one shot

170 22 49
                                    

Nandito ako nanunuod ng paglubog ng araw maganda pag masdan ito pero mas maganda ito kung kasama ko syang manuod katulad Dati

Naniniwala ako sa sabisabi na pag kasama mo manuod ang taong mahal mo makakasama mo sya habang buhay na kayo yung nakatakda para sa isa't isa

Naniniwala ako doon Dati

Dati nung kami pa

-
Masaya kami noon,
Ang sweet pa nga namin,
Lagi pa kami inaasar ng mga kaklase namin,
Minsan nagtatalo kami pero naaayos naman agad namin,
Alam Kong mahal na mahal nya ako

Pero sabi nga nila Hindi pwedeng puro saya lang, darating ang araw na masasaktan, iiyak ka.

Nagsimula yun ng manuod kami ng paglubog ng araw o tawagin nalang nating sunset

Kasama ang barkada

Ang saya ko pa noon
Naalala ko pa na nung oras na rin non nangako syang Hinding Hindi nya ako iiwan. Na mahal na mahal nya ako

Pero ika nga nila
Promises meant to be broken
At satingin ko yun ang nangyari samen

Nagulat nalang ako isang araw nagising ako may kasama na syang ibang babae

May natanggap akong text galing sakanya
I don't love you anymore, and i want to break up with you

Inisip ko kung anong pagkukulang ko
Kung may nagawa ba akong Mali

Pero napupunta lang ako sa sagot na wala
-

Naiinis ako.
Akala ko kasi sya na yung forever ko
Akala ko sya na talaga makakatuluyan ko

Lalo na nung makasama ko syang manuod ng sunset

Sa susunod na magmamahal nako ayoko na manuod kami ng palubog ng araw

Para saken ang sunset
Ay nangangahulugang katapusan..

Kasi pag sunset na ibig sabihin patapos na ang isang araw

Ngayon ko lang narealize na ang pinaka malungkot na part sa isang araw ay ang pagdating ng sunset.

Magandang manuod ng paglubog ng araw. Nakakalibang pero Hindi mo alam na don na pala magwawakas ang lahat magugulat ka nag iisa ka nalang. Nasa gitna ng dilim.

Pero sabi nga nila pag may umalis may darating.

Dapat lang matuto kang mag antay Hindi naman habang buhay nasa dilim ka darating ang araw na may magpapa kulay ulit ng buhay mo.

Mag antay kalang darating naman ang sunrise eh.

Pag nagmahal na ulit ako.
Aayain ko nalang syang manuod ng sunrise.
Mas maganda panuorin ito kumpara sa sunset dahil ito at nagbibigay liwanag.
Ang sunrise ang nagsasabi kung umaga na
dito nagsisimula ang isang araw.
Nagsasabing may bagong buhay.

Sunset (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon