Kabanata Sampu

1.5K 47 0
                                    


Kabanata Sampu

Nakatayo ako, nag-aalinlangan kung itutuloy ko ang pagpunta doon sa may puno, sa favorite spot ko, sa paborito kong tambayan.

May babaeng nakaupo kasi sa lilim ng punong iyon. Nakasandal siya dito, nakapikit at may earphones na nakapasak sa tenga niya. Naisip kong sa iba nalang magpalipas ng oras kaso wala na akong ibang alam na lugar na tahimik at walang tao.

Sa huli ay napagdesisyunan kong tumuloy sa paglalakad.

Nagulat ako nung uupo na sana ako sa damuhan dahil dumilat ang babae at nagsalita.

"Kung isa ka sa mga babaeng head over heels in love sa anim na mayayabang, go find another place! Wag kang tumabi sa'kin!"

Anim na mayayabang. Sigurado akong ang Kulupong Boyz ang tinutukoy niya. Siya rin pala ay may nemesis sa anim.

"Hindi," todo iling na tugon ko. "Hindi ako katulad ng iba na manghang mangha sa kanila. Ang totoo nyan wala akong interes sa kanila."

Sumilay ang ngiti sa labi ng babae tila nakahanap ng kakampi. Umayos ito ng upo at inalis ang earphones sa kanyang tenga. "Mabuti naman." Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya para paupuin ako.

"Alam mo, sawang sawa na ko sa palaging topic ng mga babae. Alfie, Brett, Zayden, Thadeus, Shiloh, Travis. Right here, right there. Everywhere, anywhere and whenever! Like, duh? I can't see special thing on them para kahumalingan nila. Tss. Time wasted. Sana ma-realize nila na nagsasayang lang sila ng oras at panahon sa kapapantasya sa anim na lalaking yun." Habang nagki-kwento siya eh gigil na gigil siya. Naisip ko tuloy na, may nagawa kayang kasalanan ang anim sa babaeng 'to?

"You look weird."

Namilog ang mga mata ko sa sumunod niyang sinabi. Am I look weird? Ako pa yung mukhang weird dito huh.

"Magkakasundo tayo." Ngumiti siya at niyakap ako.

Nung una ay nanlaki ang mga mata ko. Bukod sa kadugo ko ay wala pang yumakap sa'kin.

"Hin...di ka ba nandidiri sa'kin?" bigla kong naitanong nang lumayo siya.

"What? May nakakadiri ba sa'yo?"

"Uh..." Tinuro ko ang mukha ko.

Humagalpak naman siya ng tawa. "Ang ganda mo kaya."

Ako naman ngayon ang napa-What. May deperensya na ata sa paningin ang babaeng ito.

"Look," aniya sabay kuha sa buhok kong sabit sabit. "Hindi ka pa nagsusuklay nyan ang ganda ganda mo na. Ano pa kaya kung natuto ka ng mag-ayos, diba?"

Ang ganda ganda ko daw. Para sa kanya ang pangungusap na yan, eh. HIndi bagay sa'kin.

"Hindi ako maganda." Hindi pa ako gaanong tapos magsalita sumabat na siya.

"I was invited on a party. It looks exciting pero baka ma-OP ako. You know, the six will be there."

"Party ni Danica ba?" tanong ko.

"Yup. You're invited also?"

Tumango ako.

"Great! I'm going, then. You too. Punta ka rin."

"Uhm, sige."

Sa tuwa niya niyakap niya uli ako.

"Shocks, mali-late na ko sa next class ko. See you at the party! And it's so nice meeting you. See you soon, friend!" sabi niya habang naglalakad paatras.

Kumaway ako at pinanood siya hanggang sa mawala siya sa paningin. Friend. May kaibigan na ako?

Pero teka, anong pangalan niya? Gusto ko uli siya makita kaso hindi ko nahingi ang number niya. Ngunit may paraan pa para magkita ulit kami ng friend ko. And that is.... to attend Danica's party.

***

Sabado ng gabi, may nag-deliver ng damit sa bahay. May kasama itong note na nagsasabing ayun ang dapat suotin sa party. Pulang top at itim na short na ang tela ay madulas. Medyo manipis din at maiksi. Siguro kung sa ibang babae ay sakto lang, pero para sa'kin maiksi na ito kumpara sa mga shorts ko.

Nabanggit ko sa parents ko na may pupuntahan akong party. Mas excited pa nga sila kaysa sa'kin. Hindi ko siya masisisi dahil first time kong aattend ng party. Pero ngayon pupunta na ako. Bakit? Para makita ko ulit yung "friend" ko. Yay! I'm so excited to see her again! Hindi party ang pinunta ko doon. Kundi siya. Promise kapag nagkita na uli kami ni friend, lulubus-lubusin ko na. Kukunin ko ang name and contact niya. Omiigosh. Ang saya-saya ko! Kasi finally, mararanasan ko ang feeling ng may kaibigan. Bukod sa mga pusa ko ay may masasabihan na ako tungkol sa mga bagay bagay na hindi ko ma-share sa parents ko.

Matapos kong pumirma sa papel na hawak ng delivery boy umakyat agad ako sa kwarto ko. Sinara ko ang pinto at sinukat ang damit sa harap ng salamin. Kahit kelan talaga hindi bagay ang kulay pula sa balat kong kayumanggi. Ganunman, pakiramdam ko bagay sa'kin ang damit. Umaayon kasi ito sa kurba ng katawan ko.

Ayos naman. Kaso, nakikita ang pusod ko. Ah! Papatungan ko nalang ng jacket.

Bigla akong na-excite. Pare-pareho ba ng damit ang mga a-attend ng party? Pati yung kulay? Yikes, sana oo. Para parehas kami ni Friend.

@HyoRinLuvStar: Looking forward to see you friend! :)

~#KT


Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon