Kabanata Labing Dalawa

1.4K 40 0
                                    

Kabanata Labing Dalawa

"Two bottles of tequilla tapos tatlong shotglass. Samahan mo na rin ng lemon and salt."

Tumingin ako sa aking kaliwa't kanan. May ibang tao rin naman kaso mga dumadaan lang. Binalik ko ang tingin sa magbabarkadang nadaanan ko ang kanilang pwesto.

"Huh?" ang tanging naging reaksyon ko.

"Wag ka ngang magbingi-bingihan. Ikuha mo na kami!"

Naks, demanding si kuya.

"Tingin mo sa'kin, waitress?" Pinandilatan ko siya ng mata bago tumalikod.

Napaatras nalang ako dahil sa stainless tray na tumambad sa harap ko.

"Ikaw nga magdala nito! Palakad lakad ka lang dyan, eh." Nilagay ng babae ang tray sa kamay ko.

"Bakit mo ko binigyan ng ganito?" naguguluhang tanong ko.

Mukhang hindi niya ako narinig dahil nagdire-diretso lang siya ng lakad.

Pinagmasdan ko ang hawak kong hugis bilog na tray. May mga shotglass na narito na may lamang alak. Parang alam ko na ito, ah. Sa mga napapanood ko sa TV, ganito ang dala-dala ng waiter or waitress tapos naglilibot libot. Mag-o-offer sa mga guests or sila ang kusang kukuha nito. What the... bakit ang weird sa lugar na ito?

Nagsimula na akong maglakad. Ilalagay ko nalang siguro ito sa makita kong bakanteng table tapos aalis na ako. Hindi ko matatagalan ang lugar na ito. Bahala nang magalit sa'kin si Danica tutal matagal na naman syang galit sa'kin. At si Friend? Siguro naman may iba pang pagkakataon na magkikita uli kami.

"Guys! Look who's here!" tawag atensyon ng babae sa kabila ng dumadagundong na music. Tinuro niya ako kaya nagtinginan sa'kin ang lahat.

Mayamaya ay tumigil ang tugtog.

Nagsimula na akong kabahan. Parang alam ko na ang mangyayari.

"Danica, did you invite her?"

Nakita ko si Danica. Nakatayo siya at nasa likuran niya ang kanyang mga alagad. Naka-cross arms siya habang nakangisi.

"I didn't," kaswal na sagot ni Danica.

Nanginig ang laman ko. Sabi ko na! Hindi maganda ang pagpunta ko rito! Nagpauto na naman ako kay Danica.

"So you are that desperate for this party. Look at yourself. Nagpaka-waitress maka-join lang dito. How pity you are."

Tiningnan ko ang kasuotan ko. Pagkatapos ay ang mga tao. Iba ang suot nila sa'kin. At ang katulad kong damit ay iyong may mga dalang tray.

Nanlabo ang mga mata ko. Napahiya na naman ako. No, pinahiya na naman ako.

"Loser!" sigaw ng babaeng nasa kalayuan at binato ako ng kinakain niya.

Gumaya ang karamihan. Pinagbababato nila ako ng kung anu-ano habang sumisigaw ng "Freak!" at kung anu-ano pang mapang-insultong salita.

Nag-angat ako ng tingin nung may lalaking lumapit sa'kin. Umasa ako na tutulungan niya ako kaso hindi.

"Ang sexy mo naman kahit ang panget mo. Hayaan mo, pipikit nalang ako habang tinitikman ka."

Kinilabutan ako ng sobra sa pangbabastos niya kaya nasampal ko siya ng malakas.

Hinimas niya ang pisngi niya na sinampal ko at nakita kong nag-igting ang panga niya habang nakatingin ng masama sa akin. Hinawakan niya ang bewang ko at hinila.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko pero hindi niya pinansin.

Nagsigawan ang mga tao na para bang chini-cheer pa ang manyak. Hindi ko na kinaya. Napahagulgol na ako ng iyak.

This is too much.

Ayokong umiyak sa harap ng maraming tao dahil ayokong magmukhang kaawa-awa. Pero sa sitwasyong ito ay hindi ko mapigilan. Kung maaari lang na maglaho ako sa pagkakataong ito na parang bula.

"Lumayo ka sa'kin," halos bulong na sabi ko na ako nalang yata ang nakarinig.

Patuloy sa pag-dirty dance ng manyak habang nakayakap sa'kin. Iritang irita ako sa tuwing dumidikit ang pawisin niyang balat sa balat ko.

Kung kailan nawalan na ako ng pag-asang may tutulong sa akin, saka nangyari ang isang bagay na hindi ko lubos inaasahan.

"Thadeus," was the only word slipped out from my mouth.

Tama, si Thadeus Rivas. Ang taong humila palayo ng manyak sa akin. Kinonsidera ko siya bilang worst enemy ko pero heto siya't niligtas ako ngayon.

Ginulpi niya ang manyak. Hindi niya ito tinigilan kahit na may mga umaawat sa kanya. Saka lang siya huminto ng mawalan ng malay ang manyak.

Hinihingal siya nung umayos ng tayo. Ilang segundo niyang tinitigan ang manyakis na ngayon ay walang malay sa sahig bago nag-angat ng tingin sa'kin.

Nakipagtitigan siya sa'kin as if pinapakalma niya muna ang sarili. At nung medyo kalmado na siya, naglakad siya papunta sa'kin nang hindi inaalis ang titig sa mga mata ko.

"Ikaw naman kasi! Alam mo namang hindi ka bagay sa party na 'to nagpunta ka pa rin!"

"Oo, alam ko!" Dahil sa halo halong emosyon ay nagawa kong magtaas ng boses. "Alam kong hindi ako nababagay dito. Panget kasi ako. Sobrang panget ko kasi! Ang dapat sa ganitong okasyon ay yung mga magaganda't gwapo lang." Tiningnan ko silang lahat. Kung anong ingay nila kanina ayun ang tahimik nila ngayon. "Kapag panget ba hindi na nirerespeto? Pasensya na, ha. Hindi ko naman kasalanan na naging panget ako eh. Pero kasalanan yung mga ginagawa ninyo sa'kin." Tinapunan ko ng tingin si Danica na nag-iwas ng tingin bago ako nag-walk out.

Nakisama naman ang mga paa ko. Kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa lupa nakarating ako sa pinto palabas ng bar.

Nagpunas ako ng luha pagkatapos luminga linga sa paligid. Bukod sa mga kotseng naka-park wala na akong ibang nakikitang sasakyan. Walang taxi o kahit jeep.

Bahala na!

Nag-umpisa na akong maglakad. Hanggang sa may tumawag sa'kin.


Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon