chat sakanya pero di niya nirereplyan. Ako lang, chos.
"Hi po. Ang cute mo po talaga"
"Ang gwapo mo, Drian"
"Notice me oppa"
"Pa-accept po ng friend request"
Nagbabasa ako ng mga messages para ma-seenzone sila. Hahaha! Ang lalandi kasi. Joke.
Tumayo muna ako para sumilip sa bintana kung umuulan pa ba at umuulan nga. Kailan ba titigil ang ulan na yan? Ang sarap tuloy matulog, malamig kasi.
Dalawang oras narin palang natutulog yung cold guy na yun. Bababa muna ako, magluluto ako pang-miryenda namin. Pero bago ako bumaba, sinirado 'ko muna ang pinto.
Nandito ako ngayon sa kusina, nagluluto ako ng pang-miryenda namin hanggang sa makarinig ako ng malakas na pagsipa ng pintuan. Sa gulat 'ko ay nahulog 'ko yung baso na ininuman 'ko ng tubig. Tsk.
Dali dali akong lumabas at nakita 'ko ang lalaking ayaw na ayaw 'kong makita sa buong buhay 'ko. Ang lalaking kinamumuhian 'ko. Ang lalaking walang kwenta na nang-iwan saamin.
Ang walang kwentang tatay namin. Teka, tatay ba talaga namin siya?
"N-Nandyan ka pala, *hik* anak. Nasaan *hik* ang nanay mo?" anak? Anong anak? Tatay ba kita? Gusto 'kong sabihin yan sakanya kaso natatakot ako sa pwede niyang gawin lalo na't lasing siya. Sa tono palang ng boses niya, halatang lasing na lasing siya.
Tinapon niya yung dala-dala niyang bote ng beer at di pa siya nakuntento, binasag niya pa yung vase.
"Wala dito si mama" walang expression 'kong sagot.
"*hik* n-nasaan pala siya *hik*? N-nanlalalaki nanaman ba? M-malandi talaga yung nanay mong *hik* yun." sa oras na 'to, di 'ko na mapigilang magsalita ng masama sakanya. Napaka-walang kwenta niyang tatay. Anong karapatan niyang tawagin na malandi si mama?
"Malandi? Nanlalalaki? Excuse me lang po, nasa trabaho si mama at hindi nanlalalaki. Ba't di mo po yan sabihin sa sarili niyo? Diba ikaw po yung, nambababae at iniwan kami?" galit 'kong sabi sakanya, kaso mali yata ako. Di 'ko dapat sinabi yun kasi nakita 'kong handa na akong suntukin ng kamao niya. Napalunok tuloy ako dahil dun.
"Anong sinabi mo? Wala kang respeto!" galit niyang sabi. Pake 'ko? Dalawang taon niya kaming iniwan at pinabayaan tapos ngayon, babalik siya dito para mang-gulo? What a father.
BINABASA MO ANG
Stop Acting Like You Care
Teen FictionA story of a guy who became friends with his bestfriend's ex-girlfriend but he doesn't know that she's the ex girlfriend of his bestfriend.